Chapter 7

914 12 0
                                    

Mindee's POV

Narinig ko yung tumatakbo niyang mga yabag papalapit sa akin. Mas binilisan ko pa yung pagtakbo ko at lumusot lusot sa mga estudyante na nandidito sa corridor.

"Little brat!" Sigaw ni Slade sa akin habang hinahabol ako. Aaminin ko, ang bilis niya ding tumakbo.

Hinihingal na ako pero di pa rin ako tumigil sa kakatakbo. Baka mamaya, maabutan pa ako ni Slade at gagawan pa ako ng di kanais nais thinking na may atraso pa ako sa kanya. Nagmamadali akong umakyat sa may hagdanan ng building. Pinagtitinginan na nga ako ng mga estudyante eh. Sino bang di magtataka sa ginawa ko? Baka iniisip nila na ng snatch ako kaya ganyan sila makatingin sa akin. Sa ganda kong to? Snatcher? Come on, they're just kidding. Lol.

Ng maramdaman kong malayo-layo na ako kay Slade, naglakad na lang ako paakyat sa hagdan ng hinihingal. Napagod ako sa kakatakbo mula sa Slade na yun.

Inayos ko yung backpack ko at ng medyo kumalma na yung hininga ko ay nagpatuloy na ako sa pag-akyat. Naabot ko na yung 2nd floor ng building. Kinakailangan ko pang umakyat na naman patungo sa 4th floor dahil nandun yung room ko.

"Tabi nga kayo! Letse, tabi!" Naagaw yung atensyon ko sa taong nagsisigaw habang papaakyat sa may hagdanan. Ng makita ko kung sino ito, agad nanlaki ang mata ko sabay kumaripas ng takbo paakyat sa hagdanan na patungong 3rd floor.

Sa katarantahan ko sa pag-akyat, nabangga ko yung isang babaeng may dala-dalang mga libro.

"Look where you're going!" Inis na sabi nito sa akin at pinulot ang mga libro niya. Tutulungan ko na sana siya ng mahagip ng mata ko ang papalapit na si Slade. Nakangisi pa ito sa akin at nakasando na lang ito. Feel niya naman ang pagfa-funrun namin.

"Sorry!" Sigaw ko na lang sa babae at saka umakyat na ng hagdan na nagmamadali. Mabuti na lang at di ako natapilok habang umaakyat ng nakatakbo dito.

Huminto ako sa 3rd floor, to catch my breath. Wala na akong narinig na mga yabag ni Slade. Pawis na pawis na ako sa kakatakbo kaya naman pinahiran ko yung sarili ko gamit yung towel kong dala. Nagspray na din ako ng perfume sa damit ko at saka umakyat na naman patungong fourth floor. Pagkarating ko dun sa pang-apat na palapag ng building, naglakad na ako papunta sa third to the last na room na nasa kaliwang corridor.

Pinaypayan ko yung mukha ko gamit ang aking kamay habang papunta sa room ko. Napalingon naman sa akin yung ibang estudyanteng nasa room na. Mga glass kasi ang windows dito eh. Sosyal.

Malapit na ako sa room ko ng may biglang humila sa akin at tinakpan yung bibig ko. Nagulat naman yung mga estudyanteng nasa katabi ng room ko dahil sa nakita nila. Pinagtitinginan nila kami tapos bigla na lang silang bumalik sa mga pinaggagawa nila. Anyare?

"Where do you think you're going little brat?" Mapang-akit na tanong ni Slade sa akin. Ang tigas pa ng katawan niya. XD

Kinuha ko yung kamay niya sa bibig ko at saka ko siya hinarap. Pinunasan ko muna yung bibig kong hinawakan niya bago ako nagsalita.

"Yuck! Eww. What's your problem Mr. Slade?!" Nakapamewang kong tanong sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Did you just called me by my name?" Amused niyang tanong sa akin.

Eh?

"Y-Yeah? Ah whatever. Papasok na ako." Tinalikuran ko na siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap ako sa kanya.

"Aray! Ano ba!" Sigaw ko sa kanya kaya naman binitiwan na niya ako. "Ano ba kasing kailangan mo?!"

"All I want is you." Nakangising sagot niya sa akin tapos tumingin siya sa dibdiban ko.

Sinipa ko naman yung paa niya at saka pinandilatanko siya nga mata. Bastos na tao!

"What was that for?! Ang dami mo ng atraso sa akin ha!" Galit niyang sabi sa akin at hinimas himas ang paa niyang sinipa ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Yun ay para diyan sa kabastusan mo!" And with that, pumasok na ako sa room namin.

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon