Chapter 4

125 23 18
                                    

Chapter 4

"Ma upo kana sa vacant chair Mr.?" Sabi ni Sir kay andrew. Oo si Andrew ang lumipat ng course.

"Kim Sir." Magalang na pag sagot nito, at kung titingnan mo siya ay lalaking lalaki. Pati ang boses niya ay lalaking lalaki. Akala ko ba bakla siya? Anong nangyari? Natomboy ganun? HAHAHA ^^v Akalain mo 'yun magka apelyedo kami.

"Ok Mr. Kim, have a sit" Patangong sagot ni Sir, naghanap naman si Andrew ng uupuan, ng makahanap siya ay na upo na siya. Nag patuloy naman si Sir sa pag kaklase sa amin.

Hindi ko alam kong bakit hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Mayamaya pa'y napalingon siya sa akin at kinindatan ako. Shet! Para sa'n iyon? Napa iwas naman ako ng tingin. Hindi ko alam pero bakit parang uminit ang pisngi ko?

Napaharap nalang ako sa unahan. Hindi ako makapag focus sa itinuturo ni Sir. Parang nag rerewind sa utak ko iyong pag kindat niya. Urgh! Anong nangyayari sa akin?!

"Best, ok ka lang?" Nag tatakang tanong sa akin ni Grey, nasa canteen na kami ngayon at kasalukuyang kumakain.

"O-ok lang." Nasabi ko nalang. Pano ba naman hanggang ngayon ayaw akong tantanan ng kindat na iyon. Patuloy parin ang pag rerewind sa utak ko. Kahit ayaw kong isipin, nandun padin.

"Wait lang best, nag text si Jin may ibibigay daw si jimin. Galing kasing Baguio iyon e. Baka pasalubong. Pupunta lang ako." Sabi nito habang tinataas baba ang kilay niya. Naku.... Basta pasalubong e. Tumango nalang ako.

"Ay best, pag hindi na pala ako nakabalik bago mag time, mauna kana." Pahabol pa nito. Natatawa naman akong tumango ulit. Hay naku..

Mag isa akong kumakain ngayon, syempre umalis na si Grey e. Habang kumakain ako, pakiramdam ko ay may nasa likod ako, kaya nilingon ko. At pag lingon ko....

*tsup*

*slap*

Aksidinteng nag dait ang mga labi namin. At bigla ko siyang nasampal. Pano ba naman nakatungo siya na kalevel ng ulo, at sobrang lapit pa sa akin kaya ng lumingon ako ay nag tagpo ang mga labi namin.

"Omygosh." Nasabi ko nalang habang naka kapit sa mga labi ko ang aking kamay. Nag palinga linga ako. Baka may nakakita sa amin. At thank god! May mga sarili silang mundo.

"Hindi ko sinasadya iyon." Bigla niyang sabi at umupo sa inupuan kanina ni grey. Nag loloading parin sa utak ko ang ganun kabilis na pangyayari. Ng nag sink-in na sa utak ko ay...

"My God! First kiss ko iyon.!" Pasigaw na bulong ko sa kanya. Ayaw ko na may makarinig sa amin. Ninakaw niya ang first kiss ko!

"Sorry. Gugulatin sana kita pero lumingon ka agad." Pag hingi nito ng paumanhin. At napansin ko bakit parang lalaking lalaki ang dating niya, pati pananalita niya ay lalaking lalaki din.

"Nakaka asar ka!" Sigaw ko sa kanya at umalis na. Nag tinginan naman iyong iba sa amin, pero wala na akong pakialam, first kiss ko ang pinag uusapan dito. Pati bakit ganun, na aattack ako sa pagiging manly niya. Siguro kong lalaking lalaki siya at hindi bakla baka nagustuhan ko na siyaㅡ wait what?! Ano ba itong pinag sasasabi ko.

"Wait lang Chloe!" Habol niya sa akin. Napatigil ako at nag pantig ang pandinig ko. Tinawag niya ba akong Chloe?!

"Aㅡ" mag rereact pa lang sana ako sa pag tawag niya sa akin ng Chloe pero hilila na niya ako kung saan. At napansin ko kung saan, sa isang room na sa tingin ko ay hindi ginagamit at tambakan na lamang ng mga gamit.

"Let me explain" kalmadong sabi nito ng bitawa niya ang kamay ko. Sinarado niya pati ang pinto.

"A-anong... Bakit mo sinarhan ang pinto?" Kinakabahan kong tanong. Tapos lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Gusto kita.. Matagal na." Sabi nito habang nakatingin sa aking mga mata. Naguluhan ako at binawi ang kamay ko. Pero hindi ako maniniwala.

"Panong... Hindi kita maintindihan. Hindi ako pumapatol sa Bakla." Hindi ko alam, pero parang nadadala ako sa kagwapuhan niya. Ano ba itong nararamdaman ko. Isang ekstangherong bakla lang siya. Pero bakit.... Ay ewan naguguluhan ako.

"Pwede ba kitang ligawan?" Nalaglag ang panga ko sa narinig ko. Ano? Ligaw? Napa iwas ako ng tingin. Hindi ba bakla siya? Ano bang trip ito? Hindi ko na alam nalilito na ako. Parang ang bilis ng pangyayari.

Nakatanga lang ako sa kanya at halos hindi na makahinga feeling ko ay maaalis na ang puso ko sa katawan ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Nang maka recover na ako sa aking nararamdaman ay dali dali akong tumakbo sa may pinto at binuksan ito. Ng mabuksan ko ito ay nag tatakbo na ako palabas. Bahala na, basta ayaw ko siyang makita.

---------

Ow-key short Update... Mag vote at comment kayo jebal...

Any way.. Barkada ni grey asa MM.

-CHANYEOLbebe-

My Gay SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon