Mindee's POV
ONE WEEK PASSED. Sa isang linggo na 'yon ay wala pa ring mahalagang pangyayari. The usual things happened. We go to school, go back to condo, go shopping with the girls last weekend, made friends with some students and so on. Mabuti nga at di namin masyadong nakikita si Slade and the rest of his friends. The last time I saw him was last tuesday. Nagprapractice sila ng football sa field nun ng mapadaan kaming tatlo doon. I didn't know Slade is a varsity.
And about dun sa unit na binebenta ni Slade, silang dalawa ni Daddy ang nag-usap about dun. Ewan ko kung ano ang napag-usapan nila basta ang alam ko lang, within this week na babayaran ni Dad ang unit.
"I'm reminding you again Min ha para dun sa party. Na uh!" Sabi ni Rose sa akin sabay lapag ng mga libro niyang dala sa kanyang silya. Nakaupo na ako ngayon sa silya ko at pinapanood lang si Rose na mag-aarange ng mga gamit niya.
Nagkaclose na kami ni Rose at ang iilan sa mga kaklase ko sa isang linggo naming pagsasama dito sa room.
Yang party naman na pinagsasabi ni Rose ay yung party na gaganapin sa bahay nila. Mamayang gabi na yun at imbitado lahat ng mga kaklase namin na dumalo sa party niya. Pool party daw para sa mga friends niya. Paulit ulit na niyang pinapaalala sa aming tatlo na dapat daw pupunta kami sa party niya. Eh sino bang tatanggi sa amin? Lahat kaming tatlo mga party goers.
"Yeah. I know. I know. Haha. Ikaw talaga." Napailing na lang ako sa kanya ng tiningnan niya ako ng tingin na nagsasabing mark-your-words-lady-or-else-you'll-be-dead.
"Ah basta. Dapat magbikini ka ha!" humalakhak siya pagkatapos niyang sabihin sa akin yun. Pinaharap na niya naman ang chair niya sa direksyon ko para magkaharap na kaming dalawa.
Kung di lang talaga busy sa pakikipagchika si Sehya sa iba kong kaklase, malamang kanina pa kami nakikinig dito sa mga ''stories'' ni Rose. Story teller eh. Nag mala-Lola Basyang. Si Trix naman, as usual, soundtrip kasama yung isa ko ding babaeng kaklase na si Angel.
"Alangan namang magpants ako dun. Duh Rose." Pinaikutan ko siya ng mata at saka tumawa ng mahina. Tumawa din naman siya at saka bigla na lang nag- ssshhhh sa mga maiingay naming kaklase. Tumahimik naman sandali ang klase at di naabutan ng minuto, umingay na naman. Vacant kasi namin ngayon.
"Oo na. Basta, dapat mga 8 nandun na kayong tatlo." Kinulbit niya si Sehya na noon'y nakipagdaldalan sa mga babae naming kaklase. Nilingon naman siya nito.
"Seh, girls, mayang 8 ha?"
Nagsitanguan naman silang lahat at saka bumalik na naman sa pinag-uusapan nila. Binaling ni Rose ang tingin niya sa akin at saka ngumisi.
"Meet my friends this evening. Ta-da!" Kumindat muna siya sa akin bago humarap na. Again, napailing na lang ako sa kanya.
"Mindee! Ang tagal mo naman dyan!" Rinig kong sigaw ni Sehya sa labas ng kwarto ko. Nandito na silang dalawa sa unit ko, specifically nasa sala, hinihintay ako.
"Eto na nga." Lumabas na ako dala ang small backpack ko na naglalaman ng gagamitin ko para sa party. You know, necessary things, towel and etcetera.
"Wow chiks." Natatawang kumento ni Trix sa akin. Naka hotshorts kasi ako ngayon at saka black tank top.
Pinalo ko naman siya ng mahina at saka hinila na silang dalawa palabas sa aking unit. Nakashort shorts silang dalawa at si Sehya, nakatube ng color gray. Si Trix, nakatops ng color white.
"Ang tagal-tagal mo namang makapagbihis. Nag-aano ka pa dun noh?" Ngumisi sa akin si Seh sabay ayos ng strap ng maliit niyang backpack. Lumabas na kaming tatlo sa unit ko at ngayon ay patungo na kami sa elevator.
BINABASA MO ANG
Secrets of that Hot Guy
Novela Juvenil"You know me, but you don't know the real me."
