KBNT 16

9.2K 239 23
                                    

HOLY'S POV

Matapos tumawag ni Candy at sinabihan akong mukhang gorilla ay talagang nagwala  ako. Char lang! Alam  ko naman   ang level ng beauty ko ay pang diyosa kaya choks lang mga beh.

Sinulyapan ko ang relong pambisig habang nakahiga sa napakalaking kama. 7 pm na, kaninang 4pm pa umalis ang boss ko kaya bagot na bagot na ako malapit na akonh magkaugat kakahintay, kumakalam din ang aking sikmura.

Sabi nito ay babalik para makapagdinner kami pero ni anino nito walang nagpakita. Ayaw  ko din naman  lumabas ng hotel at baka maligaw ako o di kaya ay magkasalisihan  kami. Hindi pa naman ako pamilyar sa lugar.

Boss nasaan ka na ba? Yung mga bulate ko sa tiyan naging dragon na.

Huminga ako ng malalim upang mawala ang mabigat na pakiramdam. Kailangan ko ng kumain dahil kung hindi talagang mawawala ako sa katinuan. Pagkain lang ang nakapagpapatino sakin.

Napatingin ako ng tumunog ang telepono na nasa gilid ko. Kinuha ko iyun at tiningnan..

May nagtext.

😍From: Bosszzx Qouh 😍

Come down here at Angel's Restautant. 

Yun lang ang nakalagay.

Napatayo kaagad ako mula sa pagkakahiga at inayos ang sarili. Mukhang magdedate na kami ni boss ko ah! So excited.

Libre ang mangarap Holy!

Tiningnan  ko muna  ang sarili sa salamin. Napapapalakpak ako. Hayy Holy ang ganda mo talaga!

Nang masigurong hindi na ako mukhang gusgusin ay agad akong lumabas ng kwarto at sumakay ng elevator. 

Pero saan ko hahanapin ang Angel's Restaurant? Saang lupalop ba ng resort ito naroroon.

Holy, uso magtanong!

Ay oo nga. Itetext niya ang kanyang boss kung nasaan ito.

To:  Bosszzx Qouh

Boss nasaan yang Angel's Restaurant?

Message Sent Failed.

Napamura ako. Ay punyeta wala pala akong load!

Pano na yan?

Susuyurin  ko na lang  siguro ang resort o di kaya ay magtanong dun sa receptionist.

Lumabas ako ng elevator ng tumunog ito hudyat na nasa first floor na ako.

Nakita ko ang receptionist, agad ko itong nilapitan at nagtanong.

"Excuse me Miss, alam mo ba kung nasaan ang Angel's Restaurant?" nilingon ako nito at mabait na ngumiti. "Ah yes Maam, Angel's Restaurant is just located beside this hotel. Kapag nakalabas ka na ng hotel, turn right. Makikita mo na yun."Sagot nito at itinuro ang direksyon. Napahinga ako ng maluwag na malapit lang pala ito.

"Salamat Miss."

"You are very welcome, Maam." sagot nito.Tinaguan ko ito at nginitian din. Tumalikod na ako at naglakad palabas upang tumungo sa sinabi nito.

Nang makalabas ay napayakap ako sa sariling braso ng sumalubong sa akin ang malamig na hangin galing sa dagat.

Napakaganda ng tanawin kapag gabi. Maraming nagkikislapang ilaw, may nag bobonfire sa di kalayuan at nagnanight swimming. Lumiko ako pakanan.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon