KBNT 46

7.2K 168 10
                                    


HOLY'S POV

Kinabukasan, napagdesisyunan ko na magbake ng cookies para kay Gun, dadalhin ko mamaya sa opisina niya.

Inumpisahan ko na ang paghahanda ng mga ingredients at iba pang mga kailangan.

"Morning ate."

Nginitian ko si Aryan na kakapasok lamg sa kusina. "Morning, Aryan. Nakatulog ka ba ng mahimbing?"

Ipinagtuloy ko ang paghahalo ng mga dry ingredients habang naghihintay sa sagot niya.

"Oo naman ate." Umiinom ito ng tubig habang nakikiusyuso sa ginagawa ko.

"Ano yan?"

"Ingredients."

"I mean, para saan."

"Para sa i b-bake ko." Nakasimangot si Aryan sa sinabi ko kaya tinawanan ko siya.

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Hmmm, mamaya pang hapon yung klase ko."

Tumango ako sa sinabi niya. Ang hirap din talaga ang buhay estudyante para kang aso kakasunod sa kung ano ang sasabihin at ipapagawa ng mga instructors at proofs niyo. Wala kayong karapatang magreklamo kasi nga, anong laban naman natin sa mga proofs kaya akonkahit kailan hinding hindi ko mamimiss ang pag-aaral. Kung pwede lang huwag mag-aral eh basta matatanggap ka sa trabaho pero hindi, kailangan mo talagang maghirap yung tipong kulang na kang uulamin mo na yung eraser at gawin mo ng inumin yung ink.

Mabuti na lang talaga tapos na ako sa kalbaryong phase ng buhay ko. Well, pasalamat na rin ako at culinary yung kinuha ko, kaya bati ang boss kong bato nakuha ka rin.

Ano pang hinihintay mo? Mag Culinary ka narin dahil sa kursong to, mabibighani sayo- este sa luto mo ang taong gusto mo.

Pak na pak.

*********

Saktong mga alas nuebe y medya akong nakarating sa opisina ni boyfie, nagtaxi lang ako at wala si Manong sa  bahay ewan ko at saan pumunta.

Tiningala ko ang matayog na building na gawa sa salamin. Parang kumikislap ang establisyemento dahil sa araw.

Pumasok na ako sa lobby dahil baka magselos  na si haring araw sakin dahil mukhang mas hot pa ako kesa sa kanya.

Pinindot ko yung top floor at naghinty kung kailan ito pupuntang olympus. Charot.

Medyo marami kong nakakasabay na mga empleyadong aligaga at parang sinilihan ang puwet sa sobrang likot at daming mga bitbit na papeles. Hindi sa exaggerated alo ah pero halos talaga sa kanila, yung mga lalaki naman eh niluluwagan ang neck tie at parang sandamakmak ang problema eh ang aga pa nastress na.

Anyare?

Ding!

Bumukas ulit ang pinto at ako na lang ang natira, mukhang ako lang ang papunta dun sa top floor.

Naghintay la ako ng ilang sandali at finalllyyyy...

Ding!

Hinigpitan ko ang hawak sa tupper ware na dala ko na may lamang iba't-ibang flavor ng cookies na niluto ko kanina.

Lumabas ako kaagad at saka ko nadaanan yung babaeng nagbabantay dito, yung sinungitan ako nung una kong punta dito at sinabing kailangan ko daw munang magpaappoint bago makita ang boss niya.

Kala niya naman eh gold yung amo niya, I mean boyfie ko na. Tsk.

"Good morning Maam, how may I help-" napatigil ito sa pagsasalita ng masilayan ang maganda kong mukha.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon