KBNT 45

7.5K 163 17
                                    


HOLY'S POV

It's 1:30 PM already. Kanina pa kami nakauwi. Tulog na ang lahat sa bahay sa tingin ko dahil sobra ng tahimik na animo'y walang nakatira sa bahay. Ang paghinga ko na lamang ang nag-iingay. 

Hindi ako makatulog ewan ko ba kung bakit, hindi ko mawaglit sa isipan ang lalaking creepy kanina. Palagi iyong bumalik balik sa isip ko.

Ang nakakakilabot niyang ngisi.

Ang mata niyang parang puno ng galit.

At lalong lalo na ang kinikilos nitong para bang kilala niya ako.

Hindi naman siya yung tipong psycho path sa TV, yung namumukpok ng martilyo sa mukha o di kaya ay palaging may dalang pang sibak ng kahoy.

Iba yung aura niya. Yung tipong hindi gagawa ng mabuti.

Creepy bastard.

Malalim akong napabuntong-hininga at pabaling baling sa kama. Kahit anong pikit ko hindi talaga ako dinadalaw ng tulog. Mukhang busy at maraming ginagawa.

Lintek na tulog to, ayaw akong dalawin eh ang ganda ko naman napakachoosy. Buset.

"Urrrrgghhh." Hindi ko mapigilang magdabog. Binugbog ko na ang mga unan at kumot wala pa ring nangyayari.

Ano bang problema nitong mata ko at ayaw matulog. Ipapakutsara ko to. O di kaya ay isahog sa macaroni salad. Walang silbi. Inutil. Kung kelan pagod ako, ayaw namang pumikit.

Pati ba namam mata ko ay walang mabuting maidudulot. Paniguradong bukas ay isa naman pong panda ang isisilang.

*****

Idinikit ko ang tenga sa kuwarto na nasa pinakadulo.

Hindi ko namalayan na gumagapang este naglalakad na pala ako papunta dito.

Akmang kakatukin ko ang pinto pero nagdadalawang isip ako.

Pano kung tulog na siya?

Ayoko namang mang-istorbo dahil lang hindi ako makatulog.

Hayyyss. Ano bang gagawin ko. Kinakain ko na ang kuko ko. Babalik na lang kaya ako sa kwarto at gawin ang ritwal. Charot.
Para naman akong mangkukulam nun.

Napakamot ako sa ulo at nagpatingin sa kisame.
Kung sana may kakayahan akong pangmulto eh kanina pa ako lumusot sa sagabal na pader na to.

Idinikit ko ang mga daliri sa kwarto pati na ang tenga ko. Pinakinggan kong mabuti ang nasa loob.

Nadismaya ako na sobra ng tahimik. Baka nakapasok na sa hinihigaang ataol si boyfie ko at ayaw ng paistorbo. Pero natutulog ba ang bampira? Mukhang hindi naman.

Mahina kong kinatok ang pinto gamit ang kuko ko sa hintuturo.

"Gun." Mahinang sabi ko na para bang hininga lang yung lumalabas.

Wala talaga.

"Beybeh."

"Boyfie."

"Malabs."

"Irog."

"Sinta."

Huhuhu wala talaga.

Inuuntog untog ko ang noo ko sa pinto. Bakit mukhang ako na lang ang gising.

Wahhhhhhhhhhh.

"Come in."

Natutop ko ang sariling bibig.

Sino yun?

Napatingin ako sa likod ko, sa kanan at kaliwa. Wala namang tao.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon