KBNT 15 PART 1

9.8K 279 20
                                    

HOLY'S POV

Kinabukasan ay maagang akong nagising   upang ipaghanda si  boss. 

Pagkatapos ng mga tagpo kagabi ay pagkadating ko sa kuwarto, natampal ko ang noo.

Was I kicked by donkey?!

Bakit ko ginawa yun ????

Anong klaseng babae ba ang tumatakbo ng ganun kabilis animo'y parang nangarera.

Hindi niyo naman ako masisi kapag masyado kaming malapit ni boss  ay nawawala ako sa sarili. Kapag malapit ito sakin ay gusto kong tumakbo at magtago pero kapag wala ay hinahanap hanap.

Ang malala pa, hindi ako nakakuha at nakalagtimpla ng gatas, nawala na sa isipan ko kaya ang ending hindi ako  nakatulog ng maayos. Ang mukha ko ngayon ay maihahalintulad sa isang bruha.

Mukha pa ba ito? Jusko po!

Ang ikinatuwa lamang ng puso ko ay sa loob ng ilang linggo kong pananatili sa mansyon nito ay masasabi kong hindi naman ganun kasama ang ugali ni boss.

Maaaring ang iba ay takot dito dahil sa klase ng tingin, awra, at awtoridad ang pinapakita ng  amo  ko pero dahil napalapit ako rito at mas nakilala ko ito at mas nahulog ang aking loob. Hindi kasi ito showy malamig ito kung tumingin na para kang papatayin pero kapag titingnan mong mabuti ang mga mata nito, masyado iyong malungkot at malalim yung tipong maraming sekreto .

Nang makababa ay nagpalinga linga muna ako sa paligid at baka gising na ang boss ko.

Mas inagahan ko talaga ng gising  upang hindi kami mapang-abot na dalawa. Baka mag-iba na naman ang takbo ng utak ni boss  at palayasin ako dahil sa nangyari kagabi. Bakit ba kasi ang tanga ko!

Ipinanganak talaga akong hangin ang laman ng utak. Peste talaga!

Binilisan ko ang pagkilos at pagluto para pagbumaba na ito ay nakahanda na ang pagkain nito sa mesa at ako ay Voala! sumibat na.

May talino pa pala akong natitira!

Kahit gusto ko si boss ay may hiya pa naman akong natitira.

"Pack your things."

"Ay gusto kita!" nagulat ako sa nagsalita sa may likod ko at napaigtad pa.

Umawang ang bibig ko hindi dahil sa mapagtanto kung kaninong boses yun kung hindi sa sinabi nito.

Pack your things.

Pack your things.

Pack your things.

Nagpaulit ulit ito sa isipan ko.
Ito na  ba ang sinasabi ko kanina na papalayasin ako?

Wahhhhhhhh! Nooooooo!

Hindi  ko na  masisilayan ang boss ko. Hindi ito Pwede!

Dahan dahan akong humarap kay boss . Walang emosyon lang ako nitong tiningnan.

"B-boss. B-bakit po?"

Dahil ba sa nangyaring minop niya ang babaeng higad na yun?  At napagbintangang mga magnanakaw.

"Because I said so. Get your things."
Parang balewala lang nitong aniya ni hindi nadadala sa teary eye ko. Bato talaga!

Dito na ba talaga magtatapos ang lahat?

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon