Chapter 11

779 13 1
                                        

Slade's POV

Nakaidlip na sana ako ng may narinig akong malakas na paghilik sa katabi kong kama.

"Argh." Ungot ko at humarap sa kabilang side. Pumikit ulit ako pero nakakainis lang, mas lalo pang lumakas yung paghilik kaya naman, napabangon na ako at marahas na hinawi ang kurtina na nasa pagitan namin ng katabi kong kama.

"What the——"  Napatigil ako ng makita ko kung sino ang taong humihilik na yon. Si Mindee.

Mahimbing siyang natutulog pero ang lakas niyang humilik. Sinadya niya ba talagang humilik?

Nakaharap siya sa kabilang direksyon at tanging ang nakakalat lang na buhok niya ang nakikita ko. Tinitigan ko na lang ang napakakalat niyang kulay brown na buhok.

Itinungkod ko ang dalawa kong kamay sa kama niya at saka dahan-dahan siyang pinaharap sa akin. Tinitigan ko siya ng makaharap na siya sa akin at mas inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya upang mas maigi ko siyang matitigan.

"Sir bawal po——"

"Fvck shit!" Napahilamos na lang ako sa gulat ng bigla akong kulbitin ng nurse. Agad akong napatayo ng tuwid at saka huminga ng malalim upang pakalmahin ang paghinga ko.

"S-Si——Sir?" Takot na takot na tanong ng nurse sa akin ng sinamaan ko siya ng tingin. Shit. Ba't ba nagulat ako kanina? It's like.. It's like I'm caught by someone who saw what I did.Well, may gagawin pa.

"Get out of my sight now." I said to her, poison dripping on my voice. Dali-dali naman itong umalis sa harap ko.

Humarap ulit ako sa kanya at saka umalis dun. Nadaanan ko ang nurse na nakaupo sa may silya malapit sa table at ng mapatingin siya sa akin ay agad itong napayuko.

May tinawagan ako saglit at saka lumabas na dun sa clinic. Pagkalabas ko pa ay nakasalubong ko yung dalawang kaibigan ni Mindee na nagmamadali rin. Pupunta din siguro sa clinic.

"You!" Sigaw sa akin nung mataas na babae na may pagkablonde yung buhok.

"What?" Bored kong sagot sa kanya at lalampasan ko na sana siya ng bigla niya akong hampasin ng kanyang bag.

"Wala kang hiya ka! Dahil sayo nahimatay si Mindee! Fuck you dude!" Sigaw pa rin niya sa akin at hinampas na naman ako ng bag niya.

"Sehya. Please stop!" Awat naman nung isa na mas mababa sa Sehya nito. Nakayakap ito sa bewang nung Sehya at pilit itong inilalayo sa akin.

"Wag mo akong maawat awat Trix. Papatayin ko talaga ang isang 'to."

"Girls. Tsk." Ani ko at saka tumalikod na.

"Hoy bastos! May araw ka rin sa akin. Bullshit ka!" Yon na lang ang huli kong narinig mula sa babaeng yon dahil pumasok na sila sa clinic.

"Tingin-tingin niyo diyan?!" Masungit kong sigaw sa iilang taong nanonood sa amin. Agad naman silang nagsialisan. Urgh. Makapunta na nga dun.
———

AN: [>] Stay the Night by Zedd ft. Haley Williams. Lss na dis! XD

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon