"Hindi ka talaga titigil? Gusto mong masaktan?!"
"Isusumbong kita kay Lola! Lagi mo na lang akong pinapagalitan! Salbahe!" Kumaripas na siya sa pagtakbo pauwi sa bahay matapos niya akong singhalan.
I ran my fingers through my hair and sighed. Hinarap ko ang batang lalaki na inaway niya. Umuusok pa rin ang ilong nito habang nakatanaw sa palayo na si Bigoy. Dumating ako rito sa pilapil para pauwiin na si Bigoy nang makasabay siya sa tanghalian pero ito ang naabutan ko. Tinulak niya ang bata kaya napuno tuloy ng putik ang pang-upo.
Yumuko ako para pantayan siya at hinawakan ang mga kamao niyang nakabilog. "Pasensya ka na sa ginawa ni Bigoy sa iyo, ha. Pagagalitan ko siya, huwag kang mag-alala."
Hindi niya ako pinansin. Nakatanaw pa rin siya kay Bigoy. Masama ang tingin.
"Ate..."
Nilingon ko ang batang babae na nasa gilid. Yakap niya ang isang bangka na gawa sa kahoy.
"Siya naman po talaga ang umaway kay Bigoy. Siya po talaga ang bad," turo niya sa batang hiningan ko ng pasensya.
Kunot-noong nilingon ko ang bata. Nagsalitan ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano talagang nangyari dahil kararating ko lang. Si Bigoy kaagad ang pinagalitan ko dahil siya ang nakita kong nanakit.
Lumingon ang batang lalaki sa babae. Masama niya itong tiningnan pagkatapos ay kumaripas na rin ng takbo. Tumaas ang kilay ko. Ganito ba talaga ang mga bata ngayon? Bigla-bigla na lang umaalis?
Natulala ako sa naisip. Ako rin pala. Bigla-bigla ring umaalis.
"Ate. Sinira ni Bogart itong bangka na ginawa namin ni Bigoy. Tingnan niyo." Lumapit siya sa akin at pinakita ang bangka.
I couldn't have found what part was damaged if she just hasn't pointed the pole in the middle. Mukha naman kasing damaged lahat dahil hindi maganda ang pagkakagawa.
"Nabali po ito. Tapos nasira na rin yung pakpak niya."
Pakpak?
Pinulot niya ang mga nabaling stick sa lupa at pinakita sa akin. Napatango ako. Sa hitsura ng mga iyon, mukhang sa magkabilang gilid iyon ng bangka. That parts are needed to maintain the boat's balance. Hindi ko nga lang alam kung anong specific na tawag sa parteng iyon.
Bumuntong-hininga ako at hinagod ang likod ng kaniyang ulo. "Pwede kong ayusin 'yan. Kaya ko."
Namilog ang mga mata niya. "Talaga po?" Lumabas ang bungi niyang ngipin.
Tumango ako at binigay naman niya ang laruan sa akin. "Anong pangalan mo? Magkaibigan kayo ni Bigoy?"
"Ako po si Katkat! Nobya po ako ni Bigoy!"
Pag-uwi ko sa bahay. Inilapag ko lang ang bangka sa coffee table na gawa sa kawayan at pumunta na sa kusina. They already gathered in the dining table. Nakatingin sila sa akin nang lumitaw ako.
"Halika na, Lora. Mainit pa itong sabaw," aya ni Tita Serya.
Naupo ako katabi ni Bigoy. Hindi siya nakatingin sa akin pero nang silipin ko ang mukha niya, mukha siyang umiyak. Tumaas ang kilay ko. Iyakin talaga ang mga bata ngayon.
"Bilisan natin kumain at manonood pa ako ng balita," ani Tito Totie.
"Ah nga pala, Lora." Natigilan si Tita sa pagsandok. Sa akin muna siya tumuon. "Magpapasukan na ulit. Hindi ka ba magpapa-enroll?"
Natigilan ako at napalunok.
"Oo nga, hija. Naku! Kung iniisip mong wala kang pangmatrikula, ako na ang sasagot. Pag-aaralin kita. Hindi ba't magkokoleheyo ka na?" tanong ni Tito Totie.
BINABASA MO ANG
Her Final Bullet
AzioneAlora Steppingstone spent 4 years practicing in shooting range, boxing ring and running field. She moved to New York when she was 14 and trained by her uncle to be a great mafia herself to avenge once she gets back in the Philippines at 18 years old...
