Chapter 23

44 1 0
                                    

Mindee

Dahil sa sobrang hilo ko, I passed out while inside the car. When I woke up, I was alone in a black and white room. Hindi ko alam kung sino ang nagbuhat sa akin papunta dito. Hindi ko rin alam kung kaninong room 'to.

Dahan-dahan akong umalis sa kama at walang ingay na binuksan ang pintuan. Nadatnan ko sila Frex na nakaupo sa couch at naglalaro ng video games. Nagmumurahan sila habang nagtatawanan when all of a sudden, tumikhim ako. Natahimik sila at agad na napunta sa akin ang kanilang atensyon.

"Oooh, gising na pala ang prinsesa." Ngumiti sa akin si Grey.

Unang tumayo si Frex sa kanila at pumasok sa kusina upang ilagay 'yong bowl sa sink. Pagbalik niya ay nagsalita siya.

"Anong gusto mong kainin Min?"

"Nothing. Why am I here and kaninong bahay 'to?"

Isinara ko ang pintuan sa kwarto at saka maingat na lumapit sa kanila.

"This is Slade's."

Hindi ko alam kung sino ang sumagot sa kanila dahil inilibot ko ang tingin sa paligid, in search of my two bestfriends. Nagpatuloy din naman sila sa kanilang ginagawa kanina.

"Saan sina Sehya at Trix?"

"They're probably be sleeping right now." Si Frex lang ang sumagot sa tanong ko but his focus is on the Xbox.

"Where are they? Nandito ba sila? Why are we here?" Kinakabahan ako sa nangyayari ngayon. What if kasangkot din pala sila sa mga lalaki kanina? What if kinidnap nila kami? What if---

"Relax. We're not the enemies here, okay? Si Trix nandiyan sa kwartong katabi ng tinulugan mo tapos si Sehya naman, sa gilid ng storage room." This time, napaharap na sa akin si Frex. Naghagikhikan naman yung mga kasama niya.

Hindi na ako nagsalita pa at agad kong tinungo ang kwarto ni Trix. Dahan-dahan ko itong binuksan at laking gulat ko ng madatnan ko si Trix na nakaupo na sa kama niya at nakatingin na sa akin.

"Gising ka na pala Trix. Kamusta ka na?"

Umupo ako sa tabi niya. Umusog naman siya ng konti para makaayos ako ng upo.

"I'm fine. You?" Yung mukha niya, putlang-putla at para bang takot na takot.

There's something on her voice.

"What's wrong?" I ask her.

Yumuko lang siya at umiling.

"Trix, I know you. Don't lie to me. What's wrong? Tell me."

Natahimik siya habang ako, naghihintay sa sagot niya. Maya-maya pa ay may narinig kaming parang kalabog sa labas ng kwarto na ito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo pa nung sinabi ni Trix na,

"Sehya."

Agad kaming lumabas sa kwarto at tinungo ang kwarto ni Sehya. Hindi naman kami napansin nila Frex dahil sa ingay nila. Si Trix na ang nagbukas sa pinto. Pagkapasok naming dalawa ay sumalubong sa amin ang walang katao-taong kwarto.

"Sht. Where's Seh?" Tanong ko ni Trix at kinuha ang duvet sa kama. Wala.

"I-I don't know."

Kahit ako, kinabahan na din.
Maya-maya pa ay nagsipasukan sa kwarto sina Frex. Nagtataka din sila ng madatnan nilang wala si Sehya. Nilibot nila ang kwarto to check pero wala pa ding bakas ni Sehya.

Napalingon agad kami kay Grey ng tumunog ang phone niya. Hindi umabot sa minuto ang pag-uusap nila sa taong nasa kabilang linya. As soon as the line went off, humarap siya sa amin with pained expression.

"Cray is already dead."

My jaw drop in shock. Lumaki ang mata ko. Di ako makapaniwalang-- oh my gosh, nakita ko pa si Cray kanina.

They don't give a reaction to what's Grey is talking about. They remained silent while clenching their fists and gritting their teeth.

"Holy sht."

Lahat kami napatingin kay Grey na nasa may bintana. May kinuha siyang nakadikit sa glass wall.

"It's a note." Sabi niya kaya naman lumapit kami sa kanya. Fudge, napakasama ng kutob ko.

"And it reads...

























... Say good bye to Sehya."

----
A/N: Tada!

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon