Chapter 10

91 19 11
                                    

Chapter 10

"Shebal!" Napa mura ako ng makita ko sa alarm clock ko na 1 pm na. Seriously, tinanghali ako.

Nag madali na akong mag ayos at lumabas na ng kwarto ko. Kumukulo na ang t'yan ko.

Buti nalang at walang pasok ngayon. Lunes na ngayon. Hindi ko alam kong bakit walang pasok pero, pabor sa akin 'yon ^____^.

"Bakit hindi manlang ako ginising ni Mommy." Bulong ko habang nababa ng hagdan. Nakatungo ako.

"Hi." Napatingala ako sa nag salita. "Anong ginagawa mo dito? Sinong nag papasok sayo?" Takang tanong ko. Buti nalang nakapag ayos na ako. Nakaka hiya naman kung nag kataon.

Ngumiti siya bago sumagot. "Pinatuloy na ako ng Mama mo. Ahm. Aakitin sana kitang lumabas... Kung pwede?" Nakangiti nitong tanong. Kinikilig na ako. Omygod! ^\\\\\^

"Ha? Kanina kapa ba?" Tanong ko tapos lumapit na sa kanya. "Ahm, medjo." Alangan itong ngumiti. Nagulat naman ako.

"Hala, sorry! Bakit kasi 'di ako ginising ni Mommy. Anong oras kaba dumating?" Pag hi-hysterical ko. God! Kahiya.

"Hahaha, mga 7 pa ata. Nag mamadali kasi 'yung Mommy mo, kaya hindi kana nagising. Sabi pa niya baka bukas siya maka balik." Pag kukwento nito. Nganga naman ako. Tss si Mommy talaga.

"Wait lang ha. Nag kain kana ba? Tara sa kusina." Yaya ko sa kanya. Sumunod naman siya. Dinail ko ang number ni Mommy, tatawagan ko siya. Di manlang nag paalam e.

Wala pang tatlong ring sinagot na niya. "Yeoboseyo?" Bungad nito. "Mom, wag mo akong koreanin. Ba't di ka nag pa alam. Asan kaba?!" Tanong ko. "Hahaha, easy lil girl. May bigla'ang outing kasi ang isa sa mga amiga ko. Syempre papahuli ba ako?" Paliwanag nito, at natawa pa siya." Masaya kapa Mom.?!" Sarcastic na tanong ko. "Mianhe, hayaan mo na may kasama ka naman pogi jan e." Sabi pa nito. "Argg!" Asar na sigaw ko at pinatay na ang tawag. Bastos na kong bastos. Naaasar naman kasi ako.

"Ahm, ok na?" Biglang tanong ng kasama ko. "Ah, hehehe. Sorry." Sabi ko. Nakakahiya. Huhuhu ㅠ.ㅠ

"Kain na tayo. Buti nalang at may iniwang pagkain si Mommy." Sabi ko at kumuha na ng pinggan.

"Violet, balita ko may nanliligaw sayo ngayon." Mapang asar na tanong nito.

"H-ha? Sa'n mo naman nasagap 'yan?" Kinakabahang tanong ko. Syeet! Baka mawalan ako ng pag asa sa kanya. ㅠㅅㅠ

"Hahaha. Wala. Narinig ko lang sa tabi-tabi." Sabi niya. Ha? Pwede ba 'yon? Tabi-tabi. "Ah. Hehehe" sagot ko nalang. Di ko na alam sasabihin ko e.

Nagugutom na talaga ako. Susubo na sana ako ng spaghetti na luto siguro ni Mommy ng magsalita siya. "Pwede ba kitang ligawan?" Napa ubo naman ako. Seryoso siya?

"H-ha?" Parang tanga kong tanong. Narinig ko naman ng maayos mag tatanong pa. "Ah. Nevermind." Shit! Nag tanong pa kasi ako. Grrr.

"Best~" Nabuga ko naman ang iniinom ko ng marinig ko ang boses ng bestfriend ko. "Ok ka lang?" Tanong ng kasama ko ng makasubo siya ng spaghetti. Tumango nalang ako.

"Best anㅡOh, jin anjan ka pala." Bungad ni grey ng makapasok ng kusina. Ngumiti si Jin. Oo si jin ang kasama ko kanina pa. Siya din ang crush na crush ko sa barkada ni Grey.

"Aayain ko sana si Violet lumabas.." Cool na sabi nito. Tumango naman si Grey. Tapos tumingin sa akin. "Best, sabi ni Tita sa bahay kana daw mag dinner mamaya." Sabi nito sa akin. Hay salamat. Akala ko gugutumin ako ni Mommy.

"Ok, nag kain kana?" Tanong ko naman. Tumabi siya sa akin at tumango. Pero sumubo din siya ng spaghetti na kinakain ko =_______=.

"Ahm, mag bibiㅡ" Naputol ang sasabihin ko ng may narinig ako na tumatawag sa akin sa labas. Sino kaya 'yon. "Wait lang guys." Sabi ko at tumungo palabas ng bahay.

Naabutan ko si Andrew na nasa labas, malamang =____= na nakasandal sa kotse niya. Hmmm, gwapㅡ ay! Ano ba itong naiisip ko.

"Napadaan ka?" Tanong ko. Umirap naman siya. Oh? Problema nito? "Muka ba akong napa daan?" Sagot nito. Huhuhu sorry naman. ㅠ_ㅠv

"Ah, hehehe. So anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Tara labas tayo." Ha? Ka di-date langㅡ este ka lalabas lang namin kahapon ah? Pati may Date kami ni Jin. Assuming.

"Ah, eh.." Di ko alam sasabihin ko. Bahala na. Si Jin naman talaga nauna. "Laㅡ" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil may nag salita sa may likod ko. "Sorry p're na una 'ko e." Si Jin. Nilingon ko siya, tapos binalik ko ang tingin kay Andrew, at Shit. Tulala ang bakla!

Wag mong sabihin na ka-agaw kita kay Jin. Waah! Kaya ayaw ko sa bakla e. "Jin pasok ka muna sa loob." Pumasok naman sa loob si Jin, tapos kay Andrew ako tumingin. Nganga pa din ang luka.

"Hoy!" Lapit ko dito. "Don't tell meㅡ" Di pa man ako tapos mag salita. "Yes." Nakangiti nitong sagot. Waaah. I hate you! "shit!" Inis na bulong ko. "May sinasabi ka?" Tanong nito.

"Bakla! Umuwi kana nga." Pag tataboy ko. "Anong kina gagalit mo?!" Asar din na tanong nito. Oo nga 'no? Bakit ba ako nagagalit. Wala naman akong karapatan kay Jin.

"W-wala. Umalis kana. May lakad pa kami." Sabi ko sa mahinang tono. "Ge. Sunduin kita bukas." Sabi nito at sumakay na sa sasakyan niya.

Nang tuluyan ng maka alis si Andrew bumalik na ako sa bahay. Naabutan kong nag tatawa 'yong dalwa. Ako naman busangot.

"Ahm, Jin pwede pass muna ako sa pag aaya mo. Sumama kasi pakiramdam ko." Sabi ko sa walang ganang tono. "Ganun ba? Ah, sige. Pagaling ka." Sabi nito sa akin. Tumango nalang ako. "Una na rin ako." Dugtong pa niya. Naiintindihan ko siya. Syempre 'no pa bang gagawin niya dito. Tumango nalang ulit ako.

Nag tungo na ako sa aking Kwarto. Nasa baba naman si Grey, siya ng bahala sa d'un.

Nasa kwarto na ako ngayon. Hay, kanina ang saya pa ng mood ko. Ngayon parang tamad na tamad ako. Hayss bahala na nga.

*tok* *tok*

"Best.." Si grey. "Pasok." Sabi ko at binukasan niya ang pinto. Nag tungo siya sa may kama ko at naupo sa tabi nito.

"Bakit?" Tanong ko. Umiling siya. "May problema ba?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim.

"Best, bakit ang O.A ko?" Tanong ko sa kanya. Napa tawa naman siya. "Seryoso ka?" Natatawa nitong tanong. "Oo, " sabi ko sabay pout.

"Ge, kwento mo." Sabi nito at tumikhim. "Kasi ano.. Diba alam mo namang crush na crush ko si Jin tapos, niyaya pa niya akong lumabas. Edi ang saya saya ko. Tapos dumating lang si Andrewㅡ" naputol ang pag kukwento ko ng nag "Tss..." siya.

"Patapusin mo muna ako." Medjo inis na sabi ko. "Ge.. ge." Sabi nito at umayos ng upo. Ipinag patuloy ko naman ang pag kukwento. "Ayon nga dumating lang si Andrew, at nakita si Jin. Nabakㅡ" Ay shit! Bakit ko nga pala ikukwento sa kanya na bakla si Andrew. Jezz!! Kamuntik na ko d'un a.

"Oy, tuloy mo." Sabi nito. Umiling ako. "Wag na pala. Nevermind." Pilit ngiti kong sabi. Humigab ako. "Inaantok ako." Sabi ko.

"Kagigising mulang. Tutulog ka nanaman.??" Tanong nito. Natawa naman ako. Tapos kinurot ko siya sa pisngi. "Cute mo!"


ㅡㅡㅡ
JIN at the MultiMedia. :)
Read/Comment/andVote
사랑해~ ♡♡♡

My Gay SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon