Mindee's POV
Transferee kami ng bestfriend kong si Sehya Deutch at Trix Seyfreid from Melbourne-Sydney International University sa Australia. Dahil uwian na, napagpasyahan naming maglibot muna sa campus. Familiarizing it. Ferrero Academia is indeed a huge school.
We talk and talk until we reached the school's flower garden. Iilan lang ang students na nandito. Mostly strolling around.
Napakaraming bulaklak. Wild orchids, roses, sunflowers, crysanthemums, and etc. Grabe, parang flower shop na ang paaralang ito sa dami ng bulaklak.
May ilang benches din kaya umupo muna kami sa isang bench na tanaw ang row ng big red roses. Nasa lilim din kasi ito ng isang puno kaya hindi sobrang mainit.
"Ganda dito but it's so hot." sabi ni Sehya at nilibot ang tingin sa paligid.
Yeah. Mainit talaga kasi nung nasa Australia pa kami, everyday malamig. Kahit may araw pa.
"May garden pa ang school na 'to. Cool!" ako sabay tayo at akbay kay Seh, short for Sehya.
"M-min?" Kinulbit ni Trix ang likod ko kaya nilingon ko muna siya.
"What is it?"
"Look." May tinuro siya at yung expression niya ay gulat na gulat. Para bang nakakita ng multo.
"Wait Trix. Picture-ran mo muna kami ni Sehya. 3 shots lang ha!" binigay ko kay Trix ang phone ko at nagpose na kami, background ang roses. Formal picture tapos wacky. XD
"Done." Lutang na sabi ni Trix at inabot sa akin yung phone ko. Yung atensyon nya, wala sa amin.
"Hey! Earth to Trix!" Panggugulantang namin kay Trix kaya napatingin siya sa amin. This time, namutla na siya na para bang katatapos lang niyang kumain ng mangga na isinawsaw sa suka.
"Are you okay?" Natataranta kong tanong sa kanya. Niyugyog ko pa siya lightly.
"M-Min.." ano bang nangyari sa isang 'to? Kanina pa nauutal ah tapos parang nakakita ng multo.
"We need to call the ambulance! Oh my God, baka mamatay ka na jan Trix. Naku!" Nagtatype na sana si Seh ng number sa phone niya kaya lang napatigil ito.
".. Hehe, I don't have the numbers of hospitals here. I thought, nasa Melbourne pa rin tayo. Hehe." Napakamot na lang sa ulo niya si Seh. Pft.
"I-I'm not going to die. Duh." Trix just rolled her eyes at us and namutla na naman ng nagpatuloy siya, ".. j-just look at.. that."
Tiningnan ko naman yung tinuturo niya. Gayundin si Seh.
"Ano ba Tri-- Oh my gosh!" nanlaki ang mata kong nakatitig sa scene na nasa unahan lang namin konti.
"Oh my freaking-- What the hell?!" Bulalas pa ni Sehya ng makita niya rin ang nakita ko.
Napaawang yung bibig niya.
Yung babae kasi eh nakaupo sa kandungan ng lalake na nakaupo sa may bench, arms spread with a cigarrette on the left hand. They're making out. They're making out on public. Nakabukas pa yung polo ng lalaki, exposing his abs.
Hindi namin masyadong makita yung mukha ng lalaki kasi naman, naghahalikan sila. But I'm sure, gwapo 'yan base sa inasta ng babae. Who the freaking girl would make out in public with an ugly guy? Haha.
Sanay naman kami sa Australia na makakita ng PDA pero di lang talaga namin inexpect na even people here, did that. I thought, girls here are discipline at may pagka-old school? Diba, the culture of Filipinos is so different from the other countries? Filipinos have self-respect and self-discipline right? Then why this scene?
---
Mindee on multimedia section.
