Chapter 2
Nandito na kami sa 7/11 binibili na ako ni Grey ng ice creams at siopaos. Oo with 's' dahil madami. Nang maibili na niya ako. Lumabas na din kami.
“Ang dami nito, hindi mo naman ‘to mauubos.” Pag mamaktol niya. Natawa naman ako.
“Sumunod ka nalang sa akin, wag kang magulo.” sabi ko naman. Hinahanap ko kasi yung mga batang palaboy laboy dito sa park.
“Mga bata!” Tawag ko sa mga batang nag hahabulan sa park. Nag silapitan naman sila.
“Bakit po?” Tanong nung isa. Tumingin naman ako kay Grey. Tapos yung expression niya nag tataka.
“May ibibigay daw sa inyo si Kuya Grey.” Masaya kong sabi sa mga bata. Tuwang tuwa naman sila.
“Ano?!” Medjo nag tatakang tanong niya sa akin. Nginuso ko naman yung dala dala niya.
“Asan po?” Excited na tanong nung isang bata. Isa isa naman na naming binigyan yung mga bata. Todo pasalamat pa nga sila e.
“Ate, mag syota po kayo?” Curious na tanong nung batang babae sa akin habang kinakain yung siopao niya. Natawa naman ako. Sabay tingin kay grey na nag bibigay pa din sa mga bata.
“Hindi, best friend ko siya.” Nakangiti kong sagot sa batang babae.
“Pero bagay po kayo.” nakangiwi nitong sabi na para bang nag tataka kung bakit hindi kami ni Grey.
“Anong pangalan mo?” Tanong ko. Tapos pinaupo ko siya sa tabi ko.
“Rica po.” Sagot niya sabay dila sa Ice cream niya. “Rica, hindi lahat ng mukang bagay ay bagay.” Naguluhan naman siya sa sinabi ko.
“Hindi ko po kayo maintindihan.” Nakakunot noong tanong niya.
“Hindi mo talaga ako maiintindihan. Masyado ka pang bata.” Yun nalang ang nasabi ko.
“Ok po.” Sabi nito sabay kain ng Siopao.
“Best, bakit mo naman ako iniwan dun!” Habang papalapit na sabi ni Grey. Nginitian ko nalang siya. Umupo din siya sa tabi namin ni Rica.
“Bata, nasan ang mga magulang niyo. Hating gabi na nasa lansangan pa kayo?” Tanong ni Grey. Bigla kong naisip, Oo nga ‘no?
Napatingin ako kay Rica.
“Wala po akong mga magulang. Dito na po kami nakatira sa park.” Malungkot na sabi nito.
“Ate Rica tayo na. Inaantok na ako!” Sigaw nung isang bata na lalaki.
“Sige Ate, kuya. Uuna na po ako. Umuwi na din po kayo gabi na!” Masayang paalam nito. Tinanguan nalang namin siya ni Grey at Sinabihang mag inggat.
“Tara na.” Aya ko kay Grey. Tumayo naman na siya.
“Sabi ni Rica, bagay daw tayo.” Natatawa kong pag sisimula ng usapan.
“Naniwala ka naman? Sa gwapo kong 'to.” Mayabang na sabi niya. Napangisi naman ako.
“Sabi ko nga sa kanya na bakit tayo magiging bagay, e Katulad ni Lee Min Ho ang bagay sa akin. Wala kapa sa dulo ng talampakan nun.” Natatawa kong sabi. At yung nag umpisa na kaming mag talo.
Naka uwi na kami ngayon. 12 na. Si grey na ang nag paliwanag at hindi naman nagalit si Mommy. Umakyat na ako para matulog.
*Kinabukasan*
First day of School na. Maaga akong pumasok kasabay si Grey. Mag kaklase kami, College na kami 2nd year. Parihas kami ng kinuha HRM.
Kakaunti pa ang tao kasi Maaga pa.
Nasa room na kami ngayon naka upo lang, nakaka tamad kasi bukas pa ang regular class. Ngayon kasi pakilalahan pa lang.
Yung iba kong kaklase bukas pa ang pasok mga tamad.
Uwian na, ganun ka bilis wag kayong magtaka tamad ang Author mag type. Balik tayo sa Kwento, So uwian na nga. Mauna na daw ako sabi ni Grey. Sasama daw muna siya sa mga kabarkada niya. Oo, may mga kaibigan siya bukod sa akin. Pito ata sila. Ung iba 3rd year na siya ang pinaka bata sa kanilang pito. May crush nga si Author dun sa isang barkada ni Grey e. Yung makulit. xD HAHAHA.
Ito na nag lalakad na ako pa uwi . Oo lakad lang Trip ko e. Habang nag lalakad ako feeling ko may nasunod sa akin. Ano ba yan kinakabahan ako. Binilisan ko nalang mag lakas. Sana pala sumakay na lang ako.
“Pssst!” Uwaaaah! Sumisitsit pa yung sumusunod sa akin.
“Hoy! Ganda!” Sigaw nito. Otomatiko naman akong lumingon, maganda daw e . Edi ako yun. Charat~ wag ng umangal.
Pag lingon ko. WTF!
“IKAW!” Sigaw ko.
“Yes, Its me. The one and Only.” Sabi pa nito sa maarting tuno. Sino pa ba, kundi iyung baklang nakabunggo sa akin sa CR.
“Bakit mo ako sinusundan?” Tanong ko. Tumawa naman siya.
“Duh! Wag kang feeler ating, parihas lang tayo ng daan.” Sabi pa nito.
“E bakit ka nasitsit?” tanong ko habang nakangisi.
“Syempre, parihas tayo ng daan. Gusto ko sanang sumabay, Ang bilis mo namang mag lakad kaya sinitsitan kita.” Sabi pa nito. Nawala naman ang ngisi sa muka ko at Inis ang pumalit. Bakit ko ba kinakausap ang baklang ito?!
“Iwan na nga kita jan!” Maratay kong sabi.
“Wait lang ito naman, napaka arte di naman kagandahan.” Sabi nito. Nag pantig naman ang tinga ko. Ako hindi maganda?
“Anong sabi mo?!” Inis kong tanong.
“Sabi ko di ka maganda.” walang gana nitong sabi.
“Ako hindi maganda? Bulag ka ba?” Feeling ko sasabog na ako sa inis. Nakaka asar talaga ang mga bakla ever!
“I'm just kidding, ikaw panget like duh! Bakit pa kita na crushan kong pangit ka?” Ma arte nitong sabi. Bigla akong naguluhan.
“Bakla ka ba talaga? O baliktad na ang mundo ngayon.?” Naguhuluhan kong tanong.
“Bakit, hindi ba pwedeng mag kagusto ako sayo?” Tanong nito.
“Kanina crush lang, ngayon Gusto na. Ano ba talaga?!” Gulong gulo na ako.
"Pwede both hihihi ;>" sabi pa nito.“Arrgggg!” Asar kong sigaw sabay sakay sa jeep na pa alis na.
Hay salamat at may jeep na tumigil kong hindi... Baka nakapatay na ako ng bakla. Bwisit.
------
Ang pangit ng Update ko... Walang pumapasok sa isip ko. Sabi ko pa naman babawi ako. Mianheyo~ T^T
Vote and Comment please ..
Sorry sa mga wrong types and grammar.
Grey on multimedia ♡
-CHANYEOLbebe