KBNT 39

8K 167 7
                                    

ARIA'S POV

( Ito yung oras kung saan nakita ni Holy si Aria)

Humahangos na pumasok si Aria sa Van na nakaabang sa aming magkapatid.

"Ate natatakot ako.." nanginginig na sambit ng batang babae na si Aleonna, ito ang nakababatang kapatid ni Aria habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Kita ang takot nito sa mukha, malayong malayo sa masaya naming mukha kanina sa may park.

Niyakap ko ito at hinahaplos ang buhok.

"Ssssshhhh. M-Magiging okay din ang lahat bunso. Gagawa ng paraan si ate. Makakatakas rin tayo dito."
Mahinang kong bulong   upang hindi marinig ng mga taong sakay ng Van.

"Sigurado ba kayong nakita kayo ng babaeng Castillo?!" Malakas na sambit ng taong nasa unahan. Kilala ko ito. Nananaliksik ang matang nakatingin sa kanila.

Nakaramdam ako ng takot at pagkabahala. Kahit na nangangatal ang labi sa kaba at namamawis ang kamay ay nilakasan ko ang loob upang sumagot.

"O-Opo. N-Nakita niyo po kami kanina." Takot kong sagot at sumiksik sa gilid ng Bintana habang mahigpit na yakap ang kapatid.

"Siguraduhin niyo lang dahil talagang malilintikan kayo sakin! Kapag pumalpak ka pa ay buhay ng kapatid mo ang kapalit! Kaya umayos ka!!"

Dumagundong ang boses  nito sa sasakyan na nagpalunok sa akin ng ilang beses.

"Opo.." mahina kong tugon at tahimik na umiyak. Ito na ang huling ipapagawa sakim. Kapag nagawa raw nakin ito ng mabuti ay papakawalan na kami nito at hindi na sisingilin pa.

Gustong gusto kong huminto sa pagtakbo kanina mula kay Holy at humingi ng saklolo rito pero alam ko na hindi ito makakatulong sa sitwasyon at baka madamay pa si Holy sa kinasasangkutan ko. Namimiss ko na  ang babae. Ilang taon na kaming hindi nagkita.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nadamay si Holy dito.

Nang nagkandaleche leche ang buhay naming pamilya ay pumunta kami sa ibang lugar. Akala namin ay doon kami magbabagong buhay at natanggap sa trabaho ang tatay ko.

Di ko akalain na malululong ito sa sugal at isinangla ang lahat ng ari arian namin. May utang pa itong ilang milyon mula sa isang mayamang negosyante doon sa casino.

Kaya kaming magkapatid ang nagdusa at nagbabayad ngayon mula sa mga gahaman at halang ang mga kaluluwa.

Kapag natapos na ang lahat ng to ay magpapakalayo layo kami ng kapatid ko at magsisimula ng panibagong buhay. Malayo sa magulong buhay dito sa Maynila.

Siguro ay babalik na lamang kami sa probinsiya kung saan kami nakatira dati.


*******



SOMEONE'S POV

Malapit na malapit ng matupad ang lahat ng plano at pinaghirapan namin ng ilang taon. Unti unti ng naisakatuparan ang lahat. Kikilos ako sa tamang oras. Alam kong magbubunga rin lahat.

Kayong mga Madrigal! Malapit ko na kayong bumagsak sa mga kamay ko. Hahahhahahaha

Nakakuyom kamao kong tanim sa utak ang mga katagang yun.

Malapit ko ng mabawi kung ano ang talagang akin!

Hindi ko aakalaing ang babaeng ginawa ko lang   pain sa nakakatandang Madrigal ay magiging kahinaan nito! Hah! Pagkakataon at pag-ibig nga naman!

Kapag nagsama ay talagang aabot sa kamalasan!

Hahahahahahahha.

Puno ng galit at poot kong tawa.




My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon