Chapter 6

91 22 17
                                    

Chapter 6

"Andrew." Nakangisi nitong pakilala sa akin, na akala mo ay siya ang pinaka gwapo sa lahat. Pero totoo namanㅡ ay! Ano ba itong pinag sasa-sabi ko.

"A-ah, Hi." Kinakabahan at naiilang na sabi ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung sasabihin ko ba na 'Kilala naman na kita e, Diba ikaw iyong gustong manligaw sa akin? Iyong bakla?' Pwede ring.. 'Akala ko ba bakla ka? Bakit ang manly at nakaka inlove kang tingnan. Ganyan kana lang sana lagi.' Pero ayaw ko. Una, na iilang ako at ayaw kong malaman ng parents ko na balak niya akong ligawan, pero! Hindi ako payag. Lalo naman na yong sabihin kong manly nalang siya lagi, dahil nakaka inlove? Ano ako hilo? Like duh! Gay is not my Style!

"Actually, mag kakilala kami." Bigla akong nabingi sa narinig ko. Sinabi niya ba talaga iyon? Ano bang trip niya? Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kina-uupuan ko. Paksyet! Pano to.

"Oh? Ganun ba? Bakit parang hindi halata sa anak ko?" Takang tanong ni Dad, at lumingon pa ito sa akin.

"Anak, mag kakilala pala kayo. E bakit kong umasta ka parang ngayon mo lang siya nakilala?" Medyo iritadong tanong ni daddy, ayaw niya kasi ng napapahiya.

"A-ah, hehehe" awkward na tawa ko. "Kumain na po muna tayo? T'yak na gutom na sila?" Pilit na ngiti kong sabi, at ng napatingin ako sa gawi ni Andrew kinindatan niya ako! Omygosh! Bakit niya ginawa iyon?! Pano nalang kong nakita iyon nila mommy! Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya at nag madaling pumunta sa hapag-kainan. Sumunod naman na sila Mommy.

Naupo na ako sa akin nakasanayang pwesto. Kinakabahan ako dahil baka tabihan niya ako. Nasapok ko ang sarili ko, bakit ba ang assuming ko! Nakahinga ako ng maluwag at napangiti ng si Tita Mila ang tumabi sa akin. Pero pag tingin ko sa aking tapat ay unti unting nawala ang mga ngiti ko sa labi. Si Andrew ang katapat ko.

Nag simula na kaming kumain, nag kukwentuhan sila Daddy at Tito Louis tungkol sa kanilang Highschool life dati. Si Mommy at Tita Mila naman ay tungkol sa mga Love story ng highschool pa sila. Nalaman ko din na magkakaklase pala sila dati. Hindi kasi pala kwento ang mga magulang ko.

Tahimik lang kami ni Andrew siguro'y dahil OP kami. Hirapan akong kumain, naiilang lasi ako. Kahit gutom ako,titiisin ko na kumain ng maayos, dahil pag gutom ako ay hindi mo na mawari ang pagkain ko. XD

"Saan kayo nag kakilala anak?" Bilang baling ni Tita Mila sa anak niya.

"Saㅡ"pinutol ko na ang sasabihin niya, at ako na ang sumagot. "Sa School po." Nakangiting pilit kong sagot sa Mommy niya. Tumango naman ito.

Nang napadako ang tingin ko sa kanya ay naka ngisi nanaman ito. Ano bang problema nitong taong ito? May problema ba siya sa labi niya at lagi siyang nakangisi?

"Actually Ma,"baling nito sa ina niya"Tito, Tita." Humarap din ito kay Mommy at Daddy. "Nililigawan ko po siya." Napanganga ako sa sinabi niya at napatanga. Ang tagal mag loading sa utak ko ng mga sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya at naka-awang ang bibig. Ngumisi nanaman ito. Asar!

"Oh, talaga?!" Masiglang tanong ni Daddy. "Mabuti kong ganun." Dagdag pa nito. Lalo akong napanganga. Payag si Daddy?

"Bagay kayo anak!" Cheer ng papa niya. Sumang-ayon din sila Mommy at Tita. Paksyet! Bakit hindi ako makaimik!

Natapos na lamang ang hapunan, hindi parin ako makapaniwala na sinabi niya iyon. Na aasar ako! Nasa labas ako ngayon at nag papahangin, naka upo ako sa damuhan ng garden namin.

"An'jan ka lang pala." Napalingon ako sa nag salita, biglang sumama ang timpla ng mood ko, tatayo na sana ako ng maka upo siya sa tabi ko, ng hilahin niya ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong nito. At ang boses niya ay naging maarting bakla nanaman. Napakunot ako ng noo.

"Sa hell, sama ka?!" Iritang sabi ko ng mahila niya ako pa upo. Tapos inirapan ko siya. Kanina ay ang manly ng dating niya, ngayon bumalik sa pagiging bakla.

"Bakla ka ba o ano?!" Inis na tanong ko. Tapos umayos ng upo. Tumikhim naman siya.

"Duh! Don't ask na nga. Drop that topic na." Ma arte nitong sabi. Napakunot ang noo ko. Anong arte 'to?

"Kanina, akala mo kung sinong lalaking lalaki ang asta mo? Ngayon the F!" Inis at nalilito kong sigaw. Napaiwas naman siya ng tingin. Na isip ko, bakit ganito ako? Bakit kinakausap ko pa siya?

"What ever happen, even if I'm gay. I'll court you. And that's final." Sabi nito at tumayo na. Na istatwa naman ako sa inasta niya. Ang bipolar, kanina ang arte ngayong galit?

"Ewan ko sayo!" Sigaw ko dito bago makapasok sa bahay. Pupunta nalang ako kila grey. Na pupunyeta ako dito.

Nag lalakad na ako ngayon papuntang tindahan bibili muna ako ng makakain. T'yak na sasabihin ni zy, e dapat nag dala ako ng piatos.

Nang makabili na ako ay papunta na sana ako kila grey ng makita ko si Carl.

"Carl!" Tawag ko sa kanya. Malapit na kasi siya sa bahay nila. May dala din itong bola. Inintay niya akong makalapit sa kanya.

"Saan ka galing?" Tanong ko dito, at pinag masdan ang suot nito. Ang dungis na niya. Ano ba iyan.

"Nag basketball po kami. Diba kanina nakita mo na nag paalam ako kay kuya?" Sabi nito at nag lakad na papasok sa gate nila. Sumunod naman ako.

"Gabi na a. Ngayon ka lang bumalik?" Hindi ba ito hinanap ng kuya niya, o nang mama niya?

"Di ba Obvious ate?" Sarkastikong sabi nito. Minsan talaga may pagka mayabang ito. Napa irap naman ako.

"Ok, fine di na ako mag tatanong. Panuod na lang sa inyo." Sabi ko ng bubuksan na niya ng pinto ng bahay nila. Napatingin ito sa akin.

"Wala na kayong T.V ate?" Takang tanong nito. Napa irap naman ako at binatukan siya.

"Sira! May bwis-- este bisita kami sa bahay." Bad trip na sagot ko. Natawa naman siya.

Pumasok na kami sa loob at na abutan nami sila Tita at Zy. "Hi Tita! Hi Zy!" Masiglang bati ko. Tapos tumabi ako sa kanila.

"Asan po si grey?" Tanong ko, si Carl naman, dirediretsyo sa kusina. Siguro gutom na. HAHA

"Nasa taas, akyatin mo nalang." Sabi nito, at pumunta sa kusina.

Narinig ko nalang mula sa kusina na. "Oh! Ano nag hahanap ka ng pagkain. Aba! Galing mong bata ka ah! Anong Oras na, at ngayon ka lang umuwi?" t'yak na pinapagalitan na ni tita si Carl. Poor Carl.

Nasa tapat na ako ngayon ng kwarto ni grey. Katok na nga ako ng katok e. Bahala siya, bubuksan ko na itong pinto.

Pero bago ko mabuksan ang pinto. Nagulat ako ng may nagsalita sa gilid ko.

"Ate, salamat sa Piatos!" Si Zy pala. Tapos nilagpasan na niya ako. Siguro ay tutulog na.

Nang nakapasok na si Zy sa kwarto niya, humarap na ulit ako sa kwarto ni Grey. Bubuksan ko na sana ng.

*Boink*

Nag kauntugan kami ng noo. Pano ba naman bubuksan na din pala niya ang pinto.

"Aray!" Nasabi ko at hinwakan ang aking noo. Tumawa naman siya habang hawak din ang kanyang noo.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong nito. Tapos umalis na sa may pintuan.

"Papasok, malamang." Mataray na sabi ko. Natawa nanaman siya.

"Sa sala nalang tayo. Nagugutom na 'ko." Sabi nito sa akin tapos hinawakan pa yong t'yan niya.

"Tababoy." Bulong ko. Narinig naman niya. "Ano? May sinasabi ka?" Tanong nito. Natawa naman ako. "Wala, sabi ko. Ang macho mo kahit ang takaw mo." Sabi ko habang natawa. Napakunot naman ang noo niya.

"Tara na nga" natatawa din nitong sabi. Naku... Hindi niya nagets. Kawawang abo.

Pag baba namin dun nalang daw kami sa garden nila mangain. Picnic daw kong baga. Daming ka ekk ekkan.

Ok, nakaupo na ako ngayon dito sa damuhan. Si grey nakuha pa ng pagkain. Nahagip ng paningin ko si Andrew na nakatingin sa direksyon ko.

Nasa labas siya ng gate namin. At hindi ko mawari kong galit ba ang tinggin niya dahil medyo malayo. Anong problema n'un?

My Gay SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon