KBNT 49

7.2K 154 26
                                    

HOLY'S POV

Nagising ako kinabukasan dalawang araw ang nakalipas mula nang tumawag si Papa at bumulagta sakin ang isang masamang balita. Nagkakagulo ang mansyon pati si Manang ay busy at hindi mapakali.

Nasa hospital si Don Lucifer dahil inatake ito sa puso kagabi. Ang dahilan ay hindi ko alam. Nang tinanong ko si Manang ay wala rin siyang alam kung ano ba ang nangyayare. Nang ibinalita kanina ang balitang yun na isang Madrigal ay naospital at malala ang lagay at abot langit ang pag-aalala ko. Akala ko ay si Gun, salamat sa Diyos at hindi.

Dahil hindi ko alam kung kaya ko ba kung si Gun nga ang napahamak lalo pa at wala na kaming kumunikasyon nitong nakaraang linggo.

Si Gun, alam kong hindi ordinaryo ang buhay niya. Malinis man ang pangalan niya at ng pamilya niya alam kong may mali.

Bago pa man naging kami ay bigla bigla na lamang siyang nawawala sa mansyon kasama ang mga tauhan niyang malalaki ang katawan. May mga araw na hindi siya umuuwi, naiintindihan kong baka dahil ito sa kanyang negosyo at talagang busy siyang tao pero hindi ko rin binalewala amg posibilidad na may ginagawa silang hindi maganda.

Hindi lingid sa kaalaman ko ang mga ilegal nilang mga ginagawa bukod sa mga iba't iba nilang negosyo.

Simula pa lamang nung makidnap ako, mga armado ang tauhan niya, ang lugar na pinagdalhan nila sakin ay alam kong hindi ako ang unang tao ang dinala roon, kung ano man ang ginawa sa mga iyun ay ayoko ng isipin. May baril si Gun, hindi nga siya nagdalawang isip na barilin ang tauhan niya yun pa kayang mga taong may atraso sa kanya?

Ngayon ko lamang ito napagtuunan ng pansin dahil totoo nga sinasabi nila na nabubulag ang tao dahil sa pag-ibig. Dahil sa atraksyon ko sa kanya ay nakalimutan ko kung ano siya at paano nagsimula ang istorya to. Ipinagsawalang bahala ko ano man ang ginagawa niya at anong klaseng tao siya dahil tanggap ko kung ano siya at hindi magbabago yun.

"Manang kamusta daw ang lagay ni Don Lucifero?" Tanong ko nang mapalapit ako sa kanya. Nasa may hardin kami at hindi pa rin mapakali ang ekspresyon ni Manang. Matapobre ang Don pero alam kong malaki rin ang utang na loob ni Manang sa kanilang pamilya lalo na at matagal na siyang naninilbihan sa mga ito.

"Wala ba akong balita hija, ang huli kong nasagap ay medyo maayos na ang lagay ng Don sapagkat naagapan ito kaagad. Nandoon rin ang doktor niya na galing pa sa ibang bansa. Ang sabi ay magaling raw iyun pero hindi pa rin ako nakakampante. Mabait amg Don sa pamilya namin kaya kahabag habag itong nangyari sa kanya."

Malungkot na saad ni Manang.

Napatango ako. Teka. Kung ganun. Nandun rin si Gun sa hospital na pinagdalhan ng Don?

Ang bobo mo Holy, malamang naroon nga iyon. Tatay niya yun!

"Manang, nandoon kaya si Gun?"

Napaisip si Manang at nagliwanag ang mukha.

"Mukhang naroon nga iyun hija. Sumama ka sakin ngayong gabi, pupunta kami roon upang bisitahin ang Don."

***

Patingin tingin ako sa cellphone ko. Ilang beses na akong tumawag at nagtext kay Gun pero hindi pa rin siya sumasagot. Kung nandito na nga siya dahil sa balitang tungkol sa kanyang ama ay impossible namang hindi pa rin ito nagpaparamdam sakin. Ewan ko ba pero masama talaga ang kutob ko. Kanina pa malakas ang tahip ng dibdib ko.

Nakasakay ako ngayon papunta kay Candy. Umaga pa naman. Mamayang gabi pa kami bibisita sa Don pero baka hindi gusto ng Don na naroon ako. Hindi niya ako gusto para sa anak niya binayaran pa nga ako ng sampung milyon para layuan si Gun. Kala niya mukha akong pera.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon