Slade's POV
I know I'm hot. I know I'm gorgeous. Papunta na ako ngayon sa clinic kung saan ko dinala si Mindee. Shit. Di ko alam madali yung mahimatay. Di tuloy natuloy yung plano ko kanina. Ugh. Sayang, may kinalaman pa naman sana yon sa--- Nevermind.
Habang naglalakad ako dito sa pathway patungo ngang clinic, nadaanan ko ang mga tanim na mga pulang rosas. This flower! I hate this fucking flower! Shit!
"Shit!" Mura ko habang tinapak-tapakan ko ang mga bulaklak hanggang sa nalanta na ang lahat ng mga tanim dito. Walang nakakaligtas na mga tanim na rosas sa tapak ko. Lahat, nalanta na. Durug-durog na ang mga talutot nito pati na ang mga dahon. Tama nga yan sayo. Gaganyanin din kita tulad ng ginawa mo sa akin. Humanda ka!
Umalis na ako dun at ng makatungtong na ako sa corridor ay bigla na lang may tumawag sa akin. Guess who? Tss.
"MR. FERRERO!"
Wala sa modo akong napalingon sa kanya at tiningnan siya ng malamig.
"What?" Walang ganang tanong ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at tiningnan ako ng may awtoridad.
"Why did you destroyed the school's special roses?!" Medyo nakataas niyang tanong sa akin at tinuro-turo niya pa ako gamit ang dala niyang ballpen.
"What's so special about that?" Malamig kong tanong din sa kanya. Oo, special yan katulad ng dati pero di na sa paningin ko!
"Hindi mo ba alam na imported pa yang bulaklak na yan galing sa ibang bansa?!" Sabay turo sa mga rosas na tinapakan ko.
"Pake ko?" Tumalikod na ako sa kanya at akmang lalakad na ng magsalita ulit siya.
"In my office! Now!" Mahinahon pero halatang galit na sabi niya sa akin. Ugh. Hirap pag mataba yung president ng school's discipline, laging highblood. Atakihin ka sana dyan.
Inis akong naglakad papunta sa office niya. Office of the School's discipline Head. Marahas kong binuksan ang pinto ng opisina niya at sumalampak agad sa couch pagdating dun. Ipinatong ko sa may maliit na glass table ang dalawa kong paa at saka sumandal sa sandalan ng couch.
"Get your feet off Mr. Ferrero." Demanda niya sa akin sabay upo sa kanyang swivel chair na nasa harap ko. He clasps his hands and place it on the top of his table.
"I already told you Mr. Ferrero that---"
"--once you'll disobey the rules of the school. I'll call your father!" Bored kong pag-imita sa mga kataga niyang paulit-ulit na lang. "Tss."
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at walang pasabi-sabing lumabas doon sa opisina niya. He's just wasting my time. I have businesses to do.
"Mr. Ferrero! We're not done yet! Where are you going?!" Galit na tanong ni Mr. Copper habang nakasunod ito sa akin. Narinig ko ang mga nagmamadaling yabag niya papunta sa akin.
Hindi ako tumigil sa paglalakad at sinagot siya ng, "Sa impyerno. Sama ka?!"
Alam kong napahinto siya sa sinabi ko kaya naman nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Tahimik na ang mga corridors dahil class hours ngayon. Di ako pumasok kasi tinamad ako tapos tumawag pa si Cray kanina na may emergency daw kami.
Pagkarating ko sa harap ng clinic, napatigil ako. Ba't nga ba ako pumunta dito? Aish. Matutulog ako kaya ako pumunta dito. Wala ng ibang dahilan.
Binuksan ko ang pinto at ang una agad na bumulaga sa akin ay ang mukhang unggoy na nurse na nagpapacute sa akin.
"Sir Ferrero ——" hahawakan niya sana ako pero agad akong lumayo sa kanya. Mamaya, baka may ebola yan, mahawa pa ako.
"Shut up!" Matigas kong sabi sa kanya kaya naman napasimangot siya. Hindi ako pumapatol ng mga nakatatanda pa sa akin, for Satan's sake. Ugh. It's so gross. Mas mabuti na yung fresh and young, diba? ;)
"Don't disturb me." Malamig kong tugon sa nurse na nakatingin lang sa akin ng may pagnanasa. I know I'm hot.
Humiga na lang ako sa isa sa bakanteng kama dun at ginawang unan yung braso ko. I don't trust the pillows in here, baka may dandruff flakes pang naiwan dito o kung anu-ano pa. Well, wala ka naman talagang pinagkakatiwalaan. Ani naman ng isang parte sa isip ko.
Tiningnan ko ang relo ko, alas onse y media na at hanggang ngayon, di pa rin nagising ang brat na yon?! Baka nagtulog-tulugan lang naman 'yon? Ahh. Makakatikim talaga yon sakin pag ako ang pinagloloko niya. Ang bigat pa naman niyang buhatin. Ba't ko nga ba yon binuhat? Sana, iniwanan ko lang siya dun!
Shit. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakaisip ng kung ano ano. Makatulog na nga lang.
BINABASA MO ANG
Secrets of that Hot Guy
Novela Juvenil"You know me, but you don't know the real me."