Chapter 9

114 19 17
                                        

Chapter 9

Tulala lang ako ng makalabas na kami ng Voyage café. Di ko in-expect na gagawin niya 'yon.

"Oy, tulala much?" Napabalik naman ako sa katinuan ng mag salita siya. At natawa pa. >__

"D-di ah!" Depensa ko. Ano bang nangyayari sa akin. Tsk, gusto ko ng umuwi mag gagabi na din.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko ng nasa sasakyan na kami. Ngumisi naman siya. Nasasanay na ako kahit super ikli ng panahon na nakasama ko siya na papalit palit ng personality.

"Bakit? Ayaw mo pa?" Natatawa nitong tanong. Nagulat naman ako sa tanong niya. Seryoso ba siya. Hindi 'no!

"Joke lang, Haha.. Actually may dadaanan pa tayo." Sabi pa nito. Hindi na lang ako umimik hanggang sa itigil niya ang sasakyang sa isang Park. [A/N: Chanyeol xD]

"A-anong gagawin natin dito?" Takang tanong ko ng makababa na kami sa sasakyan.

"Basta." Tanging sagot niya. Hinila nalang niya ako sa isang bench. Nag pahila naman ako. >\\\

"We'll watch sunset." Aniya ng maka upo kami. Ah, kaya pala kami nandito. Palubog na kasi ang araw at maganda ang view dito.

Akala ko sa mga nababasa ko lang nababasa na sa Seaside pwedeng makita ang pag lubog ng araw pwede din pala sa park. Gets n'yo ba? Kung hindi, bahala na kayo.

"Ang pangit.." Nasabi ko nalang habang pinapanuod ang paglubog ng araw. "Alin ang pangit?" Takang tanong nito. Natawa naman ako.

"'yong sunset, ang pangit." Sabi ko tapos tumingin na ulit sa nalubog na araw. Pansin ko ang pagtataka niya sa sinabi ko.

"Pangit? Pano mo nasabi, ang ganda kaya." Takang tanong niya na para bang nahihibang na ako. Tumawa naman ko.

"Alam ko.. maganda, kaya lang pangit ang sinabi ko kasi alam kong next na sasabihin ng guy na kasama mo is 'mas maganda ka' e alam ko naman na maganda ako." Confidence na sabi ko. Bigla naman siyang tumawa as in hagalpak pa.

"Hoy! Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Takang tanong ko. Ang pag kaka alam ko wala naman joke sa sinabi ko.

"Talaga? Akala mo sasabihan kita ng maganda? Asa." Sabi nito habang natawa. Napa erap naman ako.

"Ok, if i know.. dati kaya sinabihan mo ako ng maganda." Confidence na sabi ko, 'ung may halong panunukso pa. Hahaha

Napaiwas siya ng tingin. "A-ah, tara na. Baka hinahanap kana sa inyo." Pag iiba niya ng topic. Hahaha

"Ok, let's go.!" Masigla kong sagot, tapos hinila ko na siya papunta sa sasakyan niya.

***

"Wake up.. Wake up..." Na alimpungatan ako ng may tumatapik sa pasngi ko. Sino ba 'to? Sarap pa ng tulog ko e.

"Hmmm..." Nag ayos ako ng pag kakaupo... Wait, naka upo ako? Napa mulat ako at tumambad sa aking harapan na super lapit ang isang gwapong nilalang.

"A-ah, sorry." Sabi niya tapos lumayo na. Napa ngiti naman ako, di ko alam kong bakit. Ano bang nangyayari sa akin. >

"Ay, nandito na pala tayo. Sige salamat sa paghatid." Sabi ko ng makita kong nasa tapat na kami ng bahay. Ngumiti naman siya. "Your always welcome ."

Lalabas na sana ako ng hawakan niya ako sa braso. "Hmm?" Tanong ko, baka kasi may nakalimutan siya.

"Good night.." Halos bulong na sabi niya. Tumango naman ako. "Good night too." At tuluyan na akong lumabas ng sasakyan niya.

Hindi ko alam, pero bakit kinikilig ako sa simpling 'good night' niya. Tss, waaah! Nababaliw na ata ako.

My Gay SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon