Chapter 18
"Drew...." Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makalapit siya sa akin. Binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti bago siya nag salita.
"Miss me,?" May halong pang aasar na tanong niya habang nakangiti pa din. Napabuntong hininga ako. Nahihirapan akong huminga, gusto ko siyang itulak palayo sa akin para bumalik ang normal na paghinga ko. Pero hindi ko magawa... Para bang kontrulado niya ako sa bawat tingin niya.
"Tara," Aniya at hinila na ako. Wala pa din ako sa sarili ko ng makinig kong nag tilian ang mga babae sa paligid ko, kaya napatingin ako sa kanila at d'un ko lang napag tanto na kami ang tinitilian nila.
Tumigil kami sa isang madilim at masukal na lugar, joke! Hahahaha ang totoo lumayo lang kami ng kaunti sa crowd.. Masyado lang akong O.A dahil sa mga pangyayari. Hawak niya pa din ang kamay ko, feeling ko nga ay pawisan na ang kamay ko. Hindi ba siya nadidiri na basa na ang kamay niya dahil sa kamay ko. Pawisin kasi ang kamay ko pag kinakabahan ako at na iexcite. Ngayon masasabi ko lang na parihas kong nararamdaman iyon kaya super pawisan ang kamay ko.
"Tumingin ka sakin.." Na mamaos na utos niya. Shit! Bakit ganon siya mag salita? May sakit ba siya? Baka naman gawa sa pag kanta niya kanina? Tanga kasi, kakanta-kanta 'di naman kaya. Pero in fairness maganda ang boses niya.
Napapitlag ako ng hawakan niya ang chin ko. Hindi ko iyon pinahalata dahil nakakahiya. Unti-unting umangat ang mga tingin ko sa kanya, kanina kasi nakatungo ako. Ngayon naman ay magka eye contact na kami.
"For the second time-- no i mean for the nth time... I'm telling you again i really likeㅡ"
"Let me think about it. Just please, not now." Hindi ko na siya pinatapos mag salita dahil alam ko na kung saan tutungo ang pag uusapan namin.
Walang nag sasalita, magkatitigan lang kami sa isa't isa. Basta nadadala lang ako sa mga tingin niya. Dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at unti unti itong napunta sa mga pisngi ko. Papalapit na ng papalapit ang mukha niya sa akin, samantalang ako naka tayo lang dito na parang bato. He's going to kiss me again. Ilang inch nalang ang pagitan namin ng may dumating na mga lalaki at nag sisisigaw pa.
"Dude! you're an asshole! You lived as with the bunch of ugly girls!" sigaw nung lalaking super tangkad, at pag sinabi kong matangkad... Jusko titingala ka talaga sa height niya. Bigla akong nanliit sa height niya huhuhu.
"what the!" Mahinang napasinghap si Andrew at tumingin sa akin ng may pagkadismaya. Pero nakangiti siya kaya lang pili. Napahalakhak naman ako sa isip ko. Akala ko makukuha nanaman niya ang kiss-- ko and this time second na 'to. Salamat sa mga lalaking ito.
"Hi, i guess you're Andrew's girl?" Tanong-- este hula nitong isa pang lalaki, Ito naman super angelic ng aura. Para talaga siyang anghel, tapos kung magtanong pa siya ay super gentle at walang halong sarcasm. At ang gwapo niya din. Gwapo din naman 'yong matangkad na lalaki, creepy nga lang kasi parang ang childish kumilos.
"Hey, sorry to disturbed you and andrew earlier.." Akbay sa akin nung isa pang lalaki; sa itshura niya, muka siyang babaero. At may halong pakikipag flirt ang tono ng pananalita niya.
"Fourth! bitawan mo nga si Chloe!" Bulyaw ni Andrew at inalis ang akbay nung Fourth daw.
"Hey Andrew! I'm not done with you! If my fiancéeㅡow shit! she's calling!" Parang batang pag mamaktol nung lalaking matangkad kay Andrew.
"Lets go, masyado ng magulo dito."Ani Andrew at hinila na ako papunta sa kung saan..
Pumunta kami sa lobby ng resort at naupo sa mahabang couch. Kasunod naman namin 'yong tatlong mga lalaki. Lahat sila gwapo ha... infairness-- ay! lumalandi nanaman ang utak ko.
