THIS IS NOT A PURE WORK OF FICTION.
Names, Characters, Bussineses, Places, Locals, Other events and Incidents in this story may have occurred in real life.(I don't have enough knowledge about the job of the characters so please correct me if you read/ I wrote something wrong or inappropriate about it.)
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1) - completed
Chains of Destiny (Paraluman Series #2)
This contains spoilers of Paraluman Series #1
_________________________________________I'm Peregrin Zarah Laurente, Z for short. The daughter of Zoella Miller Laurente, the owner of Vida Cosmetics and Laurente Corp.
I'm a tourism student, graduating. My mom and I are close, parang magkaibigan lang kami, tho palagi siyang wala sa bahay dahil nga sa business niya. Kapag naman umuuwi siya ay siguradong makikipag-bonding siya sa'kin sabay balita ng engaged ako sa isa sa anak ng business partner niya.
Noong pinaka-unang beses akong na-engage ay sobrang kaba at takot ang naramdaman ko, naisip ko pangang nababaliw na si Mama dahil ang bata ko pa no'n. But eventually nakasanayan ko na, dahil na-engage na 'ko ng apat na beses at lahat ng 'yon ay natigil dahil sa plano ko. Iisang plano lang ang ginamit ko pero lahat ng 'yon umubra.... not until I got engaged again for the fifth time.
Noong una ko siyang nakita ay nagwapuhan ako sakaniya, lahat naman ng naengage sa'kin ay gwapo pero siya talaga 'yung pinaka type ko. From the hair style hanggang sa pananamit niya, matangos ang ilong, mapula ang labi at sobrang ganda ng hugis ng kaniyang mukha.
Nagbago lang talaga ang isip ko noong nakausap ko siya at nalaman ang ugali niya. Hindi ko first time marinig ang suhestyon ni mama na magsama kami ng mga naging fiancé ko sa iisang bahay, ang first time ko ay ang pumayag siya na mangyari ito! Lahat ng naging fiancé ko ay tutol sa ideyang 'yon pati na rin ako kaya walang nagagawa ang mga magulang namin kung hindi ang hayaan kami. Pero ngayon, pumayag siya! Titira kami sa iisang bahay!
_________________________________________Nang makasakay na ako sa eroplano ay hindi ko mapigilan ang kabahan. Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang may maling mangyayari o may nakalimutan ako.
"Miss 'yung scarf mo" sabi ng co-cabin crew ko kaya naman ako napatingin sa scarf ko. Nginitian ko siya at nagpasalamat bago ito inayos dahil natanggal pala ito sa pagkakatali.
Nagsimula ng dumating ang mga pasahero kaya naman umayos na kami ng sabihan kami ng senior namin.
"Let me help you" pag-aalok ko sa pasahero na inilalagay ang bagahe niya.
"Thank you" aniya saka na binigay sa'kin ang bagahe at umupo. May hawak itong baby kaya nahihirapan siya sa paglagay kanina. Nagpasalamt pa itong muli ng mailagay ko ang bagahe niya kaya naman nginitian ko ito bago umalis. Nag-antay kami hanggang sa magsalita na ang piloto ng ready for take off na.
"Flight attendants, prepare for take-off please. Cabin crew, please take your seats for take-off." Anunsyo ni captain.
Ilang oras pa bago kami nagsipunta sa lugar namin para sa safety demo. Napangiti ako sa paseherong bumati sa'kin ng pumosisyon ako sa posisyon ko. Nagsimula na ang safety demo namin. Habang isinasagawa namin ang safety demo ay hindi ko mapigilan ang pagtitig sa isang pamilyar na mukha. Hindi ko pinahalata ito dahil mapapagalitan ako atsaka hindi rin ako sigurado kung siya 'yon dahil hindi siya nakatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
Chains of Destiny (Paraluman Series #2)
Teen FictionLevi, a civil engineering student and Zarah, a tourism student got into an arrange marriage because of their parents. They both agreed to stop the marriage before their graduation. But what if they both fall for each other? Will there be a marriage...