Chapter 6

1K 11 0
                                    

Mindee's POV

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Kanina pa nga yan tunog ng tunog eh at kanina ko pa yan sinosnooze pero ngayon, di ko na makaya yung kaingayan niya lalo pa't voice alarm clock ito.

Wake up! It's six twenty in the morning!

Wake up! It's six twenty in the morning!

"Oo na! Babangon na nga!" Inis kong sabi sa alarm clock sabay patay nito. Bumangon na ako at saka hinawi sa magkabilang gilid ang dalawang malaki at makapal na kurtina sa glass wall ko. Mula dito, matatanaw mo ang siyudad at ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Medyo mataas na din yung sikat ng araw kahit six pa ng umaga.

Pumasok na ako sa bathroom at saka naligo. Pagkatapos kong magbihis ng uniform ay dumiretso na ako sa kusina upang kumuha ng wheat bread at nilagyan ito ng bacon. Sanay na akong di nagheheavy meal tuwing umaga kasi ng nasa Australia pa ako, ganito lang ang kinakain namin. We seldom eat rice there. Minsan, mahirap ngang mamuhay sa bago mo namang environment. Mahirap magcope up sa paligid lalo pa't ang pamumuhay nila ay di mo nakasanayan. Being here is like starting over again. Magsisimula ka sa una wherein wala kang masyadong friends tapos di mo pa kabisado ang lugar.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang backpack ko, wallet at saka phone bago lumabas sa unit. It's already 7 in the morning.

Dinial ko muna yung number ni Sehya kasi sa kanya kami sasabay. May kotse kasi siya eh habang kami ni Trix ay wala kaya yung kotse na lang niya ang ginamit namin as transportation papuntang school at pabalik.

"Hoy Mindee! Where on earth are you?!" Bungad agad ni Sehya pagkasagot niya. This girl.

"Good morning din. Nasa parking lot na kayo?" Tanong ko sa kabilang linya. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang underground floor kung saan ang parking lot ng condominium.

"Anong parking lot? -- Wait I'm still speaking to Mindee-- uh Hello Min? Anong parking lot ang pinagsasabi mo? Eh kanina pa kami nandito sa school!"

"WHAT?! Nasa school na kayo?!" Gulat na sabi ko sa kanya. Paanong nasa school na sila? Ganun, iniwan lang nila ako dito? How nice of my bestfriends. Note the sarcasm.

"Yeah? Ba't ba nagulat ka? Eh pinapasabi mo nga dun sa lalaking nagbuga sa atin ng usok ng sigarilyo na nasa school ka na. Ikaw ha, di mo sinabing close kayo nun." Sabi niya naman. What the?! Kailan ko ba sinabihan ng ganun si Slade? Bullcrap naman oh! Nakakasira ng araw!

"What?! I didn't said anything to him!" sabi ko at saka lumabas na sa elevator. Nasa underground parking lot na ako ngayon.

Yong Slade talaga na yun! Naku! Naghihiganti na naman yun sa akin dahil sa ginawa ko!

"I thought you—— ah makakatikim talaga yung lalaking yun sa akin!" Galit na sabi ni Sehya at saka nagpatuloy, "Wait.. do you want me to fetch you there?"

"Nah. No thanks. Magtataxi na lang ako."

"Sure ka? Pwede pa namang——"

"Ok lang talaga. Sige na. Bye." Pinatay ko na yung tawag at saka nagsimula nang maglakad palabas dito sa parking lot.

Nasa kalagitnaan na ako sa paglalakad ng biglang may dumaan na puting sports car sa gilid ko. Napayakap naman ako bigla sa sarili ko dahil sa kaba. Malapit akong masagasaan for Pete's sake!

Huminto yung puting sports car sa unahan ko at saka lumabas sa driver's seat ang isang lalaki. Nagsimula na ulit akong maglakad at nilagpasan siya. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Hey. Wait." Napalingon naman ako sa driver. Matangkad siya tapos maputi. Nakashades ito. Matangos ang ilong, tapos maayos ang buhok. Gwapo in short. Maskulado din naman, halatang basketball player.

I pointed at myself. "Me?"

"Yeah ikaw. Sorry dahil malapit kitang masagasaan." Sincere niyang sabi sa akin at saka niya ako tiningnan.

"Ahh. O-Okay lang. Sige, una na ako sayo." Sabi ko at tatalikod na sana ng magsalita ulit siya.

"You're also a student of Northern East International School?" Nagtataka niyang tanong kaya naman humarap na ako sa kanya.

"Uh yeah. Why?"

"I'll make it up to you dahil sa malapit kong pagsagasa sayo. I'm also a student there." Sabi niya at sumandal sa kanyang kotse.

"Naku wag na. Di naman ako nasaktan eh. Hehe. Dun ka din pala nag-aaral." Tumingin ako sandali sa labas saka binalik ang tingin sa kanya. "Sige ha, papara pa ako ng taxi eh."

"Magtataxi ka?"

"Kakasabi lang eh-- este oo."

Ngumiti siya sa akin sabay bukas sa pintuan ng front seat.

"Sabay ka na lang sa akin. Dun din naman ang punta ko."

"Ah eh.. Nakakahiya naman sayo." Nahihiya kong sabi. Naku Mindee, wag kang sasabay sa kanya, baka may binabalak yan na masama.

"Nah I insist. Kung iniisip mong may gagawin akong masama, com' on, I'm not a killer or what." Natatawa niyang sabi sa akin. Paano niya nalaman ang iniisip ko? Is he some sort of mind reader or something?

"Uh. Sige." Pumasok na ako sa front seat kaya naman pumasok na din siya sa driver's seat. Matapos naming maglagay ng seatbelt ay pinaandar niya na ang kotse at saka umalis na kami dun sa parking lot.

Ang sarap sakyan ng sports car. Swift ang takbo tapos parang lumilipad kayo sa ere dahil di mo mafifeel na dumaan kayo sa kalsada.

"I-Is this your driving speed?" Kinakabahan kong tanong sa kanya ng matansyang ang bilis ng takbo namin na halos magblur na ang dinadaanan namin. Wala din naman kasing traffic eh.

"Nope. My slowest speed." Cool niyang sagot. Slowest speed? So meaning, may mas mabilis pang takbo nito?

Natawa siya sa akin ng kumapit ako sa may seatbelt. Eh ang bilis kaya niyang magpatakbo.

"By the way, I'm Cray Feyer. I never saw you on NEIS. You're new?" Tanong niya pero nakafocus pa rin yung atensyon sa dinadaanan namin.

"Yes. I'm a transferee. Kahapon pa kami nagsimulang pumasok dun. I'm Mindee." Sagot ko naman. Wew, ang swerte ko. Kinausap ako ng isang gwapo. XD

"Kami? So marami kayo? Nice name by the way." Namula naman ako sa compliment niya.

"Thanks and yes, tatlo kaming transferee. My bestfriends." Sabi ko naman sa kanya. Okay din naman siyang kausap. Di awkward.

Di ko na namalayan na nakarating na pala kami sa parking lot ng school. Nauna siyang bumaba sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. Napakagentleman naman ni Cray.

"Thanks pala sa ride." Pagpapasalamat ko sa kanya at lumabas na sa kanyang sports car. May ibang mga estudyante na napatingin sa direksiyon namin na puno ng pagtataka.

"So, see you around Dee." Sabi ni Cray at kumindat sa akin. Dee? I blush at his endearment.

Lumapit naman siya dun sa kasamahan niya siguro na naninigarilyo. Gosh, napakabad influence naman ng barkada niya.

Lumingon sa akin si Cray at saka kumaway. Nagsilingunan tuloy yung mga barkada niya sa akin and then I saw him. Kabarkada din pala ni Cray si Slade.

Nakasandal lang si Slade nun sa wall habang naninigarilyo at ng magtama ang mata namin, naningkit ang mata niya at saka tinapakan ang sigarilyo niya.

I feel the lump on my throat when I saw his fist and the next thing I knew, I was sprinting away from him.

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon