KBNT 8

12.5K 309 21
                                    


HOLY'S POV

Nandito kami sa isang botique. Dito pumasok si boss. At alam niyo ba kung anong ginawa? Syempre bumili ng mga damit. Magtaka ka kung kumakain kami sa loob ng botique.

Normal pa pala ang boss kong ito.

Pero ang hindi normal ay ang pagpili niya ng damit! Hindi ito nagsusukat o tinitingnan man lang ang mga pinili. Nasa likuran nito ang isang sales lady at ang lahat ng madaanan ng mga kamay nito ay agad na kinukuha ng sales lady at take note! Mula sa kinatatayuan ni boss  hanggang doon sa dulo ay binili.

Oo binili talaga. Hindi inutang. Imaginin mo kung gaano karami ang damit na yun. Paano niya iyun masusuot? Ano tig-tatatlong pares kada araw?

Sige nga sabihin niyo kung nasa matinong pag iisip pa ba ang amo ko.

May sayad talaga ito. At ke mamahal ng mga damit nang tingnan ko ang isang piraso kanina.

Tumataginting na 19,578 ang isang kapiranggot na damit? Agad ko iyung binitawan at baka masira ay pagbayarin pa ako.

Grabe naman talaga! Eh sa UK makakabili ka na ng dalawang damit sa halagang 200.
Grabe talaga ang mga mayayaman. Di ko mareach.

Ganun siguro talaga kayaman itong amo kong to milyonaryo siguro ito o di kaya ay tumatae ng pera.

Iba talaga pag lalaki ang namimili hindi man lang umaabot ng isang oras di tulad nating mga babae na halos malibot na ang buong mall sa isang araw pero tatlong damit lang ang mabibili.

Nagbabayad na ito sa cashier at nakasimangot naman akong sumunod.

Kinuha nito ang wallet sa bulsa at hinulbot ang isang credit card saka yun ibinigay. Akala ko cash ang ibabayad andami pa naman nitong libuhin.

" Oh my god! Ang pogi talaga ni Sir Gun at ang hot ng pangalan." bulong nung isang sales lady at parang bulating binudburan ng asin sa pagkakilig.

"Oo nga eh, kaya nga dito ko gustong magtrabaho para masilayan siya." hirit nung isa.

So madalas ang amo ko rito?

Tiningnan ko si boss at parang wala itong narinig. Mukhang sanay na ito sa ganun. Takaw pansin talaga ito kahit na saan magpunta. Kahit ang landlady ko ay mukhang nabighani rin dito. Mula sa pagiging dragona ay nagtransform ito sa pagiging tila maamong tupa.

Nang mailagay na ang lahat ng pinamili nito ay nanlaki ang  mata ko sa dami niyon.

Paano mabibitbit ni boss lahat ng yan?

"Bitbitin ang lahat ng yan Miss Castillo...." tukoy nito sa mga bags. "Mauna ka ng lumabas may bibilhin pa ako."

Tama ba ang pagkakarinig ko? Ako ang magbibitbit ng lahat ng yun. Hindi siya octopus na walo ang galamay.

" T-Teka lang boss! "pigil ko dito. "Ako ang pagbubuhatin mo nyan? Sigurado kayo? Ako talaga?" saka itinuro ang sarili. "Eh ang dami ng mga yan, sayo naman yan kaya ikaw ang bumitbit diyan boss. " Humalukipkip ako.

My Hot Kidnapper Is A Ruthless Billionare [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon