Chapter 1
Violet's POV
*brrrrrr* *brrrrrr*
Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatung sa study table dahil may tumatawag.
“Hello?” Tanong sa kabilang linya habang naka busangot.
“Asan kana ba?! Kanina pa kami dito girl. Pa VIP ka talaga!” Sabi ng kausap ko. Napairap nalang ako sa kawalan.
“Just wait ok, di ko pa alam kong pano mag papaalam kay Mommy.” Sabi ko in a frustrated tone.
“Tss, whateves! Che!” Then she hang up. Damn that bitch.
Di pa nga pala ako nakaka pag pakilala, my name is Chloe Violet Kim, purely korean, but pusong pinoy. I'm a wild party girl. Pero MABAIT. Friendly, pero may pagka BITCH. Pero pag mabait ka mabait din ako. GETS!
Yung kausap ko kanina, si Sunny isa sa group of friends ko. May birthday kasi yung isa naming friend, Sa bar daw nila ang party.
But i have a one and only bestfriend. He is Dylan Grey Park. Pure korean din s'ya. Mag best friend kami since birth. Yes! Since birth. Dahil mag bffs din ang parents namin. Napag kasunduan pa nga nila na lagyan ng colors ang names namin. Kaya ayan. Violet at Grey. Hahahaha pero ok lang ang cool nga e. Paaalala lang DON'T CALL ME CHLOE if we're not CLOSE. Violet dapat, arasseo? Ok good. Sorry may pag ka bipolar ako. Hahahaha.
“Where do you think you're going? Gabi na ah?” Tanong ng mommy ko ng napansin na bihis na bihis ako.
“Mom, may party po kasi akong pupuntahan, birthday nung friend ko. P-pwede po ba?” Kinakabahan kong tanong. Baka kasi hindi ako payagan.
“Its ok IF, kasama si grey.” Pinag diinan pa talaga ang 'IF'. Pero what?! Kasama si Grey?
“Po? Bakit mom, kaya ko namang mag isa?” Pag tanggi ko. Ano ba yan, nakakahiya sa friends ko. Di naman sa kinakahiya ko si Grey, but! Ano nalang sasabihin nila, na may bantay ako? Like DUH! that's not cool.
“No buts, payag naman ako e, basta kasama si grey. I'll call him.” Then she left, papunta sa bahay nila grey, jan lang sa tapat kaya mabilis lang.
“Violet, tara?”
“OMO! Wag ka nga mang gulat.” Sabi ko, nagulat kasi ako. Bulungan daw ba ako sa likod. Tss =______=
“Hahahahaha, tara na nga. Hanggang 10 ka lang daw.” sabi ni grey matapos akong pag tawanan.
“What?! Are you insane? 10 talaga?” Pag hi-hysterical ko. My Gosh 10 talaga.
“Waeyo? Late na yun.” Pag tataka n'ya. WTF! Boring as ever nitong bestfriend ko.
“8 na, edi 2 hours lang ako dun. Ang cheap ha.” Sabi ko sabay erap then labas ng bahay.
“Yah! Wait. Sabi naman kasi yun ni Tita.” Habol sakin ni grey. Bahala sila.
“Bahala kayo, hanggang 12 ako.” I muttered. Sana di niya makinig.
“What?” Tanong n'ya sabay akbay. Naabutan na pala ako.
*Ting*
May naisip ako. Bwuhahahaha, surely hanggang 12 ako.
“Best~” lambing ko then yumakap pa ako sa kanya. Habang nag lalakad kami n'yan ha. Imagine. Pwe!
“What? May kilangan ka ‘no?” Natatawa n‘yang tanong. Bestfriend ko nga ‘to. Alam agad eh.
“Hanggang 12 tayo please~~ *puppy eye*” Ew this is not so me but, papayag yan promise. Konting push lang.