Chapter 12
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sabihin niyang iyon. 'Shit! Ano na ba talaga itong nangyayari sa akin?' Isip-isip ko.
Nang makarecover na ako. Nag lakad na ako papunta kay Grey. Pakiramdam ko talaga ang init ng pisngi ko.
"Best, bakit ang tagal mo. Tapos nalang ako e." Reklamo ni grey ng makaupo ako sa tapat niya.
"M-may inasikaso lang ako." Sabi ko sabay tungo. Ayaw kong makita niyang namumula ako.
"May sakit kaba?" Tanong nito kaya napa tingin ako sa kanya. "H-ha? Wala." Iling ko. Ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Ayaw ko sa ngiti mong 'yan." Banta ko sa kanya. "Bakit?" Panunuksong tanong nito. Inirapan ko naman siya.
"Sino naman kaya 'yang malas na lalaking kina ba-blushan mo?" Pang aasar nito.
"Ang sama mo! Anong malas? Wala 'no!" Depensa ko. "Ibili mo na nga lang ako." Dagdag ko pa.
***
Uwian na, at sabay kami ni Grey. Nag lalalad na kami papuntang parking lot. Kotse kasi ang gamit ni Abo! ^___^v.
"Chloe!" Parihas kaming napa lingon sa sumigaw sa pangalan ko.
"Oh? Andrew bakit?" Tanong ko ng makalapit si Andrew. Siya kasi 'yong tumawag.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito. Si grey tahimik lang. "Ha? Uuwi na." Kunot noong sagot ko.
"Hindi ba sinabi nila Tita na sa bahay kayo mag di-dinner?" Takang tanong nito.
Napalingon ako kay Grey at nag shrug lang siya. Napa kamot naman ako sa kilay ko.
"Di ko alam e." Nahihiya kong sagot. Bakit ba ko nahihiya sa lalaking 'to.
"Best, baka naman nag text sayo sila Tita." Singit ni Grey. Aish! Oo nga 'no.
Bilis bilis ko namang hinalungkat sa bag ko ang phohe ko. Nang makita ko ito ay puro miss call at may tatlong text.
Si Mommy ang nag miss call at nag text. Tama nga si Andrew, sa kanila nga kami mag di-dinner. Napalingon ako kay Grey.
"Best.. Pahatid naman sa bahay nila." Sabi ko dito. Sasagot na sana siya ng mag salita si Andrew.
"Sumabay kana sakin. Pa uwi naman na ako." Naka ngiti nitong sabi. Napangiwi naman ako.
"Hindi na. Ako ng mag hahatid kayㅡ" Di na natapos ni Grey ang sasabihin niya ng dumating ang barkada niya. OMG! Kasama si Jin. Malamang, shunga! =______=
"Abo! Nandito ka lang pala." Akbay ni Suga. Isa sa barkada ni Grey na super puti at kita ang gilagid pag nakangiti xD. Pero syempre gwapo.
"Oo nga. Kung saan saan ka pa namin hinanap." Dagdag pa ni V ang pinaka cute, nakaka inlove at parang bata kung umasta na kabarkada din ni Grey. 'Batay kay Author ang katangian ni V.'
"Bakit? Ano bang meron." Tanong ni Grey. Kami naman ni Andrew na a-out of place na.
"Gala ng barkada ngayon. Limot lang abong ilong?" Pang babara ni J-Hope. Barkada din ni Grey, Magaling 'yan sumayaw pero lagi nilang inaasar na Kabayo. XD
"Tara na! Ikaw manglilibre ngayon." Hatak ni Namjoon sa kanya, pero mas kilalang Rap Monster. Creepy man ang pangalan pero magaling 'yan mag rap, at gwapo daw. Sabi nila. Hahaha peace ^__^v
Naiwan kaming dalwa dito ni Andrew ng nakatulala sa paalis na mag babarkada. Na palag pa nga si Grey, pero hinihila na siya ng barkada niya. Pansin ko lang tahimik si Jin kanina ah? Di 'man iyon ganun e. Bakit kaya?
"Tara na?" Basag ni Andrew sa katahimikan. Napalingon naman ako sa kanya. Saka tumango. No choice na e, umalis na si Grey.
Nag lalakad na kami para hanapin ang kotse niya. Pero lampas na lang kami sa mga kotse e nag lalakad pa din kami.
"Mag lalakad ba tayo? Sana nag pahatid nalang ako kay Grey bago siya kinaladkad ng barkada niya." Tuloy tuloy kong salita. Ayaw ko kasing mag lakad. Layo kaya ng bahay nila dito sa School namin.
"Hindi." Tipid na sagot nito. "Nasan ba kotse mo?" Takang tanong ko. Buti nalang di kami mag lalakad, torture kasi 'yon.
"Sinong may sabing kotse ang dala ko?" May nakaka lokong tono na sabi nito, at saka humarap sa akin.
"Ha? E ano?" Takang tanong ko. Imbis na sumagot siya ay nag lakad siya patungong.... Motor? Nag mo-motor siya?
"Marunong ka n'yan?" Kunot noong tanong ko, ng sundan ko siya.
"Satingin mo?" Balik na tanong nito. Sabi ko nga, tatahimik na lang ako.
"Catch!" Sabi nito at hinagis ang kulay white na helmet, may mga girlish design pa. Bading talaga.
Ng masalo ko ang helmet sinuot ko na agad, muntik ko pa ngang di masalo e. Pag tingin ko sa kanya naka helmet na din siya. Kulay white din.
"Wow ha. Siguro ginagamit mo din ito. Wala ka naman atang kapatid na babae, di naman siguro si tita mag susuot ng ganto?" Tuloy tuloy kong sabi. Nakaka tawa talaga ang kabadingan nito.
Tiningnan lang niya ako at sumakay na. So, sumakay na lang din ako.
Shetaks! Ano bang gagawin ko, kakapit sa balikat niya o yayakap sa kanya.
Its confusing! Pag sa balikat ako kumapit baka mapansin niya na naiilang ako at Awkward 'yon. Pero pag yumakap naman ako sa kanya baka sabihin nito china-chansingam ko siya. Naku mas awkward iyon! Wag na nga bahala na si Batman.
"Wala ka bang balak na kumapit sa akin? Okay lang. Wala akong paki kong mahulog ka." Sabi nito at binuksan na ang engine at pinaharurot.
Bigla namang napayakap ako sa kanya. Shit! Muntik na akong mahulog d'un.
Nang 'di na mabilis ang pag papatakbo niya, napa tikhim naman siya.
O-M-G! Nakayakap nga pala ako sa kanya. Niluwagan ko naman ang kapit ko dito.
"Chansing ka din 'no?" Pang aasar nito. Bigla naman akong napakapit sa balikat niya.
"D-di ah!" Depensa ko. Shit 'yong abs niya naramdaman ko. Kahit wala ako sa sarili ko kanina, ramdam ko na may abs siya. Omygod! 'Di ko inexpect 'yon.
[A/N: Kahit dito lang mag ka Abs si Baek. Summer kasi kaya natutunaw. XD]
"Natahimik ka?" Takang tanong niya. "W-wala." Feeling ko sasabog na ako sa super init ng pisngi ko. Nakakahawa kasi si Moon Gayoung. Grabing mag blush!
Di ko namalayan nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila. Bumaba na agad ako sa motor niya. Napansin ko din iyong kotse ni Daddy, nandito nga sila.
"Akin na yang helmet." Sabi ni Andrew. "Tss, ayan. Kala mo naman aangkinin ko iyan." Padabog na abot ko sa kanya.
"Sinabi ko ba?" Pang babara nito.
"Bading.." Bulong ko nalang. Naiinis talaga agad ako sa mga pang aasar nito. Nakaka asar di ko alam kong bakit.
"May sinasabi ka?" Tanong nito. Inirapan ko nalang siya.
"Wala." Sagot ko.
"Tara na nga." Sabi nito at hinawakan na ako sa kamay.