Chapter 12

783 11 2
                                    

Mindee's POV

"Okay ka na Min? Wala na bang masakit sayo?" Nag-aalalang tanong ni Seh sa akin at tinulungan akong makaupo.

"Yeah." Paos kong sagot at saka tiningnan yung pasa ko sa may braso. Di na gaanong mahapdi kasi may nilagay yung nurse dito.

"Oh my gosh. We'll bring you to the hospital. Your-- your bruise!" Natatarantang sabi ni Trix at agad na naglabas ng cellphone.

"Wag na Trix. I'm okay and beside, this is just like a bite of a mosquito to me." Pag-aasure ko sa kanya at saka nagsuot na ako ng sapatos. Agad namang lumapit yung nurse sa akin at tinanong ako.

"Miss, are you okay now?" Inalalayan niya akong makatayo at chineck niya yung pasa ko.

"Yeah. Can I go now?"

"Sure. Come back here if you need anything." Nakangiting sabi ng nurse sa akin at saka bumalik na ito sa pwesto niya kanina.

"Sinabihan na kita Min na wag kang sasama dun sa lalaki na yun!" Sermon ni Sehya sa akin pagkalabas namin sa clinic.

"Naku! Sa susunod talaga wag na wag kang sasama sa lalaking yun! I'll tell you, he's dangerous!" Pagpatuloy pa niya. Tumahimik na lang kami ni Trix habang nakasunod kami sa kanya. Papunta kami ngayon sa cafeteria para maglunch.

"Opo." Pang-aasar ko sa kanya.

"Itatak mo talaga yan sa utak mo Mindee. Lagot ka talaga sa akin pag malaman kong nasaktan ka na naman dahil sa kanya." Pumasok na kami sa cafeteria at saka pumila agad para mag-order.

"Ang unfair naman nun. Ako lang ang malalagot." I pouted at her at pakunwari na nagtatampo.

"Kayong dalawa ang malilintikan! Tingnan mo na nga, second day of school, nagkapasa ka na? My God. Sana di na tayo bumalik pa dito eh!" Galit na tugon ni Sehya sabay talikod sa amin at umorder sa counter.

Sa aming tatlo, si Sehya ang pinaka-overprotected. We treat her like our older sister. She is also sometimes.. uh, cussing machine.

Si Trix naman yung tipong mahinhin na tahimik na OA minsan. Ang gulo niyan eh. Siya din yung Fil-Aussie sa amin na di marunong magtagalog. Sanay kasi ang dila sa English kaya.. out of place yan palagi pag nag-uusap kami ni Sehya sa Filipino na lingwahe.

"What did she said to you?" Pabulong na tanong ni Trix sa akin. Hay. Hirap pag may kaibigang di makaintindi ng tagalog. Nagiging Google Translate ka.

"She's scolding me. She's a monster." Naghagikhikan kaming dalawa ni Trix sa likod ni Sehya kaya naman napalingon ito sa amin. Agad naman kaming napahinto at pakunwari na walang ginagawa pero si Trix, halatang nagpipigil ng tawa.

"Are you guys backbitting me?!" Nakataas na kilay na tanong ni Seh. Kinulbit naman siya nung nasa counter na babae kaya naman ibinalik niya ang atensyon sa harap. Save by the girl. XD

"Una na ako. Lagot kayong dalawa. You're doomed." Mala-witch na sabi ni Sehya at nauna na sa amin. Dala-dala na niya yung tray niya na may lamang pagkain.

"You're doomed." Pag-iimita namin ni Trix sa kanya sabay tawa at order sa counter.

"Guys, punta tayo maya pagkatapos ng class natin dun sa Pacifico Resort." Sabi ni Sehya sa amin pagkadating pa lang namin sa table na ino-occupy'yan niya. Umupo ako sa harap niya habang sa gitna naman namin si Trix.

"San na naman ba yan? Baka mawala tayo ha. Alam mo na, di pa natin kabisado ang lugar dito." Ako, sabay subo ng fresh lumpia.

Nakita ko namang tumaas yung kilay ni Trix sa amin tapos nilagay niya ang dalawa niyang earphone sa magkabila niyang tenga.

"Duh. Google maps, you know." Pinaikot na lang ni Seh ang mata niya sa direksiyon ko kasabay ng pagnguya niya sa kanyang beef steak. We don't have rice okay.

"Malayo ba yan dito?" Tanong ko sabay sawsaw ng lumpia sa sauce. "I mean.. malayo ba yan sa Villa Grande?"

"Wait. Let me check," kinuha niya ang phone niya at saka may tinype dun. "Hmm. Konti lang ang layo sa condo."

"Okay. Game ako diyan." Sang-ayon ko sa kanya at saka pinagpatuloy ang pagkain. Kinulbit naman ni Seh si Trix na noon'y sumasabay sa kanta na pinaplay niya sa ipod.

"What?" Sabay tanggal ng dalawang earphones niya.

"You're in. That's final!" Nakangiting sabi ni Seh sa kanya at sumubo na naman ng kinakain niya.

"Okay." Tipid na sagot niya at ibinalik na naman ang kanyang earphones. Hinablot ito ni Seh mula sa tenga niya.

"Di ka ba-- Are you not going to ask where are we going?" Si Seh sabay ikot ikot ng kanyang tinidor. Pinanood ko lang silang dalawa ng maramdaman ko ang pagvibrate ng aking phone. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa at saka binasa ang message.

+639267786021
12:30 p.m.
- - -
Pacifico Resort. 6 pm sharp.
- - -

Eh? Kanino ba 'tong number na 'to? As if this unknown number sensed we're going to Pacifico Resort. Duh. Nawrong send lang siguro ang taong 'to.

I type, Who are you?

Nakatitig lang ako sa screen habang naghihintay ng reply. Bigla na lang ay nakaramdam ako ng kaba. I have this bad feeling towards this unknown number.

"Mindee!" May pagkairitang tawag ni Seh sa akin. Huh? Ano bang sinasabi niya?

"What is it?" Naguguluhan kong tanong. Tiningnan nila ako at saka pinaikutan ng mata.

"Kanina pa ako nagsasalita dito di ka pala nakikinig." Iritang tugon ni Seh at nagpatuloy pa, "I said, 6 pm na lang tayo pupunta dun."

Baka si Seh ang nagtext sa akin? Uh maybe? Pero may number naman ako ni Sehya at isa pa, bakit naman siya magtetext sa akin kung malapit lang ako sa kanya?

Hanggang sa natapos na kaming kumain ay wala pa ring reply sa akin yung unknown number. Hayy. Ba't ko ba hinihintay ang reply niya? Tsk.

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon