Chapter 18

178 4 0
                                    

Mindee's POV

"You know him baby? "

Malakas na sabi ni Slade at ewan ko ba sa kanya kung bakit striness pa talaga ang salitang baby. Di ko na lang pinansin ang endearment niya sa akin dahil may mas mahalaga pang bagay ang dapat bigyan ko ng pansin ngayon. Ang taong nasa harapan namin.

Napalunok ako ng makita kong magkasalubong ang mga kilay ni Ezekiel dahil sa sinabi ni Slade. Nakatitig lang ako kay Ezekiel o ang tinawag na Siel Gold ni Slade. So, my fvcking ex-boyfriend at ang sinasabi ni Rose na Gold ay iisa lang pala? Very nice. Really.

"Uh.. y-yeah. F-Friend ko siya.. sa A-Australia." Nauutal kong sagot kay Slade at agad na nag-iwas ng tingin kay Gold. From the corner of my eye, nakita kong napaawang ang bibig ni Siel sa sinabi ko at di kalaunan ay nakita ko ang pagyukom ng mga palad niya.

Yeah. Ezekiel was my boyfriend back then pero di naging maganda ang takbo ng relasyon namin. We lasted for 6 months hanggang sa tuluyan na akong bumitiw sa kanya. Aaminin ko, he's the reason kung bakit bumalik ako dito sa Pilipinas. Gusto kong makalayo sa kanya. Gusto kong makalimot sa mga pinaggagawa niya sa akin. But now, siya na mismo ang kusang lumalapit sa akin. Alam nila Sehya at Trix ang buong kwento simula't simula pa ng relasyon namin.

"Friend? Oy Gold, magkaibigan pala kayo ng girlfriend ko?" Natatawang sabi ni Slade kay Gold at saka ako inakbayan at inilapit sa katawan niya. Hinalikan niya ang buhok ko at saka pinayakap ako sa bewang niya. Like what the F?!

"Di ko na pala kailangang ipapakilala sayo ang girlfriend ko."

Agad akong napatingin kay Slade dahil sa mga pinagsasabi niya. Anong klaseng trip niya naman ito at tinawag akong girlfriend sa harap ng ex ko?

Kinurot ko ng palihim ang tagiliran ni Slade at sinulyapan si Gold na matalim na nakatingin sa amin. Napayuko ako ng makita ko ang sakit sa mga mata ni Gold. Nagui-guilty ako sa sinabi ko kanina na friend ko lang siya.

He deserved that! Remember what he did to you! Ani naman ng isang parte ng isipan ko. Yeah right. He deserved that. Magdusa siya gaya ng ginawa niya sa akin. Hindi ako yung tipong naghihiganti but when it comes to him, di ko mapigilang di maghiganti dahil sa ginawa niya sa akin noon. Mas masakit pa ang dinanas ko noon.

"Sweetheart, is he your boyfriend?" Matigas na tanong ni Gold sa akin at humakbang ito palapit sa amin.

"Don't you ever call her sweetheart because she's not yours. She's mine." And I'm not yours too. Agad na sabi ni Slade sa kanya at humagikhik pa ito."Bro, you know I'm not good at sharing."

"I.AM.NOT.ASKING.YOU." Giit pa nito kay Slade at saka ibinaling ang tingin sa akin.

"Sweetheart.. " tawag ulit nito sa akin na agad namang sinagutan ni Slade.

"Bakit ba sweetheart  ka ng sweetheart sa girlfriend ko ha? Di ka lang pala KSP, mang-aagaw din." Galit na sabi ni Slade sa kanya.

"I said--" di ko na pinatapos si Gold sa sasabihin niya dahil humarang ako sa pagitan nilang dalawa. I already feel the tension going on between them. Di lang ito about sa akin kundi about din  sa kanila.

"Pwede ba Ezekiel? Wag ngayon. I am here because of the party and please, wag mo namang sirain ang kasiyahan ko like what you used to do before! And yeah, I am Mindee by the way, the girl you want to meet." Tiningnan ko siya ng matalim at nagpatuloy,

"We're done here at wala na tayong dapat pag-usapan if ever gusto mong makipag-usap sa akin. We're over."

I give him my one last look at saka tumalikod sa kanya. Hinila ko rin si Slade paalis dun at narinig ko pang sumigaw si Slade sa kanya ng,

"Gold, di mo sinabing ex mo pala ang girlfriend ko! Sorry ka na lang, aasawahin ko na ang babaeng 'to. Hahahaha."

Pagkaalis namin sa veranda ay agad ko namang sinapak si Slade. Sinabunutan ko siya dahil sa ginawa niya kanina at dala na rin sa galit ko kay Ezekiel.

"Ouch. Little brat. Aray." Nahuli ni Slade ang kamay ko kaya naman ngumisi siya sa akin saka pinalapit ako sa kanya at ikinulong sa mga bisig niya.

"That hurts, you know and because of that, paparusahan kita." Lumapad ang ngisi nito at kahit anong pilit ko upang makawala sa yakap niya ay di ko nagawa. Natigilan lang ako ng banggitin niya ang salitang 'paparusahan'. Parang may kung ano sa akin na biglang naexcite dahil sa sinabi niya.

"Don't worry little brat, di ito masakit." Nagwink siya sa akin at mas inilapit pa ako sa matigas niyang katawan. Hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin.

"...masarap lang."

And then his lips collided on mine.

---

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon