Mindee's POV
"Hoy Mindee! What happened to you? You look like you saw a ghost." Sabi ni Trix sa akin sabay tapik ng mahina sa cheeks ko. Nabalik naman agad yung pag-iisip ko sa kasalukuyan dahil sa ginawa niya.
Inaalala ko kasi yung sinabi ni Kelly sa akin kanina. Pagkatapos niyang sabihin sa akin yun ay nawala na yung pag-iisip ko hanggang sa pagkatapos ng last class namin. Spaced out ako buong hapon. At ngayong nasa parking lot na kami ay ganoon pa din ako. Hayy, di ko muna yun aalahanin, nakakastress ng sobra.
"Ah eh. May iniisip lang. Wait Trix, where did you learn that 'hoy' word? Hmm?" Tinaasan ko siya ng kilay at saka pumasok na sa front seat ng sasakyan ni Sehya. Nakaupo na si Seh sa driver seat pagkapasok ko.
"One of our classmates taught me that." Nakangiting sagot ni Trix sabay upo sa passenger's seat. Nilingon ko naman siya at saka inismiran. Binelatan niya naman ako.
"Enough with that girls." Natatawang suway sa amin ni Sehya at saka pinaandar na ang sasakyan.
*****
"Bilisan mo Mindee!" Sabi ni Sehya sa akin at saka hinila ako pagkatapos kong mahablot yung backpack ko na may lamang kaunting damit. Total naman daw Saturday bukas eh dun na lang daw kami mag-oovernight.
Pumasok na kami sa kotse ni Sehya na nakaparking dito sa parking lot ng Villa Grande. Inilagay namin lahat ng aming bag sa passenger's seat, katabi ni Trix.
Makulimlim na ng umalis kami sa condominium. Mag-aala sais na kasi ng umalis kami dun.
Habang nasa byahe kami ay pinatugtog ni Seh ang radio ng kotse niya. On track ang G.U.Y by Lady Gaga. Nakinig na lang ako sa music at kinalikot na lamang ang ipad ko para pampatay sa oras.
"How many hours will it take to reach there?" Narinig kong tanong ni Trix at ng lingunin ko ito ay naglalaro din pala ito sa psp niya.
"Twenty five minutes." Sagot ni Seh na focus pa rin ang atensyon sa daan.
Bumalik na lang ako sa paglalaro sa ipad hanggang sa di ko na namalayan na nakarating na pala kami.
"We're here." Anunsiyo ni Seh at nauna ng lumabas sa amin. Lumabas na rin ako at saka kinuha ang bag ko na inabot sa akin ni Trix mula sa passenger's seat.
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng lugar. Ang ganda at saka ang presko ng hangin dahil nga nasa dagat ito. Para kang nasa garden ng 6 star hotel . May mga palm trees, tapos mga halaman na nakapalibot. Ang ganda pa ng effects ng lights nila dahil madilim na. The place is really breathtaking.
Madami na din ang mga taong nandito sa Pacifico Resort. Halatang mga mayayaman base sa pananamit nila.
"Com' on Min." Pinulupot ni Trix ang mga kamay niya sa braso ko at saka hinila pasunod kay Seh. Nauna na kasi itong naglakad sa amin.
Pumasok na kami sa may malaking cottage style dun. Pagkatapos ni Seh na makipag-usap sa isang receptionist, ay humarap ito sa amin at nilapitan kami.
"Tara. Isang cottage house lang ang kinuha ko. Okay ba yun?" Tanong ni Seh at inayos ang strap ng backpack niya.
"Yeah. Sa'ng cottage ba?"
"Hali kayo." Sumunod kami ni Trix papunta sa cottage namin.
----------------
"Hey girls, wanna stroll around?" Yaya ko sa kanila. Tapos na kasi akong magbihis ng short shorts na light washed at black tops. Inilugay ko na lang ang brunette kong buhok.
"Sure." Sagot ni Trix na naglalagay pa ng mascara sa pilikmata niya.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa wooden chair at saka kinuha ang slippers ko. Di na ako nagdala ng wallet, isinuksok ko na lang ang 10,000 bills ko sa bulsa ng aking short at sa kabila namang bulsa ay yung phone ko.
"Seh!" Tawag ko kay Sehya na nasa loob pa ng kwarto. Narinig ko namang bumukas yung pinto at saka siya lumabas. "Eto na."
Nilock namin yung pinto ng cottage namin at saka umalis na dun. Lilibutin lang namin ang lugar.
Nagkwentuhan na lang kami habang naglalakad ng biglang inopen ni Sehya yung topic na ayaw ko.
"Are you still afraid to fall inlove.. again?" Tanong ni Sehya sa akin at itinapon ang isang pebble sa dagat. Tahimik namang nakikinig si Trix sa amin.
"B-Bakit mo naman natanong yan? Alam mo naman diba?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Pinili ko munang di sagutin yung tanong niya kasi kahit yung sarili ko, di alam yung sagot.
"Wala lang. Natanong ko lang." Nagkibit balikat ito at saka umupo sa may malaking bato doon.
"I'll just go to the CR." Pagpapaalam ni Trix sa amin at ng tumango si Seh sa kanya ay umalis na ito.
Pinanood ko lang ang nakatalikod na pigura ni Trix hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa malamig na hangin na nagmumula sa dagat.
"Alam mo Min.. hinding-hindi mo ako maloloko. I know na may mas deep reason pa kung bakit iniwan mo siya.." tumayo si Seh at saka tumabi sa akin, ".. aside from, pananakit niya sayo when he's drunk. I know there's still a reason aside from that."
She's opening the topic again. Pinilit ko ngang kalimutan ang topic na yan eh. Oo, I'm the worst bestfriend ever. Alam ko naman yun eh. Di ko sinabi sa kanilang dalawa yung totoong dahilan kung bakit iniwan ko siya. Kung bakit nandito ako ngayon sa Pilipinas. Oo, tama si Seh, may mas malalim pang dahilan bukod sa pananakit niya sa akin. Di ko lang talaga kayang sabihin sa kanila ang dahilan. Di ko kayang isabi. Natatakot ako.
"S-Sehya. A-Ano bang.. pinagsasabi mo? Wala nga! We already talked about it!" Nauutal kong sagot sa kanya sabay harap sa may dagat. May dumaan namang magkasintahan sa harap ko. I stared at them. Hayy.
"Listen Min.. Walang magagawa yang pagtatago mo ng problema sa sarili. Wag mo namang sarilihin ang mga problema mo oh. We're you're bestfriends." Naupo siya sa buhangin at hinagis ang isang bato na napulot niya. "Minsan, I wonder if you really treat us as your bestfriends. Para naman kaming walang silbi sa ginagawa mo. Don't you trust us?"
"Sehya. D-Di naman sa ganun.. I-I just.. I just don't know how to tell you. I-I'm scared." Di ko na napigilan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilang lumabas. Napahagulhol na lang ako hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap ni Seh sa akin. "I-I'm scared.."
"Shhh. Nandito naman kami Min. You can tell us your problem. Hindi pwedeng habang buhay mo na lang tatakbuhan ang problema mo.." hinagod niya ang likod ko habang ako eh hikbi lang ng hikbi, ".. walang magagawa ang pagsasarili ng mga problema. It'll just make things worst."
"Seh, sasabihin ko naman sa inyo. N-Not now.. pleasee. Di ko pa kaya."
"Oh sige. Tell us if gusto mo ng pag-usapan. 'Kay?" Tumango nalang ako sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko. Ng kumalma na ang paghikbi ko ay siya naman ang pagdating ni Trix.
"Hey guys, let's go in there. There." Pagyaya sa amin ni Trix na walang kamalay malay sa nangyari sa amin dito. Tinuro niya yung malaking cottage style building dun na kung saan kami pumasok kanina ng makarating kami dito.
Pumunta naman kami dun. Kaunti lang yung tao doon sa loob pagpasok namin. Umupo naman kami sa may stool dun na nasa isang parang restaurant.
"My treat.." sabi ni Seh sa amin, "Barkada meal please." Order niya at saka inabot ang 1,500 peso bill sa babae na nasa counter.
"5 minutes Ma'am."
May tinanong si Trix kay Seh kaya naman nakinig na lang ako sa pinagsasabi ni Seh sa kanya. Nagpapaturo kasi si Trix kung ano daw yung tagalog ng ganito, ganyan.
Naramdaman ko naman na nagvibrate bigla ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at saka tiningnan kung sino ang tumawag sa akin.
Yung unknown number na nagtext sa akin kaninang lunch.