Chapter 17
Nagising ako dahil sa may dalawang kulugo na kinukulit ako para bumangon na. Nakitang inaantok pa 'yong tao, iniisturbo pa. Wala namang pasok ngayon ah.
"5 minutes pa please..." Murmur ko. Shit! Antok na antok pa ako. Pano ba naman, hindi ako pinatulog ng last text ni Andrew. Halos sumakit na nga ang ulo ko para lang makatulog.
Ginising lang pala ako nung dal'wa dahil aalis na daw sila. Mag reready daw kasi sila para sa 1WV which means sa lunes na. Sabado palang ngayon at super boring ng mag hapon ko. Wala akong ibang ginawa kundi kumain, mag internet, at umuli sa buong bahay. Hapon na ng tamadin na talaga ako ng lubusan kaya naisip ko nalang na matulog, tutal busog naman ako.
KINABUKASAN sobrang sakit ng ulo ko. Napadami naman ata ang tulog ko. Pag baba ko, naabutan ko si manang na ang hahanda na ng almusal. At ng mapansin niya ako ay inaya na agad akong kumain. Nang bandang tanghali na ay naisipan kong mag impake na. Hindi sa excited ako pero --- Aish! Oo na excited na ako. Nilagay ko na ang lahat ng kakailanganin ko sa buong vacation. Buti nalang at nag kas'ya sa isang maleta.
Kinahapunan, nag pasya na akong mag kulong nalang sa kwarto. At mag basa ng mag basa ng wattpad. Nang biglang mag vibrate ang phone ko. Kinuha ko naman agad ito.
From: Andrew
See you tomorrow :) Don't be late. Baka maiwan ka. :D
Biglang kumalabog ng mabilis ang puso ko. Ngayon lang siya nag paramdam. Pero anong akala niya sa akin, laging late?! Hindi ko na siya nireplyan dahil-- wala gusto ko lang. =_____=
Nang sumulyap ako sa wall clock ko ay nag pasya na akong matulog. 8 pm na kasi at kailangan kong magising bukas ng maaga. 6:30 am ang alis namin bukas kaya dapat before 6 nasa school na ako. D'un kasi ang intayan namin, at by section ang bawat bus.
Ginising ako ni manang ng 4:30 am mag rereklamo pa sana ako kaso napag isip isip ko na mabagal akong kumilos kaya okay lang. Ginawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin at ng matapos ako ay tiningnan ko ang oras sa relo ko. Masyado pang maaga 5:20 am pa lang, masyado ata akong napabilis sa ngayon. Naisip kong pumunta na sa school ng maaga dahil boring dito sa bahay. Nag paalam na ako kay manang at sumakay na ng taxi.
Nasa school na ako ngayon at iilan ilan pa lang ang tao, maaga pa kasi. -___- Hinanap ko na ang bus ng section namin at ng makita ko na ito ay may ilan na akong kaklase. Kanya kanya sila ng mundo kaya pumasok na ako ng lubusan. Ng makahanap ako ng ma uupuan ay naupo na ako. Naisip kong masyado pang maaga, kaya matutulog muna ako. Tutal ginising ako ng maaga ni manang at inaantok din ako.
Nagising ako at medyo madami na ang tao. Naisipan ko nalang na mag sound trip, kaya nag patugtog ako at tinakpan ang muka ko ng sumbrero na suot ko. Nasa kalagitnaan pa lang ng kanta 'yung pinapakingan ko ay may naramdaman ako na may tumabi sa akin, nasa pag dalawahan na upuan ako sa bandang dulo. Nang tingnan ko kung sino ang tumabi sa akin, napalunok ko.
"Best..." Nasambit ko nalang. Napalingon naman siya sa akin at nginitian ako ng tipid.
"Ang aga mo ata?" Tanong niya. Napatango nalang ako. Bakit ang awkward? feeling ko may nag bago sa kanya. Ilang weeks na ba kaming halos di nag kita? At kung makikita ko siya at umiiwa siya at nag aalibay.
"A-akala ko 'di ka sasama..." mahina kong tanong na sana nakinig niya. Nginitian nalang niya ako kaya sa tingin ko ay nakinig niya.
Maya maya lang ay umandar na ang sasakyan. Super awkward ng b'yahe para sa aming dal'wa. Ramdam ko 'yun sa bawat pag uusap namin. Ang mga tawa namin ay pilit at halos walang topic na lumalabas sa utak ko, at sa tingin ko ay pati sa kanya. Nang makadating na kami sa aming distenasyon ay nag sibabaan na ang iba, Kinuha ko na ang maleta ko sa itaas ng inuupuan namin ng may nauna ng gumawa n'un.
![](https://img.wattpad.com/cover/28409629-288-k896623.jpg)