Chapter 13
Day past, ilang araw ko na ding iniiwasan si Andrew. Hindi ko alam kong bakit ko siya iniiwasan, pero ang alam ko lang naguguluhan na ako. Nakaka asar nga kasi 'di ko maintindihan ang sarili ko.
Nasa school na ako ngayon, baka malate ako sa klase ko ngayong hapon. Si Grey kasi iniwan ako. Kasama nanaman ang barkada niya.
Halos lakad-takbo na ang ginagawa ko. Naku! Humanda sa akin ang abong 'yan. Kung sinabi niya sana na hindi na siya makakabalik edi sana 'di na ako nag patanga tanga sa library.
At halos di ko na din mapansin ang mga nasa paligid ko pati narin ang mga nakaka salubong ko. Pano ba naman terror ang prof. ko ngayon sa subject na baka ika-late ko.
Halos mga dapa na ako sa pag lalakad ng may nabangga akongㅡ akala ko pader dahil matigas ,tao lang pala.
"S-sorry." Aligaga kong paumanhin at dali dali na sanang aalis ng pigilan niya ako. Shit! Late na 'ko.
"M-miss.. Wait." Pigil nung lalaki, sa tingin ko transfer siya at sa tingin ko din ka edad ko lang siya. Aba napansin ko pa pala iyon, e ito nga't mali-late na ako.
"Ah, kuya please paki bilisan. Late na kasi ako sa klase ko." Halos di mapakaling sabi ko.
"Ah. Sorry sige sa iba nalang ako mag tatanong." Sabi nito at malungkot na tinalikuran ako at unti unti nang nag lakad.
"Shit.." Bulong ko ng mag bell na. Ibig sabihin late na talaga ako. At naka sara na ang pinto ng room. Sa'n na ko n'ya? Si Grey kasi e. Humanda talaga sakin 'yang abong 'yan.
"K-kuya!" Na uutal ko na tawag dun sa lalaking nakabangga ko. Di pa kasi siya nakaka layo.
Lumingon naman siya, kaya nilapitan ko na. Kawawa naman mukang 'di kabisado itong campus.
"Ahm, late naman na ako. So ano nga pala 'yong itatanong mo?" Bungad ko ng malapitan ko siya.
"A-ah. Exchange student kasi ako. Hinahanap ko sana itong section na 'to." Nahihiya niya sabi sabay abot sakin ang kapirasong papel na hawak niya.
Inabot ko naman iyon at tiningnan. Aba, kung sinuswerte nga naman ka klase ko pa itong exchange student na 'to. Hindi na masama, kung idi-describe kasi siya ay gwapo talaga. Matangkad pero di kaputian, pero tamang tama lang sa ayus niya. Pero grabe at eyebag niya. Pero kong tititigan ito ay parang nakaka attract talagaㅡ
"Miss.. Okay ka lang?" Oh shit! Ano ba itong iniisip ko. Buti nalang at nabalik ako sa ulirat. Ka-attract kasi si kuya.
"Ah. Haha sorry ano nga ulit?" Tanong ko, habang pumeke ng tawa.
"Itatang ko sana kong saan ang room na iyan." Sabi nito sabay turo sa hawak kong papel. *facepalm* Oo nga pala.
"Ah ito ba. Kaklase kita iisa lang room natin." Nakangiti kong sagot. Biglang lumiwanag naman ang Aura niya.
"Talaga?! So tara na." Masigla nitong sabi. Napa ngiwi naman ako
"Ah.. Eh.. Ano err.. Late na kasi tayo, may rules kasi yung prof. natin sa subject ngayon." Sabi ko sabay nag fake na ngiti. As in pilit.
"Ganun ba? Hirap palang maging exchange student. Hehehe." Nahihiya nitong sagot.
"Igala kita sa buong campus, gusto mo? Tutal late naman na tayo." Suhesto ko. Napangiti naman siya sabay tango.
"Ako nga pala si Violet." Pakilala ko sabay abot ng kamay. Inabot naman niya ito. "I'm Tao."
[A/N: pronounced as Taw.]
Parang ang weird naman ata ng pangalan niya. Tao? Pfffttㅡ ngayon nalang ako nakarinig ng ganung pangalan. Pero Okay lang pogi naman. Hahaha.
"Ahm, So tara?" Aya niya. Ngumiti naman ako at tumango.