KBNT 41

7.7K 197 25
                                    


HOLY'S POV



Nagpapahid na Ako ng napkin sa  bibig nang bigla na lamang may isang babaeng nakaformal attire ang pumasok. Nagtataka kong tiningnan si boss.

Prente lamang itong nakaupo habang painom inom ng wine.

Nasa may kabilang dulo ang babae pumwesto, hindi kalayuan sa kanila. Matapos ang ilang sandali ay nagsimula itong tumugtog gamit ang dala nitong Violin. Ngayon ko lamang napansin na may bitbit pala itong Violin.

Gulat kong tiningnan si boss.

"Boss ano yan?" Hindi makapaniwala kong sambit.

"Violin. Tugtog." Mahinahon nitong ani.

"Alam ko nga na may tumutugtog gamit ang violin. Ang sosyal niyo boss ah may pa ganyan pa kayo. " puna ko rito.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo si boss at pumunta sa gilid ko kung saan ako nakaupo.

Bigla na lamang nitong inilahad ang kamay. Naguguluhan ako sa inakto nito.

Ang mukha nito ay para bang may nais ipahiwatig sakin ngunit hindi ko mawari kung ano iyun.

Ang mga mata ay punong puno ng emosyon, hindi ko masabi kung ano sapagkat ngayon ko lamang   nakita ang ganoong ekspresyon mula sa kay Gun.

"A-Anong gagawin ko diyan boss?" Utal naguguluhan kong ani.

Baka naman nanghihingi ito ng pagkain sa kanya? O di kaya ay barya?

Hala! Wala pa naman akong dala.

"B-Boss, wala akong ano ba----" hindi ko natapos ang sasabihin ng magsalita ito.

"Take my hand."

"Ha?"

Anuraw?

Ate my hand?
Shake my hand?

Ano nga ulit yung sinabi? Hindi ko kasi masyadong narinig dahil bukod sa nagkasabay kaming dalawa ay medyo mahina ang pagkakasabi.

Hindi na ulit ito nagsalita habang nakalahad pa rin ang kamay. Nakangiti ito ng bahagya at tila ba pinagmamasdan ako bilang isang babaeng pinakamaganda sa balat ng lupa.

O talagang ambisyosa lang ako?

Napakain ako ng sariling kuko ng wala sa oras dahil hindi ko malaman ang gagawin.

Aha! Alam niya na!

Dahan dahan kong inilapit ang kanyang bibig sa kamay nitong nakalahad.

Napakatalino mo talaga Holy!

Walang pagdadalawang isip na kinagat ko ang kamay nito.

"What the hell! Anong ginagawa mo?" Nagtatakang reklamo ni boss boss at dali daling kinuha ang kamay.

Hala! Mali ba ang ginawa niya?

"Why did you ate my hand!?" Hinahanap ko ang galit nitong mukha at ekspresyon pero ewan ko ba at hindi ko iyun makita sa halip ay pagka amuse at emosyong hindi ko mapangalanan.

Naglumikot ang  mata ko at hindi alam ang gagawin.

"Ahihihihihi. Ahm ano boss. Hihihihihi." Bungisngis kng tawa rito.

Hindi na ako mapakali sa kinaupuan.

Tulad nung nangyare sa party, ito na mismo ang kumuha ng kamay ko at dahan dahan akong itinayo.

Masuyo nitong hinalikan ang   dalawang kamay ko sabay titig sa aking mata.

"Baby, I promise  you I won't let go of this hand. Starting this very moment. You're mine."

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon