Mindee's POV
He moves his lips pero di ko pa rin sinasagot ang halik niya. Nanatiling nakasarado ang bibig ko at pinipigilan ko talagang sagutin ang mga labi niya.
"Little brat." May pagkainis na sabi niya ng mapansin niyang di ko sinasagot ang halik niya.
Inangkin niya ulit ang mga labi ko and this time, I respond to his kisses. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya to deepen the kiss. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng veranda and I know, si Gold ang lumabas mula doon pero di ko na lang pinansin. Bahala siya sa buhay niya.
"Oh shit." Narinig kong mura ni Slade at mas nilaliman pa ang halik niya. Niyakap niya ako ng mahigpit sa bewang kaya mas naramdaman ko ang tigas niyang katawan. Naramdaman ko rin na may tumutusok na matigas na bagay sa may hita ko kaya naman napahinto ako. Napahinto din siya at idinikit ang noo niya sa noo ko. Pareho kaming naghahabol ng hininga at parang kagagaling lang sa isang fun run.
"Wag mo akong bitinin little brat. May magagalit." Pilyong sabi ni Slade na nakapikit at nakadikit ang noo sa noo ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga at ang magkalapit naming mga labi.
"Suck yourself baby boy." Pang-aasar ko sa kanya and chuckled when I heard him groaned. Nakapikit pa din ako at pinapakalma ang hininga ko.
"Mindee!"
Naitulak ko ng wala sa oras si Slade ng marinig ko ang boses ni Sehya na tumatawag sa akin. Kakapasok lang nito dito sa loob kasama ang mga babae naming kaibigan and I'm hoping na sana di na nasaksihan ang ginagawa namin kanina.
"Anong ginagawa niyo d'yan?" Sigaw niya mula sa ibaba. Di pa kasi kami nakababa sa hagdan eh kasi naman-- you know what happened. Nakatingala sila sa amin at halata mong may tama na ang alak sa kanila base sa kanilang inasta. May time kasing maghahagikhikan sila eh.
"Uh.. w-wala naman." Sagot ko sa kanya at saka pinandilatan ng mata si Slade na ngayon'y nakangising nakatingin sa akin. Naalala ko tuloy yung kanina kaya agad akong tumalikod sa kanya at dali-daling bumaba sa may hagdanan.
"Anong wala? Wag mo akong lokohin Min.. kilala kita!"
Namumula na ang mukha ni Sehya, senyales na lasing na talaga ang babaeng ito. Kasama niya ngayon sina Anne, Kish, Xinia at Aika na halata mong lasing na din. Di pa naman sila basa kaya sigurado akong di pa ito nagswimming.
"Wala nga. Ano ka ba!" Pinulupot ko ang mga kamay ko sa braso ni Sehya at mahina siyang hinila paalis dun pero tinabig niya lang ang kamay ko at saka tinuro si Slade na pababa sa hagdanan.
"Teka lang.. hoy Slade! Anong ginagawa niyo ni Mindee ha?"
"Sehya, wala nga. Tara na!" Suway ko agad sa kanya at saka siya hinila palabas dun sa loob. Mabuti na lang at nagpahila siya. Sumunod din naman sa amin yung ibang girls.
Pagkalabas namin ay mas umingay ang paligid at mas dumami pa ang mga taong nandito. Inabutan naman ako ni Kish ng isang bote ng alak kaya naman ininom ko ito at saka hinubad ang suot kong cardigan.
Nawala na naman sa paningin ko sina Sehya kaya naman napaupo na lang ako sa may pool habang iniinom ang alak.
Lumipas ang ilan pang mga minuto at madami na din akong nakilala at nakausap dito. Kusa lang silang lumapit sa akin at nakipag-usap kaya naman kinausap ko na. At ngayon, pangtatlong bote na ng alak itong nainom ko.
Pinanood ko lang muna ang mga naliligo sa pool habang inuubos ang laman nitong bote. Nakita ko ding naliligo na ang mga barkada ni Slade. Nandun na sina Cray, Frex, Grey at yung nasa porch kanina. Malaki rin kasi itong pool kaya marami ang pwedeng maligo ng sabay.
Nilagay ko muna sa may lamesa ang bote ko at saka nag-unat. Gusto ko ng magswimming dahil naiinitan na ako, epekto na rin siguro ng alak.
Akmang tatalon na sana ako sa pool ng may bumuhat sa akin kaya naman napatili ako ng bigla itong tumalon sa pool.
"Slaaaaaadeeee!"
----
A/n: Pagpasensyahan po kung medyo lame yung una. Di ako magaling magsulat ng mga ganun eh! Thank you!
BINABASA MO ANG
Secrets of that Hot Guy
Ficção Adolescente"You know me, but you don't know the real me."