KBNT 13

10.2K 247 16
                                    

HOLY'S POV


Mabilis akong umakyat ng hagdan at dali daling tinungo ang aking kwarto. Nilock iyon at sinabunutan ang sariling buhok.

Ano bang problema mo sa buhay Holy!
Malala ka na nga!
Wahhhhh nakita pa ni boss  na ultimate crush ko.
Sinabihan pa akong baliw.

Nakakahiyaaaaaaaaaaa!

Wahh gusto ko na lang talagang nagpalamon sa sahig. Nagiging iba na ang tinatakbo ng isip ko.

Humiga ako sa kama at saka nagpagulong gulong.

Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!!

Bakit ba nangyayari sakin ang ganun at talagang sa harap pa ng iniirog at sinisinta ko!

Okay lang sana kung wala ito. Pero nandun ito. Nandun!

Arrrrrrrghhhhhhhhhh!!

Toooooogsshhh

Malakas akong nahulog sa kama ko kakagulong.

"Aray. Ansakit ng balakang ko."

Pesteng yawa naman talaga.

Napahawak ako sa may pwetan . Mukhang magkakapasa pa yata ako sa katangahan ko na nag uumapaw.

Tumayo ako upang pumunta sa banyo dahil bigla akong naihi nang may kumatok.

Tok tok tok

Paika ika akong nagtungo sa pinto at binuksan yun habang nakahawak pa rin sa may balakang. Daig  ko pa  ang isang lola kung maglakad.

Nabungaran ko ang isang gray at magandang mata.

"Oyy boss, may kailangan kayo?"
awkward ko sabi. Hindi ko pa rin  talaga makalimutan ang kagagahan kanina. Sana magkaamnesia ito at malimutan ang nangyari.

"What happened? You okay?" nagtataka ako nitong sinipat ng tingin. Napako ang paningin nito sa balakang na hawak ko.

Boss talaga, Sagutin ba naman ng tanong ang isang tanong?

"Ah eh okay lang naman boss, nahulog kasi ako sa kama. Hindi naman masakit. Huwag kayong mag alala. Okay lang talaga ako."Assure ko rito baka kasi maglupasay ito sa pag aalala kawawa naman.

"Hindi ako nag aalala sayo. Nag aalala akong baka hindi ka makapagtrabaho. Lutuan mo ko mamaya. Okay ka naman pala."walang emosyon nitong sabi sa mukha ko.

"It's the same thing boss, nag- aalala ka pa rin."

Mwuahahahhhah.
Kinunutan ako nito na parang nagsasabing magkaiba yun.

Tanggi pa boss. Mas lalo kang maiinlab sakin niyan. Tamo.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon