Chapter 9

810 13 0
                                    

Mindee's POV


"Shit. SINONG NAKAKITA SA KANYA?!" Sumigaw na naman siya kaya tumahimik na naman ang lahat. Ba't ba napapasunod niya ang lahat?! I hate how he can manipulate us.

"She's this tall, brunette-haired, a fourth year student and she has a pink backpack with neon linings in it!" Frustrated na sigaw nito. So kailangan pa talagang idescribe ako? At aber, kailan siya naging observer na pati bag ko, nadedescribe niya?

Napalingon lingon sa paligid nila ang mga taong nandidito at hinahanap nila ang dinescribe ni Slade.

"This is a shit Mindee." Narinig kong bulong ni Sehya tapos nilagay sa ibabaw ng mesa ang walang lamang goblet.

"Is he up to something?" Naguguluhang tanong ni Trix sa amin. Di ko na lang sinagot ang tanong niya at sa halip ay sinabing, "I'll talk to him. Baka mamaya, may mapahamak pa."

"Are you insane?! Kita mo namang galit na galit siya diba?! Paano kung saktan ka niya?! Ah basta, di mo siya pupuntahan." Sigaw sa akin ni  Sehya. Nandiyan na naman yang pagka-over protected niya.

"Di naman siguro. I can handle myself naman eh. Baka may importante siyang pakay." Seryoso kong sabi sa kanila. May pakay talaga yang kalokohan ang Slade na yan.

"Mindee!" Pinanlakihan ako ng mata ni Sehya.

"Okay lang talaga ako. Don't worry. I'll just call you guys later. Okay?"

Wala ng nagawa si Sehya ng tumayo na ako. Tinanguan lang nila ako kaya naman umalis na ako dun at nilapitan si Slade sa may sliding door ng cafeteria.

Ng makita niya ako, agad niyang hinablot ang braso ko at walang pasabi-sabing kinaladkad ako palayo dun.

"Aray Slade! Wag mo nga akong kaladkarin! Hoy ano ba! Bitawan mo nga ako!" Nagpupumiglas akong makawala sa mahigpit na hawak niya pero mas lalo pa tuloy niyang hinigpitan ang pagkakahawak. Panigurado akong magkakapasa ako nito dahil sa hawak niya.

"Nasasaktan na ako Slade! Ano bang problema mo ha?!" Galit kong sigaw sa kanya kaya naman napahinto kami sa may parking lot ng school.

"Ang dami mo ng atraso sa akin little brat. It's paytime." Nakangisi nitong sabi sa akin at kinaladkad na naman ako.

"Di ako nakikipaglokohan sayo Slade kaya pwede ba-- aray-- bitiwan mo na ako!"

Huminto na naman siya sa pagkakalakad at tiningnan ako ng masama. What now?

"At di din ako nakikipaglokohan sayo little brat. Sumama ka na lang kasi sa akin."

"AYOKO! Bitawan mo na ako please!" Binitawan niya naman ako at saka siya humarap sa akin.

Tiningnan ko yung braso kong hinawakan niya ng mahigpit. Bumakat yung kamay niya dun at naging kulay violet ang part na yon. Hinimas-himas ko ito ng maramdaman ko itong humahapdi.

Tumingin ako sa kanya na nakatingin naman sa may braso kong hinimas-himas ko.

"Look what you've done!" Galit kong sigaw sa kanya. Tiningnan ko siya ng matalim. Magkasalubong na yung kilay ko habang sinamaan siya ng tingin.

Bigla ay nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa sobrang init ng paligid. Unti-unting umikot yung paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng balance.

Bago pa ako mawalan ng malay at macollapse sa semento dito sa parking lot ay nasalo na agad ako ni Slade na panay ang pagmura.

"Shit little brat. You make me worried."

Di ko na narinig ang pinagsasabi niya dahil tuluyan ng sumara lahat ng senses ko.

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon