Mindee's POV
Nagsimula na akong umakyat sa hagdan at ng marating ko na ang pinto na papunta sa veranda ay dahan-dahan kong pinihit ang siradura. I pushed the door lightly at ang unang bumungad sa akin ay ang malamig na hangin. Nakita ko agad ang railings ng veranda nila pero di ko nakita ang taong pinunta ko dito. Baka nasa pinakadulo ng veranda nila naghihintay.
I took small steps ng may biglang sumipol sa may likuran ko. Napaharap ako ng walang segundo sa taong sumipol sa akin.
Agad kong nakita si Slade na nakasandal sa pintuan at nakatingin sa akin. Ngumisi siya sa akin at saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong naconscious sa hitsura ko ngayon.
Nagcrossed arms ako sa kanya at ng mapansin kong nakatingin siya sa katawan ko ay hinawakan ko ang cardigan at mas binalot pa ang katawan ko gamit ito.
He grinned at me at saka pinatakbo ang mga daliri niya sa kanyang buhok. Sht. He's so damn hot. Nakaboard short siya ngayon at topless lang. Kitang-kita ko naman mula sa kinatatayuan ko ang kanyang abs.
"Hey little brat." Paos niyang bati sa akin at naglipbite ng dumapo ang tingin niya sa katawan ko. Napalunok naman ako ng wala sa oras at saka nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Why are you here?" Tanong ko sa kanya at pinanood lang siyang lumakad palapit sa kinaroroonan ko.
Ng malapit na siya sa akin ay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Ngumisi siya at saka inakbayan ako. Pinilit ko namang tanggalin ang braso niya pero mas lalo niya pang hinigpitan.
"Ano ba!" Angal ko sa kanya ng bigla niya akong pinaharap kaya I accidentally land my hands on his chest. Iniyakap niya sa bewang ko ang isa niyang kamay kaya wala na akong kawala sa kanya. Sht. Ang lapit ng katawan niya sa katawan ko. Sht lang.
"S-Slade."
"Stay with me for a while baby."
Di ko na alam kung ano ang gagawin ko ng niyakap niya ako ng mahigpit. Yun bang yakap na parang ayaw niya akong mawala sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginagawa niya.
Naramdaman ko na nanginginig ang katawan niya, ewan ko kung dahil ba sa ginaw o sa galit. Unti-unti namang gumapang yung mga kamay ko sa likod niya at sinuklian ko ang yakap niya. Ewan ko kung bakit ko rin siya niyakap. Parang sinasabihan ako ng instincts ko na yakapin din siya.
"Hey. What's wrong?" Tanong ko sa kanya ng maramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya. Ganoon lang ang posisyon namin ng mga ilang minuto. Nakalimutan ko na tuloy ang pakay ko dito.
Lumuwag naman ang yakap niya at saka tiningnan niya ako ng nakangisi. Hinawi niya ang hibla ng buhok ko na humarang sa aking mukha.
"Nothing. I just missed you."
Bumalik lahat ng inis ko sa kanya at parang sinampal sa mukha ko ang ginagawa namin ngayon. Parang ngayon lang ako natauhan sa mga ginagawa namin. Tiningnan ko siya ng masama at kumawala sa yakap niya. Awtomatiko akong napalayo sa kanya at naitulak ko siya ng mahina.
"Pakyu ka Slade." Pinakita ko sa kanya yung middle finger ko pero ang loko, tinawanan lang ako.
"You're really a brat." Amused na sabi niya sa akin and again, pinatakbo na naman niya ang mga daliri niya sa buhok niya.
Nagtitigan lang kami at tanging ang malamig na hangin at malakas na musika ang maririnig mula dito.
Pinaikot ko ang mata ko sa kanya at talikod na sana ako sa kanya ng bigla niyang hilain ang braso ko paharap sa kanya and the next thing I knew, lumapat na ang labi niya sa labi ko. Di ako makakilos sa kinatatayuan ko dahil sa biglaang paghalik niya sa akin. I just stood there with wide eyes and in the state of shock.
"Slade."
Napahinto si Slade sa paghalik niya sa akin ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Hinapit ni Slade ang bewang ko palapit sa kanya at ng humarap ako sa taong nagsasalita ay nanlaki ang mata ko.
"Siel Gold." Matigas at malamig na tugon ni Slade sa lalaking kaharap namin ngayon. Malamig itong nakatitig kay Slade at para bang tinutunaw niya sa pamamagitan ng tingin itong katabi ko.
"E-E-Ezekiel." Nauutal kong sambit sa pangalan ng taong kaharap namin. Napatingin ito sa akin at ang malamig na tingin nito ay napalitan ng pagkagulat.
So ang sinasabi nilang Gold at ang ex-boyfriend kong si Ezekiel ay iisa lang. Great. Just great.
---
Siel Gold on multimedia section
![](https://img.wattpad.com/cover/11952322-288-k411443.jpg)