Chapter 7

94 24 16
                                    

Chapter 7

Nandito na si grey at may dalang mga pagkain.

Nang makalapit na siya kung nasan ako, nilagay na niya ang mga dala niya sa malaking balabal na naka latag sa damuhan nila. Picnic nga diba? Hahaha.

"Ba't ganyan itshura mo?" Tanong nito ng maka upo. Umiling naman ako. "Wala." Tanging sagot ko at kumuha na ng pillows at isang chocolate drink na cloud 9.

"Bakit hindi mo manlang tinawag sila Zy at Carl. Sabihin nila nag susulo tayo." Tanong ko kay grey ng buksan nito ang Lays na hawak niya.

"Wag na, nag di-date tayo diba? Mang gugulo lang 'yon." Nakangising sabi nito. Natawa naman ako. Confidence much eh?

"Lol! Kung makikipag date ako, kay Kim Jong In nalang para sulit." Sabi ko habang natawa. Nakitawa naman daw siya.

"Best! Awts naman, mas gwapo ako dun e." Sabi nito at hinawakan pa ang dibdib niya na para bang nasasaktan. Natawa nanaman ako.

"Oy, lakas ng hangin!" Sabi ko, ang ingay na namin kasi ang lalakas ng boses namin.

"Kuya!! Ang ingay nito! Torpe ka naman!" Sigaw ni Carl mula sa bintana. Napatigil naman kami ni Grey. Tapos nagkatinginan. Maya maya pa ay...

"Hoy! Humanda ka sakin Carl!" Sigaw pabalik ni Grey, natawa naman ako kasi sinara na ni Carl ang binta niya. HAHAHA.

"Bakit ka daw torpe?" Natatawa kong tanong. Napaiwas naman siya nang tingin. Problema nito?

"A-ahm, wala. Kumain nalang tayo." Sabi nito at tuloy tuloy na sumubo ng Lays. Tss bipolar. Mabulunan ka sana.

*cough* *cough*

Hahaha! Nabulunan nga. Dali dali ko namang inabot sa kanya iyong iniinom kong cloud 9.

"Best oh, ikaw kasi... HAHAHA. takaw talaga." Sabi ko habang natawa. Kinuha naman niya 'yong cloud 9.

Tapos wala pang 15 seconds naubos na niya. Kunti pa lang naiinom ko dun ha. Takaw talaga.

"Pag tawanan daw ba ako." Ala-ala'ang nag tatampong tuno nito. Natawa nanaman ako. Ang sakit na ng t'yan at panga ko kakatawa.

"Saya natin ah." Bigla akong napahinto sa pagtawa sa aking narinig. Pag lingon ko. Si... Andrew.

"Pano ka naka pasok dito?" Nakakunot noong tanong ko. Tinuro naman niya ang gate nila Grey na bukas. "Bukas e. So, pumasok na ako." Naka smirk na sabi nito, at pagkatapos ay tumingin ito kay grey.

Napatingin din ako kay grey. Bakit ganto itshura nito? Parang frustrated. Ewan guni-guni ko lang ata.

"A-anong kailangan mo." Naiilang na tanong ko. Nang tingnan ko ulit siya. Nakatingin lang siya kay grey. Para bang nag susukatan sila ng tingin. Problema ng mga 'to?

"Pinapatawag ka ni Tita." Still, kay grey pa din siya naka tingin. At wait hindi ko pa sa inyo nasasabi. Manly siya umasta ngayon hindi bakla.

"Tss, ok susunod na ako." Naka upo pa din kami niya ha. Tapos nakatingala kay Andrew. Hirap din. >

"Ge, Andrew nga pala p're." Sabi nito kay Grey. Ganun pala 'yon. Tumango naman si Grey. "Grey." Tipid sa sagot nito. Di ko sila gets?

"May the best man win." Mahina pero maangas na sabi ni Andrew, bago ito umalis. Para sa'n iyon?

"Ka-asar talaga!" Nasabi ko nalang ng makita kong nakalabas na ng gate si Andrew. Napa buntong hininga naman ang katabi ko. Na papa'no ito?

"Problema mo?" Tanong ko. Yumuko siya. "Wala, sige umuwi kana, baka hinahanap kana ni tita." Sabi nito at inumpisaha ng ligpitin ang aming ng mga pinag kainan.

My Gay SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon