Mindee's POV
Umupo ako sa isang black couch na nasa sala. Black and white kasi ang theme ng unit niya kaya halos lahat, kulay puti at itim. Malinis naman dito, kasing linis ng unit ko. Ang ganda din ng unit niya, iba kasi ang design kesa sa unit ko. Malaki din ang espasyo sa loob. Parang pang palasyo yung disenyo ng mga walls. Black and white with beautiful carvings. May malalaki ring paintings sa isang walls. Halatang mabibili lang sa black market.
May chandeliers din siya, dinaig pa yung unit ko. I'm sure, itong unit niya ay disenyo ng isang tanyag na architect. Tapos ang mga furniture niya, di mabibili sa furniture house, pinagawa mismo.
"So I'm here to talk about the unit 127. You're selling it right? If yes, I have interest in buying it." Diretso kong tanong sa kanya. Nasa harap ko siya nakaupo. May damit na din siyang pang-itaas. Hoo. Mabuti na lang. Kundi baka-- ehem!
"Introduce your name first bab---"
"Wag mo akong matawag na babe! " inis kong sabi sa kanya habang magkasalubong ang dalawa kong kilay.
" *chuckles* Okay little brat." So ayun nga, introduce yourself first." Nakangisi nitong sabi sa akin at sumandal sa couch niya. Nakadekwatro pa ito habang naghihintay na magpakilala ako.
"I'm Mindee. So pwede na?" Masungit kong tanong sa kanya. "Okay. As what I've said, I have interest in buying that unit but can you lower the price to 5? 4 million?" Formal kong tanong sa kanya pero siya, nakatingin lang sa akin na parang enjoy na enjoy sa pinagsasabi ko.
And then I realize, magulo na yung buhok ko with all that away thing. Whatever. Kaya pala pangisi ngisi 'tong lalaking to. Sinuklay ko na lang yung buhok ko at inirapan siya.
"Interested huh? Hmm. You're asking me to lower the price?" Husky niyang tanong sa akin. Is he.. is he seducing me? Shet kalandian nag-aalburoto lahat ng hormones ko!
Remember Mindee na nandito ka di para patulan ang pang-aakit niya. You're here because bibilhin mo yung unit 127. Remember that.
"Uh it's up to you. But if the price is ——"
"4 million. Deal?" Nakangisi niyang sabi sa akin. Di pa rin siya natinag sa posisyon niya.
Ano bang nginisi-ngisi nito? Do I look like a clown na? Do I look like a mad woman? Psh.
But did he just said 4 million?! Oh my gosh! He's selling the unit for 4 million?! YES!
"Really?! Okay deal! Wala ng bawian ah! Period no erase!" Masayang sabi ko sa kanya at saka tumayo para makipagshake hands.
"You acting like a child. Deal." inabot niya yung kamay ko pero di niya ito shinake. "But in one condition.."
"What condition?" Kinakabahan kong tanong at saka palihim na hinila yung kamay ko na hawak niya pero wala eh. Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak at saka tumayo.
Hindi ko gusto ang ganitong scene. Hindi ko gusto ang ganito. Kinakabahan ako.
"I want to taste you." Bulong niya sa may tenga ko kaya naman I knead him sa where-it-hurts-the-most.
"Shit little brat!" Mura niya tapos namimilipit siya sa sakit. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Ang bastos mo eh! Diyan kana nga!" Sabi ko sa kanya at saka tumalikod na.
"Shit. May araw ka rin sa akin little brat. Pag ako nabaog, mapapatay kita."
Napatigil naman ako sa sinabi niya, "Pag ikaw nabaog, tatawanan kita. Oy ang deal natin ha. Babush!"
Tuluyan na akong lumabas sa unit niya at saka nagtungo sa unit ko. Pagkapasok ko dun, tinawagan ko si daddy at sinabing may nakita na akong unit. Pagkatapos ay natulog na ako.
