KBNT 42

7.7K 163 46
                                    

HOLY'S POV

Hawak kamay kaming dalawa ni Gun na naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at saan ako dadalhin ang importate ay kasama ko ito.

Hindi ko pa rin talaga lubos maisip na magiging nobyo ko ang lalaking kasama ko ngayon.

Dati parang ang labo na mangyaring magugustuhan ako nito, kumbaga ay ang lapit lapit lang nito pero di ko pwedeng makuha.

Ganun ang pakiramdam ko pero tingnan mo nga naman ang tadhana na rin ang gumawa ng paraan para maging akin ang pinapangarap ko.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng mag isa.

Napatingala ako ng humigpit ang hawak ni boss/boyfriend sa kamay ko. Nakangiti rin ito tulad ko.

Mukha kaming mga siraulong teenager dahil sa mga pinaggagawa naming dalawa.

Kalaunan ay natawa na talaga ako.

"Why are you laughing?" Amuse na tanong ni Gun sabay taas ng isa nitong kilay.

Napailing na lang ako. Ewan ko ba at kahit sa sobrang liit na bagay ay ikinasasaya ko. Siguro nga ay nahahawaan na rin ako ng saltik ni Gun.

"Wala lang bossing, natatawa lang ako sa pinaggagawa nating dalawa dinaig pa natin ang mga teenager."sagot ko sa masayang boses. Ngumiti ito ng matipid at hindi na muling kumibo.

Nagpatuloy lang ito sa paglalakad at tila nahulog sa malalim na pag iisip.

"Boss okay ka lang ba?" Nag aalala kng untag rito. Nag hmm lang ito.

"I'm okay, why did you ask?"

"Eh kasi boss bigla na lang kayong nawalan ng imik diyan eh. May problema ba?"

"Diba sinabi ko na sayong stop calling me boss, I'm not your boss anymore. I'm your boyfriend already."pangaral nito na ipinagkibit balikat oo na lang.

"Ganun talaga  boss eh nasanay na ako na boss ang tawag ko sa inyo. At saka kayo yung boss ng buhay ko eh. Ahihihih" sabi ko sabay hagikhik na parang timang. Banat ko, ako rin mismo ang kinilig. Self support kumbaga.

Umiling lang ang nobyo dahil sa pinaggagawa ko.

Dumaan muli ang katahimikan sa pagitan namig dalawa.

"Baby?" Untag nito sakin.

"Bakit boss?" Tanong ko. Hinila ako nito papunta sa may bench. Nasa may parang park na pala kami napadpad kakalakad kaya pinaupo muna ako nito. Mayroong iilang mga magshota na nagdedate at mayroon ding sariling mundo.

"If you discover something about me, wha will you do?" Seryoso nitong tanong habang hawak ang kamay ko.

Naguluhan ako sa ipinahihiwatig nito.

"Ahmm, katulad ng ano boss? Please specify." Biro ko dahil hindi ko kinaya ang ganitong atmosphere. Parang ang seryoso naman. Gusto ko lang talagang kiligin sa ngayon.

"Unexpected secrets and lies..."

Tinitigan ko ito. Mukhang seryosong usapan nga ang nagaganap. Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang. Pero sige dahil masaya ako ngayon ay pagbibigyan niya ito.

"..Anong magiging reaksyon mo?" Dugtong nito.

Nag isip muna ako bago sumagot.

Nag internalize at nagfocus.

In 1..2..3.. action!

"Oh my God!! Really?! Totoo ba yan?!!" Hinawakan ko ang sariling bibig at nanlalaki ang mga mata para may effect talaga.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon