Chapter 4

1K 10 0
                                    

Mindee's POV

"Now, let's talk.. business." Nakangising sabi ni Slade (yun yung sinabi ni Valeria na pangalan nito). Inirapan ko lang siya at saka sumunod sa kanya papunta sa unit niya.

Nasa may pintuan pa rin si Valeria, namumula sa galit at matalim na nakatingin sa akin. Ano bang ikinagalit niya? Tss. Hashtag, insecure problems.

"Bae, umuwi ka na." Sabi ni Slade sa kanya at walang sabi sabing hinalikan ito sa labi. Diba si Ariyah ang kahalikan niya kanina? Then bakit si Valeria na naman ngayon? Playboy.

"Pero bae, we're not done yet. Remember?" Malanding sabi ni Valeria sa kanya at pinulupot ang mga braso nito sa leeg ni Slade saka ito hinalikan.

"Ehem!" Tumikhim ako kaya naman natigil ang paghahalikan nila. Ang bastos lang, nasa harapan nila ako oh.

"We'll talk something important. Bukas na lang." Sabi ni Slade kay Valeria kaya naman sumimangot ang plastikada. Slade gestured at me to follow him. Nauna na siyang pumasok sa unit niya.

Tiningnan ko lang si Valeria at nilampasan. Di pa ako nakalayo sa kanya eh bigla niya akong pinagsasabunutan kaya naman nabuwal ako at natumba sa sahig.

Pinaghihila niya yung buhok ko kaya naman natanggal yung pagkaponytail ng buhok ko. Shit lang ang sakit.

"You shit! Fuck you Mindee Segovia! Isa kang malaking disturbo! Aahhh!" Sigaw niya sa akin kaya naman nagsitinginan sa amin yung iilan sa mga taong nasa corridor at saka lumapit sa amin upang awatin si Valeria.

"Valeria!" Sigaw ni Slade sabay hila kay Valeria palayo sa akin pero ang bruha, di pa rin binitiwan ang buhok ko.

"Shit ka Mindee! FUCK YOU! MANG-AAGAW!" Mas lalo niya pang hinila ang buhok na yung tipong mahiwalay na ito sa scalp ko.

"Miss, let go of her hair!" Sigaw naman ng isa sa mga lalaking umawat sa amin. Pilit na pinagtatanggal ng umawat sa amin yung kamay ni Valeria na nakasabunot sa buhok ko.

At dahil di ko na natiis, gumulong ako paharap sa kanya sabay bigay sa kanya ng isang malutong na suntok sa tiyan sabay sipa sa mukha niya. Agad siyang napabitiw sa akin at nagsisigaw dahil sa sakit. I told yah, I'm a bitch.

Aawatin sana ako nung mga lalaking umawat sa amin pero agad akong sumugod kay Valeria at sinabunutan siya. Ginawa ko rin yung ginawa niya sa akin.

"Ikaw ang bullshit! Sinong plastikada sa atin? Ikaw! INSECURE KA LANG! INSECURE!" Sigaw ko rin sa kanya sabay suntok sa mukha niya at sabunot sa buhok. Dumugo naman yung ilong niya sa suntok ko. Marami ng umawat sa akin pati na rin sa kanya at di ko namalayan na marami na palang tao sa paligid namin. Pinag-aawat nila kami.

"Ikaw ang bullshit! Mayaman ka lang dahil——" di ko siya pinatapos at buong lakas kong hinila yung buhok niya sabay sipa sa tiyan nya. Napaluhod naman siya sa sakit.

"BITIWAN NIYO AKO! MAPAPATAY KO TALAGA TONG BABAENG 'TO! BITIWAN NGA AKO SABI EH!" Sigaw ko rin sa mga umaawat sa akin. Ang dami nilang nakahawak sa braso ko kaya naman di na ako makakasugod sa kanya.

"Ilabas niyo 'yang babaeng 'yan dito! Di yan taga rito!" Sigaw ng isang babae na nanonood sa amin ngayon. Hinila naman ng mga lalaki papasok sa elevator si Valeria.

"FUCK YOU MINDEE SEGOVIA! MANG-AAGAW KA!" Nagsisigaw na naman siya habang pilit siyang kumawala sa pagkakahawak sa kanya.

Sinamantala ko yung tiyempo na lumuwang yung pagkakahawak nung umawat sa akin upang sugurin si Valeria. Sinampal ko siya ng malakas at tinadyakan bago pa ako tuluyang mahila ng mga umaawat sa amin.

Ng mapasok na sa elevator si Valeria, agad na tumahimik ang paligid. Tanging malalim na paghinga ko lang ang maririnig. I am still shaking in anger.

Nakatayo lang din sa harap namin si Slade at nakatingin sa elevator. Nagtatagis ang bagang nito.

"Miss okay ka lang?"

"Di ka ba nasugatan?"

"Dalhin ka na kaya namin sa Hospital?"

"Tatawagin ko muna yung guard!"

"Walang tatawag ng guard! Tapos na ang lahat." Inis na sigaw nung babae na sumigaw din kanina. Napalingon naman kaming lahat sa kanya.

"I'll handle this. Bitawan niyo na siya." Ma awtoridad na sabi niya sa mga nakahawak sa braso ko. Binitawan naman nila ako at saka nagpaalam na sila na babalik na daw sila sa unit nila.

Lumapit sa akin yung babae at saka ngumiti. "Don't worry, I'll take care of that girl. By the way, I'm Shanell and you are?" Sabi nung babaeng lumapit sa akin.

"Mindee." Medyo awkward kong sagot sa kanya.

"Oh Mindee. Hmm I have to go back now, so see you tomorrow!" Umalis na siya kaya ako at si Slade na lang ang naiwan dito. Pinanood ko lang siyang umalis tapos kinausap niya ang mga gwardiya na kakalabas lang sa elevator.

"Now babe. Where are we? Oh business." Natatawang sabi ni Slade sa akin at saka pumasok sa unit niya.

"Come in, by the way, that was hot babe! "

"Stop calling me babe!" Inis kong sigaw sa kanya at dinagdagan ng, "And oh, you didn't told me you have a pest as a visitor." Sarkastiko kong sabi sa kanya sabay pasok sa loob ng kanyang unit.

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon