Chapter 15
Nasa school na ako ngayon. Nag lalakad ako papuntang faculty. Isusulit ko na ang report na ginawa ko. Mabuti na nga lang at hindi talaga nagalit si Mommy. Nag papasalamat ako kay Andrew dahil hindi sermon at talak ang inabot ko sa nanay ko.
Nang maisulit ko na nag report na pinagawa sa akin, lumabas na din agad ako. Didiretsyo sana ako sa Cafeteria ng makita ko si Grey. Himala, nakita ko siya ngayon.
"Grey!" Tawag ko dito. Napalingon naman agad siya, pero nag bago ang expression ng muka niya.
"Oy..." Awkward na bungad niya sa akin ng makalapit ako. Pinanliitan ko siya ng tingin. May tinatago ba siya?
"Long time no see." Sarkastikong sabi ko habang naka ngiting peke..
"S-sorry, may inaasikaso lang." Aniya. At umiwas ng tingin. Napa kunot ako ng noo. Talaga lang ha?
"Ah, talaga. So kamusta?" Pag iiba ko ng topic. Baka kasi maasar lang ako. Halata ko namang may tinatago siya. Akala ko ba walang sikretuhan?
"O-okay lang. Sige mauna ako.." Sabi nito at bilis bilis na umalis. Hindi ko na siya napigilan dahil alam kong may kakaiba sa kanya.
Mag lalakad na sana ako ng may biglang umakbay sa akin. Amoy pa lang niya kilala ko na..
"Sa'n punta?" Cool na tanong niya at nag lakad na. No choice napasabay ako, naka akbay e.
"Cafeteria. Nagugutom ako, e." Matamlay na sagot ko. Nag tataka ako sa sarili ko. Bakit hindi ako naiilang? Samantalang halos mag aminan na kami ng feelings kagabi. Ay mali, siya lang pala nag amin.
Siguro nga hindi totoo 'yung mga nababasa ko, kasi pag nag amin sa kanila 'yung boy tapos hindi nila alam ang isusukli, naiilang sila. Pero ako, bakit hindi. Hay nako.
"Dun din punta ko. Libre na kita." Aniya kaya nabalik ako sa katutuhanan. [Charot~] Tumango nalang ako. Aba galante ang kasama mo. Mag papaka choosy kapa ba?
***
Nasa cafeteria na kami ngayon, naka upo na ako at si Andrew naman ang nabili ng pagkain. Kung iisipin ang saya ko, kasi pinapansin na niya ako. Ayaw ko kasi ng may kasamaan ng loob. Ang sama kasi sa pakiramdam, pati so what kong alam ko ang tunay na feelings niya para sa akin. Mabuti nga iyon dahil alam ko kong saan ako lulugar.
Habang naka pila siya. Pinag mamasdan ko siya ng mabuti. Kung tutuosin ay ang swerte ko kasi masasabi mong nasa kanya na ang lahat. Pero 'yun nga lang, may pagka bakla. Wait nga.... pansin ko hindi siya nag papalit ng personality? Halos hindi ko nga nakikita 'yung gay side niya. Umalis na ba siya sa hanay ng pederasyon?
Nabalik ang atensyon ko sa kanya ng makita kong may kausap siyang babae. Aba't nag tatawanan pa. So, may pagka flirt side pala siya? That's new. *insert the sarcam*
Biglang kumulo ang dugo ko ng mag tawanan pa sila. Hello! May nag iintay kaya dito at gutom na. Kung alam ko lang na makikipag landian siya edi sana ako nalang ang bumili para sa sarili ko. -_____-
Hay salamat. Pabalik na ngayon si andrew dito sa pyesto namin, pero wait.. what?! Kasama niya 'yung babaing kalandian niya. Wag n'yang sabihing makiki upo 'yan dito sa table namin. No way!
Naka ngiting sarkastiko ako ng makalapit sila. Aba kakapal ng mukha! Nag tatawanan pa ng maka lapit. Bwisit!
"Ang tagal mo naman drew. Akala ko bibili ka lang, nag sama ka pa pala ng uod." Nakangiting malapad na bungad ko. Napatingin naman ang atensyon sakin ng babaeng kasama niya.
"Excuse me?!" Maarti at nakaismid na tanong nito.Oh? Bitch to bitch ba ang hanap niya? Game ako jan.
"Oh? Dadaan kaba?" Tanong ko at hindi pa din inaalis ang ngiting pang asar. "Daan na." Dagdag ko pa ng makaisug ako. Nakatayo kasi kaming tatlo.
