KBNT 37

8.6K 224 27
                                    

HOLY'S POV


"Get off baby, sa kabila ka umupo. Magdadrive pa ako." Sabi ni Gun sakin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapasok sa kotse dahil karga karga ako nito at wala akong balak na pakawalan ang leeg nito. Ano naman kung nabibigatan ito sakin? Magdusa ito may kasalanan pa ito!

Umiling ako.

"Ehmmm, Ayaw. Gusto ni Holy karga lang." Nagpout pa ako para magmukhang cute kahit hindi naman.

Walang pakialamanan!

Nanahimik nga lang ako sa mga pabasa basa lang tapos wala pang jowa.

"What? Paano ako makapagdrive kung karga pa rin kita? You need to get off. Let go of my neck. Kailangan na nating umuwi, it's getting late already."

Mas ngumuso pa ako. "Okay, pero shabihin mo muna kung ano henglish ng *hik* Mahal kita. Hihihi diba *hik* mashalino ka naman." Lasing kong sabi, umiikot pa rin naman ang paningin ko pero hindi na tulad ng kanina mukhang nahimasmasan ako nung dumating ito.

"Fine." Suko nitong saad.

"Enggggkk... Maley. Shry again." Mabigat na ang mga talukap ko. Gusto ko na   matulog at humilata sa kama.

Bumuntong hininga ito at para bang ang sakit ko sa ulo.

"It's I love you, yun ang english ng mahal kita. Now, pwede na ba tayong umuwi?"

"Ahihihihi Bosshh, okay umuwi na tayo at saka Mahal rin kitah. Mwuah!" Wala sa sariling sambit ko at saka nag flying kiss pa.

Parang gusto ko na lang   ang malasing para naman ganito kalakas ang loob na sabihin kung ano ang nilalaman ng puso at isip ko.

Dahan dahan ako nitong  pinaupo sa front seat ng sasakyang nakabukas ang pintuan.

Halos malagutan ako ng hininga ng mas dumukwang pa ito na para bang hahalikan ako.

Pumikit ako tapos ngumuso at hinintay ang matamis nitong labi sakin pero ilang segundo ang lumipas ay wala akong anumang nararamdaman.

Dahan dahan kong iminulat ang mata.

Nang makitang nakangisi ito habang nakatunghay sakin ay para bang kanina pa nito pinagmamasdan ang nakakahiyang itsura ko ay ngumisi rin ako sa halip na mahiya o mamula.

Ito lang ba ang marunong ngumisi?

Dahil sa pagkapahiya ay bigla na ko na lamang  kinabig ang leeg nito palapit sakin dahilan para maglapat ang aming labi.

I just wanted to tease him.

Pinakawalan ko kaagad ang leeg nito dahil wala naman akong balak patagalin iyon.

Hindi ako marunong humalik! Diyosko!

Pero ang planong paglayo ko rito ay hindi natuloy nang hawakan nito ang pisngi ko at idiniinan ang paghalik.

Habol habol ko ang hininga ng pakawalan ako nito pagkatapos galugarin ang bibig ko!

"That's what you get from being naughty."

"Yummy." Hindi ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko.

"Yummy what?"

Hindi na ako nakasagot at nananatili pa ring nakatulala.

Napakagat ako sa sariling labi.

What just happened?!

Hinalikan ba ako sa ikalawang pagkakataon ni Gun?!! No. Scratch that. It's not just a simple halik parang nilamutak nito ang labi ko.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon