KBNT 26 PART 1

8.7K 258 10
                                    

HOLY'S POV


The wait is over.

Ngayon ang araw na pinakahihintay ng lahat Lalong lalo na ako.

Today si definitely the day kung saan imbetado ako sa ika siyam na anibersaryo ng kompanya ni boss.

Isa din ito sa pinakaabangang selebrasyon sa isa sa pinakamalaki at kilalang kompanya ng bansa.

Alas sais pa lamang ng gabi ay nandito na ako sa kuwarto at inaayusan. Oo may mga make up artist talaga. Daig ko pa ang artista, may glam team ang ganap.

"Haachooooo." hindi ko mapigilang bumahing dahil sa kung ano anong powder ang inilalapat sa mukha ko.

"Ma'am okay lang ba kayo?" biglang tanong ng make up artist na babae. Isa lang kasi ang nag ayos sakin. Babae. Ewan ko kung saang planeta ito nakuha ni boss.

Nginitian ko ang babae. "Okay lang ako ate. Medyo naninibago lang ako, nakakiliti po kasi yang mga brush. Hahaha. Pero huwag niyo na lang pansinin."

"Ganun po ba? Hindi siguro kayo sanay sa mga ito." kinukulayan nito ang cheeks ko."Mukhang hindi niyo naman na po kailangan ang mag make up. Sobrang ganda niyo na po kasi."puri nito sakun.

"Talaga? Pasensya ka na wala akong barya sa ngayon eh. Pautang na lang muna. Hahahah. Binobola niyo yata ako eh."

Kaagad itong umiiling. "Hindi po Maam, sobrang ganda niyo po talaga, para kayong diyosa."

Luhhh. Ako sobrang ganda? Diyosa?

Alam ko. Updated naman ako sa pagmumukha ko. Ako ba naman ang magdala araw araw diba? Mwuahahaha.

Bet ko na ito si Ate. Mukhang magiging good friends kaming dalawa.

Kiyeme lang akong ngumiti dito. "Ate ano palang pangalan niyo?"

"Fionnah po." magalang nitong sagot.
"Kaano ano niyo po si Shrek?" tanong ko. Tumigil ito sa pagkulay sa kanyang mukha at tumingin sakin. "Po?"

"Hahahaha. Biro lang ate. Ituloy niyo na ang pagpinta sa mukha ko." sabi ko. Sumunod ito at agad na inasikaso ang buhok ko pagkatapos nito sa paglalagay ng kolorete sa mukha.

Tiningnan ko ang mga gamit pampaganda sa harapan ko. Ang dami ng mga yun.

May ba't ibang kulay at klase ng make up na ngayon lang niya nalamang nageexist pala.

Mukhang mas ignorante pa siya kesa sa isang bata. Umabot kasi siya sa edad na 23 na hindi gumagamit ng mga yun. Kuntento na ako sa pulbo at liptint.

Nang matapos nito ang lahat ng kailangang tapusin ay inalalayan ako nitong isuot ang mamahalin at kulay pulang dress.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon