Chapter 13

695 9 2
                                    

Mindee's POV

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay bumalik na kami sa aming room. Pagkadating namin dun ay wala na sa tamang ayos ang mga armchairs at napakaingay na ng mga kaklase namin. May kanya-kanya silang mundo. May nagchichikahan, may nagsisigawan, may nagkakantahan at kung anu-ano pa.

Hindi nila kami namalayang pumasok kaya naman dumiretso kami sa may pwesto namin.

"Hi Girls!" Bati ng ilan sa mga kaklase namin na nakahalatang pumasok kami.

"Hello." Sabay pa naming tugon sa kanila.

Umupo na kami sa kanya-kanya naming armchair sa may likuran ng room namin. Inilapag ko muna yung backpack ko sa silya bago kinulbit ang kaklase kong nasa harap ko nakaupo. Nagbabasa ito ng isang libro. Lumingon naman ito tapos nginitian ako.

"Wala si Ms. Pontis?" Tanong ko sa kanya sabay kuha ng notebook at ballpen ko sa bag.

"May meeting daw yung aattendan.." sinara niya ang libro na binabasa niya at saka pinaharap ang armchair niya sa direksiyon ko.

"Anong title niyan?" Tinuro ko ang dala niyang libro.

".. a-ah eto? Wala 'to. Hehe." Agad niya itong ibinalik sa loob ng bag niya at saka tiningnan ako.

"I heard what happen to you.." Sabay tingin sa braso ko na nagkapasa kanina.

Nagkibit-balikat naman ako sasinabi niya at saka hinimas ang parteng tinitigan niya.

"We have some sort of.. argument. Ba't mo nalaman ang tungkol dito?" Tanong ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin.

"Narinig ko lang sa hallway. Nahimatay ka raw?" Walang kasiguraduhang tanong ni Rose sa akin at saka sumandal sa armchair niya.

"Uh yeah. Mainit ang panahon eh. Hehe." Ako, sabay kuha sa phone ko na nasa bulsa. Kanina pa vibrate ng vibrate eh.

"Excuse me lang Rose ha? Sasagutin ko lang 'tong tawag." Pagpapaalam ko sa kanya at ng tumango siya sa akin ay lumayo na ako sa kanya.

Sinagot ko naman ang tawag ng nasa medyo tahimik na akong pwesto.

"Hello? Who's this?"

"Mindee? Mindee?" Bigla na lang akong kinabahan ng marinig ko ang boses ni Kelly sa kabilang linya. Natataranta ito kaya naman pati ako, nataranta din.

"K-Kelly? What is it?" Nasa Australia ngayon si Kelly, kaklase ko dun at pinsan ko rin.

"I-I have a bad news. D-Don't be shock." Lumabas ako sa room kung saan mas tahimik para mapakinggan ko ng mabuti kung ano man ang sasabihin ni Kelly sa akin.

Mas lalo pa tuloy akong kinabahan ng sinabi niyang bad news ang dala niya. Kilala ko ang pinsan ko, di ito marunong magsinungaling kaya kung ano man ang sasabihin niya sa akin, panigurado akong, bad news talaga.

"T-Tell me.. w-what is it?" Nanginginig na sabi ko sa kanya. And then, nagpatuloy siya sa pagsasalita sa kabilang linya. Indeed, bad news talaga.

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon