Chapter 16

43 13 26
                                    

Chapter 16

Nasa parking lot na kami ngayon at binuksan ni Andrew ng marahas ang pinto ng kotse niya.

"Get in." Aniya sa malamig at maotoridad na tono. Napakunot ang noo ko pero pumasok na din ako.

Nang makapasok ako ay isinara na niya ito, pero hindi na tulad kanina na marahas.

Nag mamaneho lang siya ng tahimik. Kating kati na akong mag salita kasi super awkward na ng atmosphere namin.

"D-drew?" Mahinang tawag ko sa kanya, sapat na para marinig niya.

Hindi niya ako pinansin at nakatuon lang ang atensyon niya sa pag mamaneho. I guess galit siya. Napabuntong hininga nalang ako at tumahimik na. Anong kinagagalit niya?

Nasa tapat na kami ngayon ng aming bahay, but still hindi pa din siya nag sasalita. Lalabas na lang sana ako ng hawakan niya ang wrist ko.

"Gusto mo ba talaga siya?" Ano? Sino? Anong pinag sasasabi niya?

"H-ha?" Awkward na tanong ko. Na aano ba siya? "Si jin." Aniya sa malungkot na tono.

"Ano?!" Medyo napalakas ang boses ko kaya napa bitaw siya sa akin. "Crush k-ko lang siya...." Dagdag ko. Bakit ko ba sinasabi sa kanya 'to?

"Hmmm, ok."Tanging sagot niya. At humarap na sa unahan. Aalis na sana ako ng lubusan ng hilahin niya ulit ako upang halikan sa pisngi.

Ito nanaman 'yung feeling. Bumalik nanaman. Bakit ba simpleng moves lang niya bumibilis ng sobra ang puso ko at bigla bigla nalang nag ba-blush ang pisngi ko.

"Bye." Aniya habang nakangisi. Napaiwas ako ng tingin at humugot ng kunting lakas para makatingin sa kanya ng diretsyo.

"Hmm, b-bye. Ingat ka." Pag katapos ko iyong sabihin ay tuluyan na akong lumabas ng kotse niya.

Hindi na ako lumingon dahil baka pag sisihan ko lang, narinig ko na din naman ang pag tunong ng makina ng sasakyan niya. Nag tuloy tuloy nalang akong pumasok at nakita ko si Mom na bihis na bihis.

"Baby, your here." Bungad niya. Napaerap ako sa kawalan. Mag lalakwatsya nanaman ito.

"I saw that." Banta niya. Tumingin na ako sa kanya. "Sa'n punta Mom?" Sarcastic na tanong ko.

"You bitch, susunod lang ako sa Daddy mo. May aasikasuhin kami." Erap na paliwanag niya. Hmm, alam ko na kung saan talaga ako nag mana.

"Ano?" Tanong ko at umupo sa sofa. Tumabi naman siya sa akin.

"Soon you'll know." Napaismid naman ako sa sagot niya. Ano 'to surprise? Baka naman ampon ako? Tulad sa mga nababasa ko?

"Mom, don't tell me.. Ampon ako?" Gulat na tanong ko. S'ya man ay nagulat din.

"What the! No. Ba't mo naman naisip yan? Kaka-basa ng wattpad 'no? Ikaw talaga!" Depensa ni mom sabay batok sa akin.

Natawa naman ako. Baka nga O.A lang ako. "Hahaha. Just kidding mom, ge alis na." Pag tataboy ko. Umerap naman siya.

"Malaman ko lang sa yaya mo ang mga pinag gaga-gawa mo pag wala ako. Humanda ka!" Pag babanta niya. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko.

"Did you just say, Nanny? As in yaya? Mag kaka yaya na 'ko?" Masayang tanong ko. Yes! May mauutusan na din. Lagi kasi akong inuutusan ni mom. Dahil nga wala kaming yaya.

"Yep. Wag mong torturin ng yaya mo sa kaka-utos ha." Pag bibilin niya. "Duh! Mom, para sa'n pa't nag hired ka ng yaya?!" Sarkastikong tanong ko. Umiling siya.

"Kahit na ba?!" Inis na banta nito. Napalingon kami pareho sa nag busena sa labas. "I'll better go." Aniya. Ngumisi naman ako bago tumango.

"Binabalaan kita! Wag mo ng ituloy 'yang mga plano mo. Your nanny will be here later, so please. Wag mong pahirapan, matanda na iyon." Pa alala pa ni mom bago tuluyang umalis.

My Gay SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon