CHAPTER 29

32 1 0
                                    


At least

"Uuwi kana?" Gulat na tanong ko kay Ara nang makitang bihis na bihis siya. Dito kasi kami sa bahay nina Xena natulog kagabi dahil wala na rin naman kaming pasok.



"Mhmh!" Tumango siya. "Baket, ikaw wala ka na bang balak umuwi?"



"Wala," umiiling kong sagot saka niyakap ang unan na nasa gilid ko.



"Una na 'ko" Pagpapaalam niya pa. Marahan pa 'kong tumango saka nagsabing ingat habang ang tingin ay nasa cellphone. Ano bang magandang gawin?



"Hoy!" Tawag ni Lia sa'kin nang makapasok siya sa kwarto.



"Hoy ka rin."



"Wala ka pa bang balak maligo?" Tanong niya kaya naman napatingin ako sakaniya.



"May date ka?" Tanong ko nang matapos siyang tignan simula ulo hanggang paa.



"Anong date? May shoot ako." Kunot noong sabi niya na para bang may mali akong sinabi.



"Ah?!" Gulat akong napaupo. "Akala ko ba magsasama-sama tayo ngayon, ha? Bakit kayo nagsisi-alisan?" Kunot noong tanong ko. Nangiiwan!



"Tumawag kanina 'yung manager ko. Kailangan daw nila ng isang model since nagka-emergency 'yung dapat magsho-shoot ngayon." Pagpapaliwanag niya.  "Ayaw mo ba 'kong umalis? Sayang din 'yung pera doon. Panlibre ko rin sa'yo"



Nawala ang kunot noo ko at napalitan ng malawak na ngiti. "Wala naman akong sinabing ayaw kitang umalis! Tinanong ko lang. Osiya, magiingat ka, ayusin mo 'yang ngiti mo." Pagpapaalala ko. Napailing naman siya habang parang nanghuhusga akong tinignan.



"Maiwan na nga kita,"



"Kiss ko?" Tanong ko saka pa bahagyang inilapit ang mukha ko sakaniya na para bang nanghihingi talaga ng halik sa pisngi.



"Ew!" Nakangiwing saad niya.



"Grabe ka na, Lia! Parang dati lang panay ang halik mo sa pisngi ko! Porket nagkaroon kana ng ka bebe time ini-ew mo na 'ko!" Hindi makapaniwalaang saad ko na ikina-iling niya. "Ingat ka."



"Oh ano aalis ka rin?" Tanong ko ng bumungad sa pintuan si Autumn.

Chains of Destiny (Paraluman Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon