KBNT 19

8.5K 249 21
                                    

HOLY'S POV


Padaskol na tumayo si Selene at talagang sinamaan ako ng tingin, yung tipong nakakamatay na ginantihan ko lang  ng isang nakokolokong ngisi.

Serves you right bitch!

"You will pay for this!" dinuro ako nito, namumula ang mukha sa inis. Mwuahahaha. Naiinis din pala ang isang banana.

Tiningala ko ito at tinaasan ng kilay.

"Really? I'm so scared." at saka nagkunwaring nanginginig ang katawan sa takot. Inikutan ko ito ng mata. "Sabihin mo lang kung kailan ng makapaghanda naman ako at ma set ang alarm. Hokey?"

Mas lalo itong nagalit sa sinabi ko. Nagmamaldita pikon naman pala.

"I'll make sure Luci will know about this! Mag impake ka na dahil mawawalan ka ng trabaho." malakas nitong banta at bulyaw. Walang gana ko itong tiningnan.

"Talaga ba? Edi magsumbong ka dun sa unggoy mo samahan pa kita eh. Tsaka pwede ba? Lumayo layo ka sakin ang laway mo pumupunta sa face ko. Ano ba yan."maarte kong pinahiran ang mukha ko.

Nagshowering ba naman.

Umuusok na ang ilong at tenga nito sa galit.

Ay weak! Akala ko lalaban.

"Ughhh!"si Selene.

At saka tumalikod na papaalis. Mabuti naman, naaalibadbaran ako sa mukha nitong santasantita.

Ibinalik ko ang tingin sa dagat. Wala na ang boss ko. Hala saan na yun nagpunta?

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala talaga ito.

"Miss Castillo."

"Ay Gusto kita!" napaigtad ako ng biglang may sumulpot sa likod ko. Naitikom ko ang bibig nang makita si  boss.

"I know."mayabang nitong saad na nagpalaki ng mata ko. Ang hangin talaga.

"Luh, feeling niyo boss ah. Figure of surprising lang yun boss." tumawa ako sa aking isipan. Saan ko naman napulot ang figure of surprising. May ganun pala.
Basta talaga matalino, naiisip ang kung ano- ano.

"Where's Selene?" plain nitong hanap kay Selene. Ay punyeta! Ako yung nandito iba ang hinahanap.

"Boss, hindi ako hanapan ng mga taong nawawala. Maganda lang ako, hindi ako buntot ng Selene na yun. Baka hinanap ang kanyang unggoy." inis kong sagot dito at saka sinimangutan ito.

Baka nga nagpunta kay Kingkong at nagsumbong.

Hindi nito nagets ang sinabi ko at kumunot na naman ang noo. Bakit ba palaging nakakunot ang noong yan? Sa susunod ay baka dalhan ko na ng plantsa baka tumuwid na.

Hindi na ako nito sinagot.

Umupo ito sa tabi ko at tumingin din sa dagat.

Pareho kaming nakatulala doon at walang niisa man ang nangahas na magsalita.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon