KBNT 26 PART 2

8.6K 245 13
                                    

HOLY'S POV

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa hotel kung saan gaganapin ang event.

Napatingin ako sa labas, marami ang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa labas.

"We're here.." untag ni boss. Kinalas nito ang seatbelt at agad na lumabas. Ganun din angakingn ginawa. Pinagbuksan ako ng pinto ni boss.

Ibinigay ko rito ang coat na pinahiram sakin kanina.."Boss, yung coat niyo." walang imik nitong kinuha ang coat at isinuot. Nakasunod lamang ang tingin ko sa bawat pagfeflex ng mga muscles nito.

Haayy.. Ang sherep nemen!

"What are you looking at?"

"I think you're handsome."

Agad akong napaiwas ng tingin ng makitang tinitingnan rin ako nito. Alam kong nakangisi na ang hinayupak.

Peste talaga!

"Let's go. The event will start soon."

Iginiya ako nito papasok ng hotel.

"Good evening sir."

"Good evening sir."

"Sir, good evening."

"Shitt! Ang pogi talaga ni Sir."

"Beh, bagay na bagay sa kanya. Oh my God!"

"Ang hot ni Sir."

Bawat empleyado na nadadaanan namin ay yumuyuko at nagpapakita ng respeto sa lalaking masungit. Kahit tanguan ang mga empleyado ay hindi nito ginawa. Ganun ito ka snob na para bang wala itong nakikita at naririnig.

Dedma!

Napalinga ako sa loob ng hotel. Ilaw pa lang ay halatang pang mayaman na.

Ilang libo kaya ang presyo ng ilaw na yan? Napailing ako. Baka milyon ang halaga nun.

"Miss Castillo. Hurry up." pang aapura nito.  Napatingin ako kay   boss. Naiwan na pala ako ng hindi ko namalayan dahil sa labis na pagkamangha.

Tumakbo ako papalapit rito ngunit sa hindi inaasahan ay bigla na lamang akong natapilok dahil sa suot na high heels.

"Fuck! Can you be more careful?" galit na ani ng boss niya ng masalo ako nito sa beywang. " Sorry boss. Ang taas kasi nitong suot ko eh." dahilan ko at napakamot sa leeg. Bumuntong hininga lang ang boss ko at saka ako kinarga nito.

Napasinghap ako."Oyy b-boss a-anong ginagawa niyo? Bakit niyo ko binuhat? Ibaba niyo ko."

Hindi ako nito pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.

Napalinga ako sa paligid. Ang lahat ng taong nakasalubong at naroroon ay huminto sa kani kanilang ginawa at awang ang mga labing nakatitig sa pagbuhat sakin ni boss  .

Ang iba ay napahawak pa sa bibig at hindi makapaniwala sa nangyari. Ako rin naman!

"Boss, nakakahiya. Ibaba niyo na ko. Pinagtitinginan na tayo. Ano ba!" mahina kong bulong rito.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon