KBNT 43

9.1K 175 52
                                    

HOLY'S POV



Kanina pa nakaalis papuntang opisina ang labidabs Ko kaya wala na akong trabaho ngayon. Nasa may kusina lang ako  at kumakain ng apple.


Siya nga pala. Mamayang gabi na ang birthday celebration ni Trigger hindi ko pa rin  nabibigay kay Gunny yung invitation. Mukhang hindi rin naman na kailangan ni Gunny ang invitation na yun.

Syempre di ba nga mgkapatid ang dalawa kaya anytime eh makakapasok yun lalo na at sa mansyon ng magulang ni Gun at Trigger gaganapin ang pagtitipon.

Kung saan ko nalaman? Syempre inalam ko. Anong gamit ng internet at ni google diba. Madali lang mahanap kapag malalaking tae na ang involved lalo pa't hindi naman ganun kapribado ang buhay ng mga Madrigal.

Sinusubaybayan ito ng mga tao at paparazzi na tila ba parang mga celebrity.

Maraming balita ang naglipana para sa partyng yun.

Lumabas ako ng bahay matapos na kumain. Wala akong magawa sa loob eh. Mukhang kailangan ko na rin  magpaaraw namumutla na ang balat ko.

Nakita ko si Manang sa may Garden kaya kinawayan ko ito at nginitian na tinugon naman ng huli.

Napapansin kong panay garden itong si Manang ah. Baka diyan ang trabaho nito.

Lumapit aki sa kinaroroonan nito.

"Manang nasaan si Aryan?"
Tanong niya. "Nasa itaas. Naglilinis. Alam mo namang ang batang iyun gusto laging tumulong at hindi pumirme kaya inabala sa ang sarili."

"Ahh talaga po? Ang bait pala talaga ni Aryan Manang no? Nagmana kasi sa inyo."puri niya. Walang halong biro.

Tumawa lang ang matanda.

Mabait talaga si Aryan, palaaral , matulungin at magalang. Maswerte talaga ang mapapangasawa nito.

" Ikaw talagang bata ka. Binobola mo ako palagi. Siya nga pala, napapansin kong mas naging malapit na kayo ni senyorito. Mukhang hindi na rin naging bugnutin ang isang yun nitong mga nakaraang araw. Mukhang nagbago na. Hindi na tulad ng dati."

"Talaga po?"

Tumango ito at nagpatuloy sa pags-spray ng tubig sa mga bulaklak na namumukadkad.

"Aba'y oo hija, malaking pagbabago talaga ang nangyari simula nung dumating ka. Naging usap usapan nga ng ibang mga katulong na dahil kuno iyun sa iyo. Tinanong ako, pero wala naman akong kaideideya sa mga nangyayare sa inyong dalawa bukod sa ikaw ang nagpapasaya sa kanya."

Natahimik ako nang ilang sandali. Napapasaya ko ba talaga si Gun?

At saka totoo kayang nagbago na ito?  Pero pansin ko eh ganun pa rin naman ito nung binigyan ako nito at inalok ng trabaho bukod na lamang na naging clingy ito at naging magnanakaw.

Magnanakaw ng halik.

"Maiba tayo hija, matagal tagal ka na rin dito pero hindi man lang kita nakita na bumibisita sa inyo tuwing day off mo. Malayo ba ang pinanggalingan mo?" Curious na tanong ni Manang.

Tipid ko lamang itong nginitian.

"Hindi naman po. Wala na po kasi akong bahay na babalikan at saka wala naman na akong bibisitahin." Mahina kong saad at malungkot na ngumiti.

"Paumanhin hija, hindi ko gustong malaman ang pribado mong buhay. Pasensya na." Hinging paumanhin nito sakin nang makita ang sakit at lungkot na bumalatay sa mata.

"Ano ka ba Manang. Okay lang po. Wala din naman akong ibang mapagsasabihan."

Maraming taon na ang lumipas ngunit ang sugat ng kahapon ay mahapdi pa rin. Isipin mo ang isang pamilya na parang perpekto na kung maituturing yun pala ilusyon lang ang lahat. Pinatikim lang pala sakin ang saya na may buong pamilya tapos ay muuwi sa isang trahedya.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon