Chapter 14

55 17 29
                                    

Chapter 14

"Oy! Best. Anong nangyari sayo? Akala ko babalik kana dun?" Buti nalang at nag salita si grey. Kung hindi baka maghapunan kaming mag katitigan ni Andrew, pati siya ay napa iwas ng tingin ng kausapin ako ni grey.

"A-ah... Wala.." Sabi ko nalang at nag tungo na papunta kay Tao.

"Uhm, sorry... Natagalan." Bungad ko kay Tao na naka ngiti sa akin. Nginitian ko din siya pabalik.

"Its ok, so...." Sagot naman niya at tumayo na. Sakto namang nag bell na din.

"Tara na." Yaya ko naman at tumango naman siya.

"Boyfriend mo?" Out of the blueng tanong niya. Nag lalakad kami papuntang room.

"Ha?" Takang tanong ko at nag salubong pa ang kilay.

"Yung lalaki kanina." Tukoy niya kay Grey. Natawa naman ako at napa iling na lamang.

"Yun? Hindi 'no. Asa!" Natatawa kong pag tanggi. "Bestfriend ko siya." Dagdag ko pa.

"Hmmm..." Tango naman niya, na para bang sumasang ayon.

***

Days past, tapos na din ang pagiging exchange student ni Tao. At napapansin ko din na kadalasan ay busy si Grey. Hindi ko alam kong bakit. Ni hindi ko nga siya ma t'yempuhan para makausap man lang.

Kanina pa uwian, madilim na din ng natapos ko ang pinapagawa sa akin ng prof. ko, tiningnan ko ang relo ko at napamura ng mahina dahil 7:10 na. Siguradong talak ni Mommy ang magiging dinner ko nito.

Nag madali na akong lumabas ng classroom. Buti nga at pumayag si prof. na dito ko tapusin ang pinagagawa niya. Pag sa bahay kasi t'yak na hindi ko 'yon magagawa, at tatamarin lang ako.

Sarado na ang mga kalapit na room nakakatakot din kasi madilin na. 'Yung mga pang night shift kasi nasa kabilang building. Kahit may pagka bitch ako matatakutin ako lalo na pag ganitong magisa ako.

Sa mga nababasa ko kasi kadalasan pag nadaan sila sa corridor ng madilim bigla na lang may dadaang white lady o kaya may pugot ang ulo. Kinikilabutan ako sa mga naiisip ko.

Parang biglang may malamig na hanging dumaan sa likod ko kaya bigla ako napalingon. Buti nalang at wala akong nakita kaya nag bilis bilis nalang akong maglakad.

Biglang may room na sumara ng marahas at malakas kaya napapitlag ako sa gulat at sa takot na din. Lalo kong binilisan ang pag lalakad pero ngayon nakatungo na lamang ako. Baka kasi may makita na ako this time. Baka himatayin pa ako pag nagkataon.

Biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko kaya hindi ako maka sigaw. Sobrang kinakabahan na ako at parang any time hihimatayin na ako. Hinila niya ako papasok sa isang classroom. Pero in fairness ang bango naman atang multo 'to. Ramdam ko nga din ang mainit niyang hininga sa tinga ko. Nahinga pa din pala ang multo?

Binitawan na niya ako, kaya nakahinga ako ng maluwag, at sisigaw nasana ng mag salita siya.

[A/N: Play the video on MM.]

"I.... Missed you.." Nawala nga ang takot ko pero, pinalitan naman ito ng nag uunahang kabayo sa dibdib ko. Sa tagal ng hindi niya pag pansin sa akin na halos two week. Parang gusto ko ding sabihin na... namiss ko din siya.

"D-drew...." Mahinang bulong ko na halos ako nalang ang nakarinig. Patay ang ilaw pero kita ko ang anino niyo dahil bukas ang pinto na nag bibigay sa amin ng munting liwanag.

Naramdaman kong humakbang siya papalapit sa akin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Oo aaminin ko na namiss ko siya. Kahit ba hindi naman ganun kaclose ang atmosphere para sa amin. Pero kahit ganun feeling ko safe ako pag kasama siya. 'Yung tipong ramdam mo na ililigtas kaniya ano mang oras. Pero nakaka asar lang kasi bakit ganun ang nararamdaman ko sa kanya.

My Gay SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon