A/N: Chingus~ Sorry sa very very late update.. Nawalan kasi ako ng gana dahil hindi ko manlang nakita ang SNSD specially Sooyoung at Sunny. ㅠㅅㅠ Tapos may mga nang ba-bash pa sa Asawa kong si Chanyeol:'(. Tapos di pa maganda ang pag kaka-celebrate ko sa Birthday ni Sehun:'( . Tapos may nag post pa na naaksidente daw Sila Taehyung, which means joke lang pala:'( . Omiji! Ang malas ng linggong ito para sa akin mga chingus~ :'(
But anyway, here's the Update. Hope you like this guys! Don't forget to vote and comments. :*
Chapter 11
Tuesday na, at may pasok na ako. Nag lalakad na ako ngayon sa hallway. Nasa school na kasi ako. Hindi ko kasabay si Grey, nauna na kasi siya.
Nang makarating ako sa classroom medjo kakaunti palang ang nasa loob, tumingin ako sa akin relo. Maaga pa pala. Nag tungo na ako sa akin upuan, which means katabi ni Grey. Busy siya ng maupo ako, ano kayang ginagawa nito.
"Best.." Kulbit ko dito. Pero di niya ako pinansin. Nag susulat lang siya.
"Oy, best!" Medjo malakas na tawag ko sa kanya. Buti naman at lumingon siya.
"Oh, anjan kana pala." Sabi nito sa akin ng matingnan ako, at binalik na ang tingin sa ginagawa.
"Para sa'n ba 'yan?" Tanong ko. Nakaka curious kasi. "Project." Tipid na sagot niya. Aba! Sipag ah. Himala.
"Ikaw?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. "Anong ako?" Takang tanong ko. Lumingon naman siya sa akin.
"Yes! Natapos din." Sabi nito at tumingin pa sa relo niya. "Time na pala." Sambit pa nito.
"Hoy.. Anong ako?" Pangungulit ko. "Ha?" Takang tanong niya."Anong ako? Tinanong mo 'ko kanina ah." Sabi ko. Ngumiti naman siya.
"Wala, alam ko naman na may gawa ka nito." Sabi niya sabay nguso sa gawa na katatapos lang niya. "Wala ako.." Iling ko.
"Saan bang subject 'yan? Bakit 'di ko alam?" Dagdag ko pa. Bakit wala naman akong alam dito?
"Sa English. 'Di mo ba alam?" Kunot noong tanong niya. Umiling ako. Hala wala akong gawa! Second period namin 'yon.
"Kilan ba ang pasa?" Kinakabahan kong tanong. Sana hindi ngayonㅡ
"Ngayon." Sagot nito. "Hala! Wala akong gawa! Yari ako n'yan." Pag hi-hysterical ko.
"Akala ko pa naman meron kana." Sabi nito. Tatayo na sana ako para mag cut ng first class ng dumating ang prof. namin..
"Shit!" Inis na bulong ko. At bumalik nalang sa pag kaka upo.
"Good morning, Class!" Bati ni Sir. Nag good morning din kami at naupo na. Napa tingin ako sa paligid at, madami na nga kami. Pero wala si Andrew.
Ano kayang nangyari du'n? Tss... wag ko nga 'yong problemahin. Dapat ang pinuproblema ko ay 'yong sa English ko. Huhuhu pa'no na 'to.
Habang nag di-discus si Sir, biglang bumukas ang pinto. Napatingin kaming lahat sa pumasok. Si Andrew..
"Sorry Sir, I'm late." Sabi nito at nag bow pa. Napa iling naman si Sir.
"Have a sit Mr. Kim. I don't want to happen this again." Ani Sir. sa warning tone. Tumango naman si Andrew at nag tungo na sa upuan niya.
Discus lang si Sir ng discus, pero 'di ako nakikinig. Iniisip ko kasi 'yong sa English. Next subject namin 'yon at terror pa ang teacher namin du'n.
"Ok, class. That's for today. See you tomorrow." Sabi ni Sir at lumabas na ng class room. Patay na.
"Best.. Sorry akala ko kasi talaga may gawa kana. Kung alam ko lang sana palaㅡ" 'Di ko na siya pinatapos.