Mindee's POV
Katatapos ko lang magdinner kaya nandito na ako ngayon sa sala ko. Nanonood ako ngayon mag-isa ng movie. Hindi ko na tinawagan sina Sehya at Trix dahil gusto ko munang mapag-isa.
Nakatitig lang ako sa flat screen TV ko, wala nga akong naintindihan sa palabas eh.
Napailing ako when I remembered something. I took a sip of my coffee at saka napatulala sa kawalan. Nasa akin na ang lahat right? Maybe yes, maybe not. Nakukuha ko naman yung gusto ko. I can shop and buy what I want. I can travel to different places. I can buy anything I want. I have friends. Pero bakit parang.. wala pa rin ang lahat ng 'yon? Bakit.. part of me is still unhappy?
~Ringgggg.~
Biglang tumunog at umilaw yung phone ko na nakapatong sa maliit na lamesa dito sa sala. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino yung caller, si Daddy.
"Hello dad?" Sagot ko matapos islide sa answer button ang screen.
"Hello ija. I just want to check on you. How are you?"
"I'm fine.. I guess? Haha." Natatawa kong sabi kay dad. Close kasi kami ni dad kaya ganito ako makitungo sa kanya.
"Hmm. I see. By the way, nag-inquire ka na ba dyan ng another condo para sa kuya mo?" Narinig ko pa ang pagbuklat niya ng mga papel sa kabilang linya. Dad owned many companies in Australia and other countries in Asia kaya busy siya palagi. Tingnan mo nga, gabi na dun pero nakaharap pa yan for sure sa mga folders na may mga papel. You know, proposals.
"Ayy shoot. Wala pa dad. Mag-iinquire pa po ako ngayon. How are you dad?"
"I'm fine ija. I need to finish my work here so call me if you need anything, okay?"
"Okay po." Binaba na ni dad yung linya. It's already 8 pm here kaya malamang, 9:30 pm na dun sa Australia.
Inabot ko yung telephone na nasa gilid lang ng couch at saka dinial ang number sa namamahala ng Villa Grande Condominium.
Sa pangatlong ring, sinagot na ito. "Good evening. This is Villa Grande Manager speaking. What can I do for you?"
"Good evening too. Uhm, I just want to ask if there is an available unit?" Sagot ko naman sa kanya.
"Let me check Ma'am?"
"Segovia." Sabi ko sa kanya. Segovia is my last name.
"Ma'am Segovia."
After ng ilang segundo, nagsalita na naman siya.
"Ma'am, we don't have anymore available units."
"Ah. Okay? Thanks, bye." Binalik ko na sa lalagyan yung telephone at saka kinuha na naman yung phone ko. I dial Seh's number.
"Yo Min? Ba't ka napatawag?" Ang ingay naman ng unit ni Seh. Nagpamusic siguro tong babaeng 'to at full blast pa yung speaker.
"May alam ka bang unit dito na 'For Sale'? " Natahimik naman yung 'background' music niya matapos kong magtanong. Pinatay niya siguro.
"Yeah. Yung, unit.. unit 125 siguro yun? Nakita ko sa poster sa labas ng Villa Grande eh." Sagot niya naman.
"Uh sige. Thanks. Check ko muna kung hanggang ngayon, for sale pa yun."
"Sige. Bye Min!"
*toot..toot*
Agad akong nagbihis ng jeans at nagsuot ng pink sweatshirt. Tinalian ko na rin yung buhok ko into high ponytail. Matapos kong kunin yung wallet at phone ko ay lumabas na ako sa unit. Awtomatiko namang sumara yung pinto. 5 star.

BINABASA MO ANG
Secrets of that Hot Guy
Novela Juvenil"You know me, but you don't know the real me."